CHAPTER SEVENTEEN

2954 Words
Kanina ko pa nakikitang laging sumusulyap sa akin ‘yung kaibigan nila, dedma lang ako pero deep inside, it’s getting on my nerves. It’s rude to stare at someone, I hope alam niya ‘yan, pero based on his state, I think hindi. “f*****g annoying,” I muttered pero narinig iyon ni Lucy. “May sinabi ka?” she asked while eating barbecue. Natatakam na rin ako sa amoy pero I held myself from their invitation. “Wala,” I said and gave her a smile. Nagpatuloy naman siya sa pagkain kaya itinuon ko na rin ang atensyon ko sa cellphone ko. They were talking about random stuffs pero tahimik lang ako since none of them are my classmates. Paminsan-minsan ini-include nila ako sa usapan nila. “Ang tahimik pa rin ni Missy ‘till now,” sabi ni Grace, tinawanan ko lang ang sinabi niya dahil hindi ko alam ano ire-respond doon. Ayoko naman sumabat sa usapan nila bigla and besides hindi ako makarelat sa pinag-uusapan nila. “10 pm na, hindi pa ba tayo babalik?” tanong ni Allie. “uuwi na tayo maya-maya,” sabi naman ni Grace. Inubos muna nila ang coke bago tumayo at naglakad. At dahil curfew na, iilan nalang ang nakikita namin sa daan. Mabuti nalang at walang pulis o tanod na lumilibot. Ilang minuto rin ang nilakad namin para makabalik kina Leigh, at tama nga kami ng hinala, nabawasan na ang mga tao. Bumalik na kami sa pwesto namin kanina. “Atleast medyo nabawasan na ang mga tao kanina,” sabi ni Lucy. Napalingon naman ako sa likuran ni Lucy, naglalakad patungo sa direksiyon namin si Kryss. Isa sa mga kaklase nina Lucy na naging kaklase ko rin noon. Ngumiti siya ng makita kami kaya nginitian ko rin siya pabalik. Tiningnan naman ni Lucy kung sino ang nginingitian ko, nang makita niyang si Kryss ito ay ngumiti na rin siya and offered her a seat. “What time kayo uuwi?” tanong ni Kryss pagkaupo niya sa upuan na ibinigay ni Lucy. Napalingon naman ako kay Lucy. Hanggang 4 ako rito e. “Mga four siguro ako, ikaw Missy?” baling sa akin ni Lucy. “Same.” Napatango-tango naman si Kryss. “if ever na inaantok na kayo mag-chat lang kayo either sa akin or kay Harriete. May matutulog kasi sa amin ngayon para hindi sila mapagod bukas,” sabi ni Kryss. Nagpasalamat naman kami sa kanya and declined her offer. Tumayo na si Kryss at nagpaalam na aalis na sila. We bid them good bye at nang mawala na sila ay tsaka naman lumapit sa amin sina Maxine. “Inaantok na ako, ayaw niyo bang magkape?” tanong niya sa amin ni Lucy. Barkada namin siya, kasama si Leigh, Lucy, Jen, Sam, Ken, at Tanya. “Hindi pa, mamaya na kami kukuha pag inaantok na talaga kami,” natatawang saad ni Lucy kahit na bakas na sa mukha niya ang pagkaantok. “Sure kang hindi ka pa inaantok? Tanong ko kay Lucy, umiling naman siya at nagpatuloy sa pagse-cellphone. Bumalik na rin sina Maxine sa pwesto namin ngunit may dala na silang cards. “Kinuha ko doon sa lamesa kanina, wala naman atang gumagamit. Sana lang hindi bawas ‘to,” sabi ni Ken sabay tawa. Napailing nalang kami. Nag-form kami ng circle at naglagay ng lamesa sa gitna. Magkatabi kami ni Lucy at sa kanan ko naman ay si Anthonette. “Ano’ng lalaruin natin?” tanong ni Joice. “Kahit ano, wala rin naman akong alam na card games kaya mag-iimbento tayo,” nakangising saad ni Ken. Nagkatinginan naman kami ni Anthonette. Okay na rin ‘to, pampalipas oras. Nagsimula nang gumawa ng mechanics si Ken sa laro kaya nakinig kaming lahat. Nauna akong huminto sa paglalaro, muntik kasing mabali ang pinky finger ko sa lakas ng pagkakahampas ni Brielle. Sumali siya sa kalagitnaan ng laro namin, at sobrang brutal niya. Sumasakit pa rin ang daliri ko sa lakas ng pagkakahampas niya. “Stop na tayo, na-injured na si Missy,” natatawang sabi ni Maxinne. “Hindi, iba nalang laruin natin,” sabi ko naman sa kanila. “Ano naman lalaruin natin e wala naman tayong alam na card games?” tanong naman ni Joice. “Actually meron, nakalimutan ko lang ano’ng name pero hindi nakaka-injured ‘to,” sabi ko sa kanila at bakas sa boses ko ang excitement. Resulta na rin siguro ‘to ng pagkaantok ko. “Ano?” tanong naman ni Ken. “Like ‘yung magpapalakihan ng value ng cards pero same lang ‘yung shapes, alam kong alam niyo yun e,” frustrated na sabi ko dahil nakanganga lang sila sa akin lahat. “Ha?” confused na tanong ni Brielle. “Ah basta ‘yun, I’ll explain the mechanics na so magsample muna tayo,” sabi ko sa kanila. Mga fourty minutes din kaming naglalaro and so far nag-eenjoy naman kaming lahat dahil may punishment ang matatalo. Noong unang game, ako ‘yung natalo kaya as a punishment pinakain nila ako ng half tablespoon na nescafe stick. After ilang minutes ka noon grabe ang lakas ng heartbeat ko, tapos nanghihina na ako. Kaya nag-stop kami sa nescafe stick na punishment at pinalitan ito ng uling. Siempre we enjoyed it so much, binbigyan na nga kami ng nga tao ng naiiritang tingin pero kiber lang kami. Ilang minuto ang lumipas we decided na pumasok na kina Leigh. Pagpakapasok namin sa loob ay nakita naming nakaupo doon ang pamilya niya sa harap. They invited us inside and offered us seats. Naupo rin naman kami agad and tumahimik. Lahat kami iba-iba ang iniisip pero si Leigh lang laman lahat nun dahil halos sa amin ay nakatingin sa kabaong niya. I am thinking of the happy memories na magkasama kami. Wala kaming bad memories ni Leigh dahil minsan lang kami mag-away. We argue, yes pero I made sure na magiging okay din kami several minutes. Everything happened so fast. Pero I wasn’t brave enough to save her. Ilang minuto rin kaming nag-stay doon, tahimik lang lahat walang nagbalak na magsalita nang biglang lumingon sa amin si Ken. “Bakit?” pabulong na tanong ni Lucy. Tinuro naman ni Ken ang labas, senyales na nais na niyang lumabas. “Now na?” tanong ko naman. Tumango naman si Ken kaya tumango na rin kami. “E sinong magpapaalam?” nasagot naman ang tanong ni Joice nang biglang tumayo si Ken at lumapit sa ate ni Leigh. “Ate, lalabas na po kami,” magalang na paalam ni Ken sa ate ni Leigh which is very rare for Ken. “Ay sige sige, may matutulugan na ba kayo?” tanong naman ng ate ni Leigh, tumango naman si Ken at sinabing kina Maxine siya matutulog. Lumabas na kami sa bahay nina Leigh at naupos ulit sa labas. Marami pang vacant na upuan dahil marami na ang umalis at bumalik sa mga bahay nila. May nga highschool classmates din kaming naiwan pero mostly ay mga lalaki lang. “Anong oras na ba?” humihikab na tanong ni Anthonette. Tiningnan naman ni Maxine ang relo niya, “1:30 na, aalis na siguro kami,” sabi ni Maxine. “May matutulugan ba kayo?” tanong naman ni Brielle sa amin. Tumango naman kami. “Kina Jen kami matutulog,” sabi ni Lucy. “Ha?” tanong ni Jen. Nagkatinginan naman kami ni Lucy. “We talked about this kanina Jen,” napairap na saad ni Lucy. Napakamot naman si Jen sa ulo niya. “Ay oo nga pala,” sabi niya habang natatawa. Nagpaalam na sina Maxine sa amin at sumakay na sa kanilang sasakyan. “Ano na?” natatawa naming tanong sa isa’t-isa. Napaigtad naman ako nang may higlang kumalabit sa akin sa likod. Epekto na ata ‘to ng nescafe stick kanina. “Ano ba?” naiirita kong sabi sabay lingon sa hinayupak na kumalabit sa akin. Si Angelo lang pala. Mas nairita naman ako nang makita ang mukha niyang nakangisi. “Bwesit ka,” sabi ko sa kanya sabay irap. “O, why are you still here?” nagtatakang tanong ni Lucy. “Kina Jen ako matutulog e,” nakangisi niyang sabi na nagpairap ulit sa akin. Ipinatong ko ang ulo ko sa lamesa at nagdecide na umidlip muna saglit. Naririnig ko pa rin silang nag-uusap pero wala na ‘yun sa akin dahil lumilipad na ang utak ko kung saan-saan. Nakaidlip ata ako saglit ngunit naalimpungatan dahil panay ang hampas sa akin ng kung sining hinayupak ‘yan. “Ano ba?!” naiirita kong sabi ngunit hindi ko pa rin inaangat ang ulo ko. “Gising hoi!” sabi ni Jen sabay hampas ulit sa akin. Ginulo ko ang buhok ko at nag-angat ng ulo, ginantihan ko naman si Jen ng hampas sa braso at napa-aray din siya. Ngumuso siya. Tiningnan ko siya ng nagtataka. “Ano? Magsalita ka gago,” sabi ko sa kanya ng may bahid na pagkairita pa rin. Nagulat nama ako nang makarinig ng tawa mula sa likod ko, at boses lalake pa ito. Agad ko namang nilingon ang pinanggalingan ng boses at muntikan ng mahulog sa kinauupuan ko dahil una kong nakita ang mukha ni Jace. “What the—” gulat na sabi ko ngunit agad din iyong naputol dahil biglang nagsalita ang lalakeng nasa harapan ko. “You probably don’t remember us but we’re Raf’s friends,” gulat pa rin akong nakatingin sa kanila. Tumayo naman agad sina Jen at nag-extend ng kamay. “Hi, ako si Jen!” sabi ni Jen at mukhang tuwang-tuwa pa, parang nawala ang antok naming lahat dahil sa nakita namin ngayon. Tatlo lang sila, pero mas gwapo si Jace. ‘Yung nagsalita naman kanina ay ‘yung crush ata ni Raf na si Nathere, ‘yung isa naman, hindi ko kilala. Without a word, umupo silang tatlo doon sa bakanteng upuan. Hindi pa rin ako makapagsalita, I can’t---I mean, I don’t know what to say. “Umm…” naiilang na ata si Nathere dahil walang nagsasalita sa amin. Nakatingin lang sa kanila at nagtataka. We didn’t invited them to sit, kaya siguro nagulat sina Jen at Lucy. Pero agad din naman silang nakabawi, and this time, Lucy extended her arm at nakipagkamay sa tatlo, sumunod naman si Angelo. Parang kinikilig pa siya nung si Nathere na ang nakakamay niya. Tumungin naman silang lahat sa akin, except Jace of course. “What?” nagtataka kong tanong sa kanila. Iginaya naman ni Angelo ang ulo niya, tinaasan ko naman siya ng kilay. “Kilala ko na sila,” sabi ko naman. Hindi ko pinahalata na gulat pa rin ako. Pinanliitan naman ako ni Jen ng mata at si Lucy naman ay ngumisi. “Our deepest sympathy to your friend, Missy,” sinserong sabi ni Nathere. I said my thanks, ang again, tumahimik uli. “May jowa na kayo?” tanong ni Angelo kaya agad siyang hinampas ni Lucy. “Gago ka,” bulong ni Lucy ngunit narinig pa rin namin. Tahimik lang ako habang nag-uusap naman sina Lucy at ang dalawang kaibigan ni Jace. Sumasabay si Jace sa usapan nila minsan pero tumatahimik din agad. Habang ako naman, sumasali lang kapag tinatanong, mabuti nalang at hindi nakialam si Angelo sa akin, dahil usually kapag tahimik ako lagi niya akong inaasar. Mukhang nag-enjoy ata siyang kausap sina Nathere nakalimutan niya akong asarin. 2:28 am, naunang umuwi si Jace dahil daw may lakad pa siya kinabukasan. Pagkaalis niya ay tsaka ko lang naalala na isa nga pala siya sa mga suspek ko sa pagpatay kay Leigh. Bakit ko iyon nakalimutan? I am such a bad friend. Wala na rin naman akong magagawa, hindi naman pwedeng palayasin ko si Jace kanina at sabihing siya ang pumatay kay Leigh. Wala na rin namang pag-asa ang pagkalap ko ng ebidensya dahil lagi akong tinatablan ng takot sa tuwing pumapatay si Jace. I might get used to it kapag paulit-ulit akong nanonood. What the f**k am I saying?! Agad akong napatakip ng bibig ko kaya tiningnan ako ni Jen na may halong pagtataka. Several minutes later, naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bag ko at tiningnam ang caller id. Walang name. Tiningnan ko naman kung anong oras na, 2:40 na ng umaga, sino namang abnormal ang tatawag ng gantong oras? Sinagot ko nalang ito. Hinintay ko muna siyang magsalita. Ilang segundo ang lumipas wala pa ring nagsasalita sa kabilang linya kaya nagdecide ako na magsalita nalang. “Hello, sino ba ‘to?” Napatingin naman agad sa akin sina Raf. Sinenyasan ko silang magpatuloy sa ginagawa nila ngunit nakita kong nakatuon pa rin ang atensyon ni Nathere sa akin. Hindi ko nalang ito pinansin. “hello?” ngunit wala pa ring sagot. Wala ring ingay sa background niya. Ibababa ko na sana kaso nakarinig ako bigla ng sigaw. Hindi ito masyadong malakas dahil nasa malayo lang ata itong tumatawag sa akin, ngunit alam kong sigaw ‘yon. Pagkatapos ay biglang naputol ang tawag. Nakadikit pa rin ang cellphone sa tenga ko at alam kong bakas sa mukha ko ang pagkagulat. Ano ‘yon? “Missy?” tanong ni Angelo ngunit hindi ako makasagot. I can’t open my mouth. What the f**k is wrong with me? I tried opening my mouth but failed. Hindi ko alam pero bigla akong nanlamig. Tiningnan ko sila and noticed na nakatingin din sila sa akin. I composed myself, “bakit?” tanong ko kay Raf. “Are you okay? You look pale,” sabi naman ni Nathere. I nodded and told them I’m alright, pero I know they weren’t convinced. Including Nathere. Nakatitig pa rin kasi siya da akin. What’s up with this guy? Kanina ko pa rin siya napapansin na panakaw-nakaw ng tingin sa akin. He’s weirding me out. Hindi ko nalang pinansin iyon at tiningnang muli ang cellphone ko. I decided to text that person who called me kanina. To: Unknown Number Sino to? I click send and waited for the reply. Patingin-tingin ako sa cellphone ko ngunit ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin akong natanggap na message. I decided to call it pero naka-off na ata ang cellphone nito. Who the f**k was that? At bakit may sumigaw? Hindi kaya…. Napatakip ako sa bibig ko, mabuti nalang at hindi iyon napansin nina Raf kung hindi ay magtatanong na naman ‘yon. Agad ko namang kinuha ang kamay ko sa aking bibig. Bigla ko kasing naisip si Jace. What if may pinatay na naman siya ngayon? What if ‘yung sumigaw kanina sa tawag ay ‘yung biktima niya? Pero bakit siya sa akin tumawag? Oh s**t….hindi kaya? Hindi..pero paano kung tama ako? Paano kung alam na ni Jace na sinusundan ko siya and it was a warning for me. What if that call was a warning? s**t, I’m overthinking stuff. Pero there’s a big possibility na tama ako. “Missy, ano’ng oras na ba?” I snapped out of my thoughts nang marinig ko ang boses ni Angelo. “Ha?” I asked again, since hindi ko masyadong narinig ‘yong una. “Ano’ng oras na?” tanong niya uli. Tiningnan ko ang oras sa phone ko, “3:14 na, uuwi na ba tayo?” tanong ko pabalik sa kanya. Tumango naman si Jen sabay hikab. “Tara na, inaantok na ako, kahit 2 hours sleep lang okay na sa akin,” sabi naman ni Lucy sabay hikab din. Tumayo na kami at inayos ang mga upuan na inupuan namin. Pumasok na rin kami sa loob para magpaalam at sumama sina Nathere sa amin. Nang matapos kami sa pagpapaalam ay lumabas uli kami at nakita naming sobrang kalat ng paligid. We decided to clean the surroundings. Nag-insist na tumulong sina Nathere sa amin kaya sinabihan ko nalang silang ayusin lahat ng bakanteng upuan. Kami naman ay namulot ng mga basurang itinapon ng mga tao kanina. Hindi na namin winalis, pinulot nalang namin. Pagkatapos naming maglinis ay nagsimula na kaming maglakad ngunit nahinto rin dahil tinawag kami ni Nathere. “Hey, ihahatid ko na kayo,” he offered, nag-smile lang ako and said, “Hindi na, we can handle ourse—” naputol naman agad ang sasabihin ko dahil bahagya akong itinulak ni Angelo, “Ay nako! Mabuti nalang at nag-offer ka, nakakatakot kaya maglakad sa madaling araw tapos puro pa kami babae, isa ka talagang gentleman!” sabi pa ni Angelo sabay hampas sa braso ni Nathere. Napangiwi naman ako sa nakita ko. Napailing naman si Jen at sumunod si Lucy. Nagkatinginan kami ni Jen at sumunod sa kanila dahil wala na rin naman kaming magagawa. Lumapit ako kay Nathere. “Sorry,” sabi ko sabay kamot sa ulo ko, he smiled and said, “Don’t worry about it, gusto ko rin naman kayong ihatid.” Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at sumunod naman sina Nathere. Mabuti nalang at tahimik lang si Angelo habang nakasakay, inaantok na yata. Itinuro naman ni Jen ang daanan patungo sa kanila at hindi umabot ng 20 minutes ay nakarating na agad kani kina Jen. Bumaba na kami ng sasakyan and said our thanks to Nathere and his friend. Hindi na rin sila nagtagal at bumalik na sa dinaanan namin kanina para umuwi na rin. Pumasok na kami sa loob ng bahay nina Jen, hindi na nakapagbihis, dumiretso sa kwarto at kanya-kanyang pwesto para matulog. Hindi ako sure kung makakatulog ba ako dito ngayon. May isang oras lang siguro ako para matulog. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung matutulog ba ako ngayon o maghihintay mag-alas singko. Bumalik nalang ako mula sa pagkakahiga sa kama, pipilitin ko nalang makatulog. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at pinilit na makatulog, and I think I succeeded.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD