CHAPTER EIGHTEEN

2881 Words
Naalimpungatan ako dahil nag yumuyugyog sa akin. I slowly opened my eyes and glared directly at the person on top of me. “Gago?” I said groggily. Ngumisi naman si Lucy at umalis sa ibabaw ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at kinusot-kusot ang mga mata ko. Kinapa-kapa ko ang gilid ng kama para hanapin ang cellphone ko ngunit nang walang makapa ay kinuha ko ang unan at nagbabasakaling nasa ilalim kang neto ang cellphone ko, ngunit wala. Bumaba ako sa bed at hinanap ang cellphone ko sa bedside table. Wala rin ito doon. Asan ba ‘yon? Lumabas at ako ng kwarto at tanging si Angelo lang ang nakita ko sa sala. “Asan si Lucy?” tanong ko sa kanya. Hindi ako tiningnan ni Angelo, nakatunganga lang siya pero sumagot pa rin naman, “ Banyo, naliligo.” Umupo nalang ako sa tabi ni Angelo. “Nakita mo ba cellphone ko?” I asked him. Tumango naman siya. “Where is it?” he looked at me for several seconds before opening his mouth, “sa ilalim ng kama, narinig ko kasing may nahulog kagabi.” Pagkatapos ‘yon sabihin ni Angelo ay bumalik ako sa kwarto at tiningnan ang ilalim ng kama. Tama nga si Angelo, nandoon nga ang cellphone ko. Kinuha ko agad ito at bumalik sa sala. Nandoon pa rin si Angelo nakatunganga. “Hindi pa ba tapos si Lucy?” umiling naman si Angelo. “Inaantok pa ako,” sabi ni Angelo sabay hikab. “Anong oras na ba?” tanong ko sa kanya, ngunit nang makitang wala siyang planong sumagot ay tiningnan ko nalang ang cellphone ko. 5:57 na ng umaga. Sakto naman at lumabas na si Lucy. Nakabihis na rin ito. Sumunod naman agad si Angelo sa banyo. “Maliligo ka ba rito?” tanong ni Lucy habang inaayos ang buhok niya. Hindi siya naligo, naghalf-bath lang ata. Umiling naman ako, “hindi na, kukunin naman ako ni Papa dito mamaya,” sabi ko sa kanya at chi-neck muli ang cellphone dahil baka tatawag si Papa. “Hindi pa ba gising si Jen?” tanong ni Lucy sa akin. Umiling naman ako. “Pasukin mo doon, gisingin mo na rin, maaga pa naman ang libing.” Tumango naman si Lucy at pumasok sa kwarto kung saan kami natutulog. Tumayo naman ako at humarap sa salamin, inayos ko ang sarili ko. Bigla ko na namang naalala ang nangyari kagabi, I did not expect Jace to appear last night, siguro napilitan lang siyang sumama dahil kay Nathere. And that mysterious call I received kanina. Who could that be? At bakit may sigaw? Maybe prank call lang iyon? Pero uso pa ba ‘yon ngayon? Napailing nalang ako. I can’t think properly dahil kulang ako sa tulog. Bumalik ako sa pagkakaupo at hinintay si Papa. Lumabas na rin sa kwarto ang mga magulang ni Jen. Tumayo ako at binati sila nang magandang umaga, binati naman nila ako pabalik and asked for their daughter. I told them na natutulog pa si Jen pero napailing lang sila in response. “Gisingin niyo na ‘yon, malelate kayo niyan,” sabi naman ng Papa ni Jen. Bahagya lang akong tumawa at pumasok sa kwarto. Gising na pala si Jen, tinutupi niya ang mga kumot, sobrang sabog ng buhok niya. “Hmm?” sabi niya sabay kusot sa mga mata niya. “Pinapagising ka na kasi ng Papa mo, gising ka na pala,” sabi ko at bumalik na sa sala. Nakita ko naman si Angelo na nakaharap sa salamin at inaayos ang sarili. “Ikaw na Missy,” sabi ni Angelo habang inaayos ang kulot niyang buhok. “Uuwi ako, doon ako magbibihis hinhintay ko lang si Papa.” Tumango-tango naman si Angelo. Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na rin si Papa. Nagpaalam na ako kina Jen pati na rin sa mga magulang niya. Umalis na kami ni Papa dahil sasama rin sila sa paghatid. Nakarating naman kami agad sa bahay, naghilamos lang ako at naghugas pagkatapos ay nagbihis na rin ng damit. Naligo muna sina mama at papa, kumain pagkatapos ay umalis na rin. Makailang minuto ang lumipas ay nakarating na kami kina Leigh. Marami nang tao, inilabas na si Leigh. Naglakad kami ni mama at naghanap nang mauupuan. “Missy!” lumingon ako dahil may tumawag sa akin, si Jen pala. Nakita naman ni Mama sina Jen kaya pinalapit niya ako sa kanila, siya naman ay umupo doon katabi ng kapit-bahay namin. Umupo na ako sa tabi nina Jen. Nakasuot siya ng itim na sunglasses, feeling ko umiiyak siya. Panay din ang singhot niya. Nagsasalita sa harap ang Nanay ni Leigh. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, nakita kong nag-iiyakan sa harap ang mga kamag-anak at kapatid ni Leigh, narinig ko namang humikbi si Lucy, dali-dali kong kinuha ang panyo ko at agad ipinahid sa mga mata ko, hindi ko namalayan na nag-uunahan nang tumulo ang mga luha ko, napahikbi na rin ako. I covered my eyes. Sobrang sakit. She was like a sister to me. At wala akong magagawa. Everything happened so fast. She’s gone now. Nag-iiyakan lang din kami sa likod, tinitingnan na kami ng mga tao dahil sa lakas ng hikbi namin pero wala kaming pakealam. Pinapatahan ako ng isang katabi ko na kaklase nina Lucy kaya mas lalo akong naiyak. Ipinahid ko ang panyo ko sa aking mga mata at muling inilibot ang paningin ko sa paligid. May mga pulis na nandito, mga guro na kilala ko, pati na rin mga estudyante sa paaralang inaaralan namin nina Leigh. Pagkatapos magsalita ng nanay ni Leigh ay sumunod naman ang Pastor nila. Ilang minuto rin nagsalita sa harap ang Pastor at tumigil na rin kami sa pag-iyak. Ilang minuto ang lumipas ay inilipat ng puwesto ang kabaong ni Leigh para raw sa picture taking. I just don’t understand why we have to take a picture sa coffin. Is it really necessary? I think not. When it was our turn, we looked at her inside the coffin. There, she was lying like she’s asleep. She’s beautiful. She’s like a sun and morning. She’s bright. I held myself back. I don’t want to cry again. Pero my eyes betrayed me, akala ko wala nang luha pero sobrang dami pa ring umaagos sa mata ko. I heard Jen sobbing kaya parang nahawa ako at humikbi rin. Umiiyak lang kami ng umiiyak kaya hindi nakakuha ng proper picture, wala kasing tumingin sa camera, lahat nakayuko o di kaya ay nakatingin lang sa kabaong ni Leigh. Pagkatapos ay umalis na ako doon at hinanap si mama. Pumunta na rin kasi sila sa kani-kanilang mga sasakyan. “Missy, sasakay kami sa inyo, pwede?” tumango naman ako at tumungo na rin kami sa sasakyan namin. Kasama ko sina Lucy, Angelo, Jen at May. Sinabihan ko sina mama na sa amin sasakay sina Lucy. Alam ko namang papayag sila dahil kami lang namang tatlo ang nasa sasakyan and besides, mga kaibigan ko sila. Nakaratin na kami sa sementeryo. Sobrang init. Alas nuwebe palang ng umaga. Maraming tao at mga sasakyan. Sobrang init pa ng suot ko. Bumaba na kami sa sasakyan at pumasok na sa sementeryo. Hindi namin makita sina Ken kaya nagpatuloy nalang kami sa paglalakad. Mga ilang minuto ang lumipas ay ipinasok na ang kabaong ni Leigh. Marami akong narinig na nag-iiyakan. Mabuti nalang at hindi na ako masyado pang naiyak. Hindi ko alam bakit. Gusto ko sanang umiyak ulit pero I think naubos na kakaiyak ko kanina. I looked at her coffin sadly. Hindi na namin siya makikita muli. Naipasok na ng tuluyan ang kabaong ni Leigh at doon, biglang nag-unahan tumulo ang luha ko. Akala ko hindi na ako maiiyak. Pero nang makita kong malapit namg matabunan ang kanyang kabaong ay doon lang ako naiyak ng sobra. I hugged Jen and I heard her sobbing while calling her name. This is too sad. It’s just too sad. Sobrang sakit. Nakauwi na kami ng bahay. It’s already 11 am and sobrang init ng panahon. Pumunta agad ako sa kwarto. Hindi na ako dinisturbo nina mama. Nagkulong lang ako at nagcellphone. I opened my f*******: account at sobrang dami ng notifications. May mga recent tagged post din ako. I viewed it and when I saw my face sa picture I immediately added it to my timeline. May mga pictures din kanina. Tiningnan ko ang mga stories at halos ang laman nito ay mga kaibigan ko in person. Lahat halos white balloon ang nasa story with captions and Leigh’s picture. Agad ko namang pinatay ang phone ko and too a nap. Agad din naman akong nakatulog and had a weird dream—or not. Leigh was there. In the middle of the forest. Pero this time, it was a kind of forest na sobrang kalma or peaceful. Everything was bright green. And Leigh was glowing. She was smiling. Pero I was not aware na nananaginip lang ako. I immediately ran towards her and hugged her tightly. I heard her giggle. I looked at the surroundings again and biglang nagbago ang lugar. Nasa gitna kami ng daan. It was dark. Kasama ko si Sam at Leigh, may iba pa kaming kasama pero hindi ko na sila maalala. Nasa crossing daw kami, attending someone’s funeral. Kasama namin si Leigh. We crossed the road and the place changed once again. May mga nakikita akong wires pero there’s something weird doon. Lumapit ako and was shocked dahil mga lamang loob ito. I couldn’t figure out kung anong klaseng lamang loob ito. Malaki ito and I don’t want to think na isang tao ang may-ari nito. Tiningnan ko si Leigh and she was looking at me with a smile on her face. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang balikat niya. Natatawa naman siyang tumingin sa akin. Naglakad ulit kami and we were back there again. Pero mas maraming puno na ito at biglabg nagbago ang shade ng kulay sa gubat. Parang ngayon lang ako nakakita ng ganoong shade ng green. It was beautiful and calming. Parang kumikisla nga ang paligid. The place was familiar. Inilibot ko ang paningin ko sa lugar and was shocked when I figured na this place belongs to my grandmother before. Dito nakatira sina Lola at dito rin lumaki sina papa dati. Pero lumipat na sila ngayon at wala ng tao sa lugar na ito. Sumunod ako kina Leigh dahil tinawag niya ako. Ang weird lang because she was just smiling. Tapos sinabi ko pa sa isipan ko na mabuti nalang she survived. Did she die tho? That’s weird. Leigh once again turned around at biglang pumasok sa pintuan papasok sa dating bahay nina Lola. Sobrang lakas pa nag paglakabukas niya ng pintuan dahil gumawa ito ng malakas na tunog. After that, everything went dark. “Missy, anak,” naalimpungatan ako dahil sa pagyugyog sa akin. I immediately recognized the voice kaya agad kong idinilat ang mga mata ko. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko and sat up. “Kakain na, lumabas ka na jan alas tres na ng hapon.” Tumayo rin naman ako agad at sumunod kay mama papalabas ng kwarto. Nasa labas ang mga kapatid ko including papa. May pagkain ng nakahanda sa hapag kaya umupo nalang ako at nagsimula ng kumain. Pagkatapos kong kumain ay agad kong hinugasan ang pinagkainan ko at pumasok muli kwarto. Nagbasa nalang ako ng libro at hinintay mag alas kuwatro. Pumasok ulit si mama at may dala nang pritong saging. Sinabihan niya akong lumabas ng kwarto kaya sumunod din naman agad ako. May coke na nakahanda sa lamesa at mga pritong saging. Ganito talaga kami lagi kapag wal kaming pasok lahat. Mabuti nalang at may nagtitinda rito ng pritong saging kaya lagi kaming may snack sa hapon. “Missy gala tayo,” sabi ng ate ko. Ginagawa rin namin ito every 4 pm. Ginagala namin ang bunso naming lalaki. Gusto niya kasing nagmomotor kami lagi kaya kung saan-saan na kami umabot ni ate. First time nga naming makalabas o makagala ng malayo dahil sa kapatid namin. Dahil kung wala siya, nasa bahay lang kaming lahat nagluluklok. Tumango naman ako at pumasok muli sa kwarto to fix myself. Halata pa kasi sa mukha ko na bagong gising palang ako. Nagpolbo lang ako at linagyan ng konting liptint ang lips ko. Pagkatapos ay kinuha ko ang cap para hindi masira ang buhok ko and then lumabas na ako ng kwarto. Binihisan na ni mama ang bunso namin kaya sumakay na ako sa motor at pinaandar ito. Dali-dali namang lumapit ang bunso namin at agad na sumakay. Tuwang-tuwa pa ito and even hugged me. Natawa naman ako at kinurot siya sa pisnge. Sumakay na rin si ate sa likod kaya pinaandar ko na ang motor at umalis na. Sinabihan pa kami ni papa na mag-ingat at tumingin lagi sa daan. Napairap naman ako at natawa. “Marunong na ‘yan mag-drive. Ikaw lagi kang nag-aalala jan sa mga anak mo kaya hindi natututo dahil sobrang protective mo,” naiiritang sabi ni mama. Napabuntong-hininga naman ako. “Heto na naman sila,” sabi ko which made ate laugh. Narinig naman naming nagsasalita si papa kaya natawa nalang din ako. Umalis na kami ni ate kaya mas lalong natuwa ang bunso namin. Nakakapagod din mag-drive pero binabawi rin naman agad ito ng bunso namin dahil masaya naman siya kapag ginagala namin siya. Lagi kaming nagala ni ate doon sa maraming puno. Kitang-kita kasi doon ang bundok kaya sobrang ganda doon puntahan. ‘Yun nga lang, medyo lubak-lubak ang daan kaya dapat mag-iingat lagi habang nagda-drive. Sobrang bigat pa naman din ng mga nasa likod ko, idagdag pa ang bunso namin na sobrang likot sa likod. Laging gumigiwang ang motor dahil gumigiling siya. Si ate kasi nagplay ng music tapos mahilig sumayaw ‘tong bunso namin. Natawa naman kami ni ate sa tuwing ‘yung kamay niya ang kanyang ginagalaw. “ang weird ng panaginip ko kanina,” sabi ko kay ate. Pinahinaan naman niya ang volume ng music. “Bakit? Ano ba’ng panaginip mo kanina?”. Agad ko namang ikinuwento sa kanya ang napanaginipan ko kanina. No comment lang siya pero atleast nakinig. Nagulat lang siya doon sa part na nasa panaginip ko si Leigh. Sabi niya baka may gustong sabihin si Leigh. Napatango naman ako at napaisip. Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa destinayon namin. Wala masyadong bahay dito at sobrang lapit sa bundok. Nasa harap lang namin. Sobrang green din ng paligid kaya hindi ko maiwasang maalala ulit ang napanaginipan ko kanina. Naglakad ako at sumunod naman ang bunso namin. May malapit na ilog dito at may treehouse. Hindi na kami umakyat sa treehouse dahil mukhang matagal na ito at hindi na matibay, at may bata pa kaming kasama. Lumapit nalang kami sa ilog at kumuha ng bato. Tinuruan ko naman ang bunso namin kaya natuwa ito. Si ate naman ay busy kakapicture sa paligid. Lumapit naman kami sa kanya at sumama sa picture. Sobrang dami na ng picture na nakuha namin kaya excited kaming umuwi para ipakita kina mama ang mga kuha namin. Siempre mas maraming picture ang bunso namin dahil laging nang-aagaw ng camera. “Tara na ate, malapit na dumilim,” sabi ko kay ate. Tumango naman siya at kinuha ang bunso namin. Medyo nakakatakot din kasi rito kapag madilim na, dahil na rin siguro walang bahay at maraming puno. Sumakay na kami sa motor at umuwi na. Nasa 20 minutes lang ang byahe kaya sakto pag-uwi namin ay medyo madilim na ang paligid. Naghanda na sina mama ng hapunan kaya hinugasan ko na ang kamay ko. Nagsimula na kaming kumain. Sobrang ingay dahil magulo ang kapatid ko kumain. Si mama naman ay sumisigaw dahil sobrang likot ng bunso namin. Napailing naman ako at natawa sa nasaksihan ko. “kumain ka na, anak,” sabi ni papa at linagyan ng ulam ang plato ko. I thanked him at sumubo na ng ulam. Parang ang weird. I don’t know. Kanina, I was so sad, and then after that dream everything felt peaceful and now I’m wishing na sana ganito lagi. Natapos na kaming kumain kaya iniligpit ko na ang pinagkainan namin, tinulungan naman ako ng mga kapatid ko. Pinakain na rin namin ang mga hayop pagkatapos ay naghugas ako ng pinggan. Ako na nag-volunteer maghugas. Feel ko lang maghugas ngayon. Lumipas ang ilang minuto ay natapos na rin ako, tinulungan ako ng kapatid ko na ayusin ang mga pinggan sa lalagyan pagkatapos ay nag-half bath na ako. Sobrang init na rin kasi ng katawan ko. Bigla ko naisip ang notebook ko. Ilang araw na rin kasi akong hindi nakapagsulat dahil sa sobrang dami ng pangyayari. Kailangan ko ulit atang magsulat mamaya dahil sobrang dami nang nangyari ngayong araw. Pagkatapos kong maghalf-bath ay nagbihis agad ako at kinuha ang notebook na nasa bag ko lang. Nagsimula na rin akong magsulat tungkol sa mga nangyari ngayong araw. Pero this time, I’m writing this one for Leigh. I want to write para man lang maibsan ang lungkot ko sa mga nangyayari. Ang hirap pa rin kasing paniwalaan. Hindi ako makapaniwala na mangyayari 'to sa akin. God, I hope this is just a nightmare. Kinurot ko ang sarili ko dahil parang maiiyak na ako. I don't want to cry right now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD