CHAPTER NINETEEN

2800 Words
CHAPTER NINETEEN (October 14, 2020) (Wednesday) Dear Leigh, I know hindi mo na makikita ang mensaheng ‘to pero I just wanna write it to you. I know nasa malayong lugar ka na and I won’t be able to see you again. Pero I just wanted to say ‘Thank you’ and ‘I’m sorry’. I’ve done a lot of things to you before. I was a bad friend, pero sobra ka pa ring nadikit sa akin. Hindi ko alam ano’ng nakain mo at gustong-gusto mo ako. Pero alam ko naman alam mo na deep inside of me, I loved you and I treasured you and our friendship. Naiiyak na naman ako sa tuwing naaalala kita. Wala man lang akong nagawa para mabigyan ka ng hustisya. Pero I couldn’t help you. Duwag ako. In time, I might be able to help. Pero sa ngayon? I am not really sure. Ayoko ring meron pang ibang mabiktima si Jace pero hindi ko rin siya kayang pigilan. I know hindi ka pa nase-settle jan kasi hindi ka pa nabibigyan ng hustisya, sana naman hindi mo ‘ko multuhin. I miss you so much, Leigh. My bunso, my sister, my bestfriend. This might be the last letter and message na isusulat ko para sa ‘yo. Good bye, Leigh. I love you, forever and always. Pagkatapos ko iyong isulat ay agad kong itinago ang notebook ko. I hid it sa isang safe na lugar na ako lang ang nakakaalam. Hindi ko muna ito dadalhin sa school dahil sobrang daming laman nito na hindi pwedeng mabasa ng iba. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa kama dahil umiilaw ito senyales na may tumatawag. Tiningnan ko ang caller id ngunit walang pangalang nakalagay, tanging number lang. Tinitigan ko lang ito ng ilang segundo bago sinagot. Hindi muna ako nagsalita at hinintay na mauna ang tumawag. “Hello?” medyo pamilyar ang boses kaya hindi muna ako nagsalita para makumpirma kung sino ito. “Missy? Hoi!” napairap naman ako ng marinig ang boses ni Raf. “Oh?” sagot ko naman. Umupo ako sa kama at inilagay na doon ang notebook sa pinagtataguan ko. “Halika muna rito sa 7/11, samahan mo ‘ko, libre kita,” aniya sa kabilang linya. Tiningnan ko naman ang orasan, 8:25 p.m palang naman. “Sige, hintayin mo ‘ko jan magbibihis lang ako.” Tumayo naman ako agad at naghanap ng damit sa cabinet. “Bilisan mo!” narinig ko pang sabi ni Raf bago pinatay ang tawag. Pagkatapos kong mamili ng damit ay agad akong lumabas ng kwarto para magpaalam kina mama. Nasa sala lang naman sila nanonood ng tv. Sana wala si ate para payagan akong makalabas. Paglabas ko ng kwarto ay napatingin naman agad sina mama sa akin. “Oh, ba’t nakabihis ka?” nagtataka niyang tanong habang sinusuri ang damit ko. “May lakad ka ba? Gabi na a,” dagdag naman ni papa. Mabuti nalang at wala si ate, walang nadagdag na magkokomento. “Si Raf kasi tumawag, sabi niya nasa 7/11 daw siya at manlilibre daw.” Tinitigan muna nila ako ng ilang minuto bago tumango. “’Wag lang kayo masyadong magtagal kasi alas-otso na baka mapano ka pag-uwi,” sabi naman ni papa at ibinalik ang atensyon sa tv. “Mag-jacket ka kasi malamig sa labas,” sabi naman ni mama. Lihim naman akong natuwa. Akala ko hindi papayag e. Bumalik uli ako sa kwarto at kumuha ng sweater. Medyo malamig nga sa labas. Isinuot ko ang sweater at lumbas muli sa kwarto. Nanghingi ako kay mama ng pera pagkatapos ay lumabas na ng bahay. Alam ko kung bakit sila pumayag: una ay dahil kilala nila si Raf at may tiwala sila rito; pangalawa ay malapit lang ang 7/11 sa bahay, at; pangatlo ay para makalabas ako ng kwarto. Ang cute lang nila magpakita na mahal nila ako, na pinapahalagahan nila ako. There’s nothing like them in the world. Mabuti nalang at nakasuot ako ng earphones kundi ay sobrang awkward ko talaga maglakad ngayon. Nakakailang kasi kapag ikaw lang isa naglalakad, yuyuko ka lang lagi para maiwasan ang m tingin ng mga tao. Kinakabahan kasi ako agad kapag may tumitingin sa aking tao, nag-iiba ang mga galaw ko, nagiging awkward. Nakarating naman ako agad sa 7/11 at nakita ko naman agad si Raf. Mag-isa lang siyang nakaupo sa lamesa at parang malalim ang iniisip. Nagdesisyon akong gulatin siya. Mabuti nalang at wala medyong tao kaya okay lang sa akin if mapikon at sigawan ako ni Raf kapag nagulat siya. Dahan-dahan akong lumapit sa likod niya ngunit when I was about to shout bigla siyang lumingon sa akin kaya ako ang nagulat. Bigla akong napasigaw at muntikan pang magapilok. Natawa naman si Raf pati na rin ang ibang tao doon kaya mas lalo akong napahiya. I covered my face gamit ang mga kamay ko. “Raf!” naiiyak kong sabi. Narinig ko naman siyang tumawa. “Bakit? Akala mo hindi kita nakita no? Boplaks ka girls, kitang-kita ka sa screen ng phone ko,” sabi ni Raf sabay tawa ulit. Umupo nalang ako sa harap niya at inirapan siya. “Wow, ikaw pa may gana mang-irap jan eh ikaw ‘tong may balak na masama e,” sabi niya sabay iling. “Oo na sorry na, sakit ng paa ko e,” sabi ko sabay hilot sa paa ko. Dahil siguro ‘to kanina noong natapilok ako. Nakatsinelas na nga, natatapilok pa rin. “Ano ba gusto mong kainin? Pasalamat ka at feel ko manlibre ngayon,” sabi ni Raf at mahahalata sa boses niya na sobrang proud niya sa sarili niya dahil manlilibre siya. “Ikaw na bahala, kung ano madampot mo ‘yun kakainin ko,” ngumiti si Raf ng nakakaloko kaya agad ko siyang hinampas, “Don’t you dare!” natawa lang siya at agad na pumasok. “Diyan ka lang, dadating mamaya si Manang, tinawagan ko rin ‘yon,” tumango naman ako. Pumasok na si Raf sa loob at ibinaling ko naman ang atensyon ko sa mga sasakyang dumadaan. Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng tapik sa likod ko, I turned around at nakita ko agad ang nakangiting mukha ni Michelle. I smiled at her at agad din naman siyang umupo sa harap ko. “Asan si Raf?” tanong ni Michelle habang inaayos ang sarili niya. Buhaghag na naman kasi ang buhok niya. “Andoon pa sa loob, iniwan niya ako dito para hintayin kang makarating,” sabi ko naman sa kanya. “Tara, sunod tayo baka ano na naman piliin non,” sabi niya sabay tango ngunit umiling ako. “Ikaw nalang, tinatamad akong tumayo,” sabi ko at nag-inat. Natawa naman si Michelle and said “Okay”. Pumasok na rin siya sa loob kaya ako ulit naiwan mag-isa sa labas. Ilang minuto ang lumipas ay nakita kong lumabas na sina Raf. Inilagay niya ang mga pinamili niya sa lamesa, agad ko namang tiningnan kung ano ang mga ito. Mabuti nalang at may ice cream na binili sina Raf. I gave both of them a thumbs up which made them laugh. Nagsimula na kaming kumain habang hina-hot seat si Michelle. I haven’t seen her for months. She asked how I was doing pero ibinalik ko ang tanong sa kanya. Natawa naman siya pero agad din namang nagkuwento. Isang oras na rin ata ang nakalipas at sobrang dami na naming napag-usapan, idagdag pa si Raf na sobrang dami nh kuwento dahil sa sobrang dami ng lalaki niyang kailangan pa niyang ikuwento sa amin isa-isa. Tiningnan ko ang oras, 9:45 na ng gabi, malapit na mag 10. “Uuwi ka na?” tanong ni Raf sa akin. Tumango naman ako, “malapit na mag alas-diyes e, kailangan ko ng umuwi baka magalit si papa,” sabi ko naman. Tumango naman sina Raf kaya tumayo na rin agad ako. “Thank you sa libre, Raf! Chika ulit tayo next time Mich,” sabi ko sa kanila at nagsimula nang maglakad. They waved at me and I waved back. Nagsimula na akong maglakad papalayo sa 7/11 para makauwi na. Isinuot ko ulit ang earphones sa tenga ko at naghanap ng music. I clicked San Luis by Gregory Alan Isakov. I love listening to this song. I don’t know, it reminds me of something. Mabagal lang akong naglalakad dahil binabagay ko ang mga hakbang ko sa beat ng music. Ngunit nasa chorus na ako ng kanta when my eye caught something. Jace! Biglang bumilis ang takbo ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero bigla akong naexcite. I paused the music. Narinig ko agad ang ingay ng mga sasakyan at mga tao. Pero nasa kay Jace lang ang atensyon ko. Alam kung siya iyon. Ngunit nakumpirma agad ang hinala ko dahil tinanggal niya ang hoodie niya and it revealed his handsome face. Sobrang hot niya tingnan dahil may sigarilyo rin sa bibig niya. He was just standing there na para bang may hinihintay. I decided to hide sa isang malapit na puno. f**k! Malelate na naman ako ng uwi. Kinuha ko ang phone sa bulsa ko and decided to send my Mama a message via messenger. Sinabi ko sa kanya na medyo matatagalan ako ng uwi pero ihahatid naman ako ni Raf. Nagreply naman siya and said ‘Ok.’ Now, hindi na ako magi-guilty na sundan si Jace. Naghintay lang ako ng ilang minuto ngunit agad ding naalerto dahil itinapon ni Jace ang sigarilyo niya sabay tapak dito. Nagsimula itong maglakad at may nilapitan. Sinundan ko naman kung saan patungo si Jace. Another victim? Should I stop him? Should I warn her? Pero ang ending, wala akong ginawa kundi tingnan lang sila. Inakbayan agad ni Jace ang babae at agad akong nakaramdam ng pangingirot sa dibdib ko. Suddenly, I felt like running towards them at sabunutin ang buhok ng babaeng ‘yon hanggang sa makalbo siya. Ang Landi! Pero mabuti nalang at napigilan ako ang sarili ko. I breathe deeply to calm myself down, after that ay ibinalik ko ang paningin ko sa kanila, ngunit agad naman uminig ang dugo ko nang makita kong hinahalik-halikan ng babae ang pisnge ni Jace, pati ang leeg nito. Aba! Gusto kong lumapit sa kanila at sabunutan ang babae hanggang sa makalbo ito. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha dahil nakatalikod ito sa akin. Pero sobrang ikli ng suot nitong palda na halos labas na ang puwet. Kung makalingkis pa kay Jace parang linta. Mamamatay ka rin naman mamaya, malandi ka. Agad akong napatabon sa bibig ko. What the f**k was that? I slapped myself many times. Hindi ako makapaniwalang nasabi ko iyon. That was so…evil. Nagsorry ako sa babae sa isip ko. Ngunit nang biglang humarap ang babae ay nagulat ako. “What the f**k?!” napalingon agad ang mga dumadaan sa akin ngunit mabuti nalang at nasa kabila sina Jace at hindi ito narinig. Isiningkit ko ang mga mata ko para makumpirma kung tama ba ang nakita ko. Ngunit parang nanghina ang mga paa ko dahil hindi ako makapaniwalang sa dinami-dami ng babae, ba’t siya pa? Bakit si Joy pa? Am I seeing things right? Kasi imposibleng su Joy e, sobrang hinhin nun, at hindi niya gusto si Jace, alam niyang crush na crush ko si Jace pero bakit… Naguguluhan na ako. Dahan-dahan, lumabas ako sa pinagtataguan ko at naglakad papalayo. I don’t… I don’t want to see it. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko. I wanted to run and save Joy from him pero a part of me doesn’t want to. Do I want her to die? Hindi ko alam. Hindi ko na alam. Seeing your close friend to the guy you like is just….a horrible sight. Especially if alam mo kung ano ang mangyayari after. Will she die? Papatayin ba siya ni Jace just like what Jace did to Leigh? Ibinalik ko ang earphones sa tenga ko, resumed the music ngunit hindi ko na ito marinig ng maayos, my mind is wandering kung saan-saan. I turned the volume higher pero napupunta pa rin sa kanila ang isip ko. Why in hell would Joy….Joy of all people! This is too horrible! This is too impossible! Is this really happening? Si Joy ba talaga iyon? What if kamukha lang ni Joy? I need to confirm it. Bukas if…wala si Joy sa klase that means… Jace murdered her. Pero if nasa klase siya bukas then ibig sabihin noon, hindi siya ang nakita kong nakalingkis kay Jace na parang linta. Tama, tama. Ganyan dapat ang iisipin ko. Bukas, bukas ko malalaman ang totoo. Hindi ko sila kayang sundang ngayon. Natatakot akong malaman na baka tama ang hinala ko, na baka si Joy iyon. I closed my eyes again. Malapit na akong makarating sa bahay namin. I turned the music off at patakbong lumapit sa gate namin. I opened it slowly para hindi makagawa ng ingay. I don’t want to disturb them, 10 pm na kaya sigurado akong tulog na sila halos. I opened the door at dahan-dahan itong isinara. Madilim na sa sala. Tulog na ata sina mama. In-on ko ang ilaw sa kusina para kumuha ng tubig. Nada isip ko pa rin ang nakita ko kanina. Hindi na ako makapaghintay para bukas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko if talagang si Joy ang nakita ko kanina. Iniling ko ang ulo ko. I shouldn’t think about it too much. Sobrang dami na nang nangyari ngayong araw, ayoko ng may dadagdag pa sa iisipin ko mamaya. Pero I’m pretty sure na matatagalan na naman ang pagtulog ko sa sobrang dami ng nangyari ngayon. I sighed. Pumasok na ako sa kwarto ko at agad na nagbihis. Pero nasa isip ko pa rin ang nakita ko kanina. Nakita ko naman ang phone ko sa kama. Tinitigan ko ito ng ilang segundo. Suddenly, an idea popped into my head. I opened my phone and searched for Joy’s number. I hit call and hindi naman lumipas ang ilang minuto ay nag-ring ito agad. I waited for several minutes ngunit walang sumasagot sa tawag. Hanggang sa nag-end nalang ang call. I dialed her number again pero cannot be reached na ito. I threw my phone out of frustration. I couldn’t wait for tomorrow to come! Malapit na mag 11 kaya I decided na matulog nalang. I looked at the clock. It’s already 12 am. Hindi pa rin ako makatulog. Nasa isip ko pa rin sina Joy. What if Joy is already dead by now? Should I go out and find them? Pero what if merong makakita sa akin doon mapagkamalan pa akong suspek. f**k! Bakit ka naman kasi sumasama kay Jace Joy? Alam mo namang gustong-gusto ko siya. Pero may part pa rin sa akin na hindi naniniwala sa nakita ko kanina. Kasi si Joy hindi nasuot ng ganong mga damit. Tapos sobrang ikli pa, sobrang opposite sa kanya e sobrang manang niya. Pero sure rin ako na mukha niya iyon. Humarap siya. That was her. I’m sure of it na. I am just denying everything again. f**k, I have to find eveything out by tomorrow. Pero dahil matigas ang ulo ko, kinuha ko ulit ang phone ko at tinawag ulit si Joy. Cannot be reach pa rin ang phone niya. I sighed in frustration. Why the f**k did she turn off her phone? Nadisturbo ko ba sila kanina? O di kaya…..fuck! I don’t even want to think about it…or not. Kanina, when I found out na si Joy ‘yon, honestly...I kinda wished na sana patayin siya ni Jace dahil sa kalandian niya. She should’ve known bettter. Sa kanya ako lagi nagkukwento about kay Jace tapos kung makaahas siya. Iniling ko ang ulo ko. That was so f*****g evil. Where did I get that thought? She’s my friend for f**k’s sake! Napahinto ako sa pagsabunot sa sarili ko. “Wait…” if ganoon ang tactics ni Jace para makalure ng victim then…..Leigh..? Leigh too? Damn. For some reason…I felt relieved that she’s dead now. Atleast ngayon ko lang nalaman na gusto niya rin si Jace ngayong patay na siya, kasi if noon ko pa ito nalaman then…I don’t even want to think about it. Pero what if nag-ooverthink na naman ako? Ganyan ako lagi e. She's my friend amd I value our friendship. Pero hindi naman niya kasalanan kung magkakagusto siya kay Jace dahil hindi naman niya alam na I have feelings for him too. But Jace is mine. All mine. And I don't want any other girls na magkakagusto sa kanya. God, sobrang baliw na baliw na ata ako kay Jace. Hindi ako makapaniwala na makakaramdam ako ng ganito. Napasabunot nalang ako sa sarili ko. Frustrated akong bumalik sa paghiga and sighed. I closed my eyes and forced myself to sleep. And after how many attempts, I succeeded to fall asleep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD