CHAPTER TWENTY

2860 Words
Ilang oras lang ang tulog ko, pagkagising ko ay si Joy agad ang nasa isip ko. Alas kuwatro palang ng umaga, tapos na akong maligo. Ako pa ata ang gising sa bahay dahil wala akong naririnig na kumakaluskos sa kusina. Nakabihis na rin ako ng uniporme. Lumabas na ako sa kwarto at tumungo sa kusina. Hindi pa rin ako mapakali. Sobrang bagal pa tumakbo ng oras, gusto ko ng pumunta ng school at kumpirmahin ang mga hinala ko. Nagluto nalang ako ng ulam para naman hindi na mapagod si mama mamaya pagkagising niya. Binuksan ko ang ref at nakita ko ang isang pack ng hotdog sa freezer. Nagsaing muna ako ng bigas pagkatapos ay linuto ko na ang hotdog. Almost 5 am na kaya sakto dahil ganitong oras nagigising si mama at ‘yung kapatid ko. Hindi nga ako nagkakamali dahil ilang minuto ang lumipas ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa isa sa mga kwarto. “Oh?” gulat na sabi ni mama. I looked at her and gave her a smile. “Ba’t ikaw nagluluto?” tanong niya sabay lapit sa akin at tiningnan ang niluluto ko. “Maaga kasi akong nagising, Ma,” sagot ko naman sa kanya. Tumango naman si mama. “Teka lang, gigisingin ko na ‘yung kapatid mo. Nakaligo ka na rin ba?” pahabol pa niya. Tumango naman ako and said, “oo ma.” Pagkatapos nun ay umalis si mama sa kusina at nagtungo sa kwarto ng kapatid ko. Gigisingin na niya ata ito para maligo. Sobrang maaga pa naman at medyo malapit lang ang school sa bahay pero ayaw kasi ni mama ng mabagal kaya maaga niya kaming ginigising para mabilis at maaga kaming makarating sa school. Minsan lang akong ma-late dahil kay mama. Nagpatuloy ako sa paghanda ng pagkain hanggang sa naggising na lahat ng tao sa bahay. Nakahanda na lahat ang pagkain sa mesa ngunit naliligo pa ang ibang kasama namin sa bahay. Ako lang at ‘yung kapatid ko ang naunang kumain. “Ang panget ng hotdog,” sabi ng kapatid ko habang . I glared at her which made her laugh even more. “Edi ‘wag ka kumain, makapanglait ka jan e nakakailang kain ka na ng hotdog,” masungit kong sabi sa kanya. “’To naman joke lang, medyo nasunog lang ng konti ‘yung hotdog pero nakakain rin naman,” sabi niya sabay hagikhik. I just rolled my eyes at her. Nagpatuloy na kami sa pagkain hanggang sa sumunod na sina mama sa amin. Natapos na kaming kumain lahat kaya nagligpit na ‘yung kapatid ko, siya na ‘yung pinaligpit ko dahil ako naman ‘yung nagluto. Narinig ko pang magmamaktol ang kapatid ko pero nagkibit-balikat lang ako at bumalik na sa kwarto. Nagretouch lang ako at agad kinuha ang bag ko para tumungo ba sa school. “Tutungo ka na?” tanong naman ng kapatid ko. Tumango naman ako. “Oo, may gagawin pa kasi ako.” Muntikan ko ng makalimutan ang gagawin ko ngayon a. Na-distract kasi ako sa hotdog, bwesit talaga ‘yung kapatid ko. Alas sais na ng umaga, may mga tao nang naglalakad sa labas. Pupunta siguro sa palengke. May mga iilan ding estudyante akong nakitang naglalakad. Lumabas na ako ng gate at nagsimula ng maglakad papuntang school. Lumilipad ang utak ko kung saan-saan. Hindi ako mapakali. Hindi ako makapaghintay na malaman kung tama ba talaga ang hinala ko. Mabuti nalang at nakarating ako sa school ng buo, kanina pa kasu lumilipad ang utak ko. Hindi na ako makapaghintay para mamaya, I want to see if tama ba talaga ako. Pero what if si Joy nga ang nakita ko kagabi? What if patay na siya ngayon? Pero what if din buhay si Joy? Does that mean na hindi siya ‘yung kasama ni Jace kagabi? Pero kasi klarong-klaro sa paningin ko ang nakita ko kagabi. And I’m pretty sure na it was Joy. Umakyat na ako sa building namin, and since nasa akin naman ang spare key ng classroom namin may matatambayan ako. Pumasok na ako sa room namin, agad na bumungad sa akin ang alikabok sa classroom. Napailing naman ako. Mabuti na rin siguro ‘to para naman may pampalipas oras ako habang naghihintay para mamaya. Monday ngayon kaya sigurado akong complete attendance ngayon pero if hindi papasok si Joy then...something bad probably happened to her. Ilang minuto ang lumipas ay nagsidatingan na ang iba ko pang kaklase, kabilang na doon si Raf. “Hoi, kanina ka pa?” pambungad na tanong niya kaagad sa akin. Instead na sumagot ay kumuha alo ng walis tambo at binigay sa kanya. Tiningnan niya naman ako ng may halong pagtataka. “Aanhin ko ‘to?” tanong niya naman sa akin. “Try mong kainin,” sarcastic kong sagot pero ang bruha tinotoo. Kinain niya ‘yung hawakanan ng walis. Hinampas ko naman siya. “Kadiri ka!” sabi ko at kinuha ang walis. Tinawanan niya naman ako. “Oh diba sabi mo kainin, edi kinain ko,” natatawa niyang sabi. I glared at him which made him laugh even more. I rolled my eyes at nagpatuloy sa pagwawalis. “Teka lang, ilalagay ko lang ‘tong bag ko tas tutulungan nalang kita.” Naglakad na si Raf patungo sa upuan niya, ako naman ay nagpatuloy sa paglilinis. Maya-maya pa ay nasa harapan ko na si Raf at tumutulong sa akin sa pagwalis. “Bakit ka nga maaga today?” tanong niya ulit sa akin habang inaayos ang trash can. “Maaga naman talaga ako lagi, engot mo,” natatawa kong sabi sa kanya. “Hindi, kasi, mas maaga ka ngayon, as in girl.” I gave him a confused look. “What do you mean? Hindi mo naman alam kung anong oras ako nakarating dito a,” I said to him. Pero may nahagip bigla ang mata ko. Parang nagpanic si Raf ng ilang segundo pero nakabawi rin naman siya agad. Something’s up with him. Nanotice niya ata ang mga titig ko kaya umiwas siya ng tingin which made him look guilty. “Ah kasi, sinabi sa akin ng guard kanina. Nagtanong din kasi siya kung may activity ba tayo ngayon dahil sobrang aga mo raw,” sagot naman niya. Nagkibit-balikat nalang ako at binalewala ang nakita ko kanina. Tama rin naman kasi siya, malamang nagtataka ‘yung guard dahil sobrang aga ko ngayon. “Eh kasi maaga akong nagising at tsaka wala na rin akong gagawin sa bahay kaya dito nalang muna ako tatambay,” I said at nagpatuloy sa pagwawalis. Tumango-tango naman si Raf at tinulungan na rin ako hanggang sa matapos kami. Bumalik na agad kami sa upuan namin at si Raf ay pumunta sa cr para maghilamos. Madumi na raw kasi ang mukha niya kaya ganon. Ako naman ay naghihintay sa pagdating ni Joy. Alas siete na, madami na akong kaklase pero wala pa rin si Joy. Bumalik na si Raf sa room pero wala pa rin si Joy, pero I still waited. “Ano ka ba, kanina ka pa tingin ng tingin sa pinto, may hinihintay ka ba?” naiiritang sabi ni Raf. Tiningnan ko naman siya ng masama. “Pwede ba, hayaan mo ako, si Joy lang naman hinihintay ko dahil msy importante akong sasabihin sa kanya,” sabi ko kay Raf sabay irap. Ewan ko pero naiirita ako ngayon. “Uy, ba’t siya lang, Sali mo ‘ko sa chika,” sabi ni ya at umusog papalapit sa akin. Tiningnan ko naman siya and said, “Ano ka ba, iba ‘tong sasabihin ko sa kanya hindi chila ‘to.” Nagpout naman si Raf matapos ko ‘tung sabihin kaya agad ko siyang binatukan. “Kadiri ka,” sabi ko amd cringed, tumawa naman si Raf. “Okay eto, instead of waiting for her to come, dahil malapit na ang bell bakit hindi nalang tayo maghanap ng foreigners? Mas masaya pa ‘yan kesa maghintay ka sa manang na ‘yun,” natatawang sabi ni Raf sabay kuha sa cellphone niya. Tumango naman ako. Maganda naman kasi ‘yung suggestion ni Raf. Ilang minuto kaming tawa ng tawa ni Raf dahil halos lahat ng foreigner na nakausap namin ay nagpapakita ng ano nila. Gustong-gusto naman ng bakla dahil malalaki raw. Napailing nalang ako sa ma sinasabi ni Raf. Panay pa rin ang sulyap ko sa pintuan ngunit wala pa rin si Joy. Nagsimula na akong kabahan. Umayos ako ng up kaya napatingin si Raf sa akin at sa pinto. “Wala pa naman si Ma’am a, ano’ng problema?” sabi niya sabay ligpit ng cellphone niya. Umiling naman ako. “Wala, si Joy kasi wala pa,” sagot ko naman at sumulyap ulit sa pintuan. Mukhang tama nga ako. Si Joy nga talaga ang kasama ni Jace kagabi, so ibig sabihin nun she’s dead. Maya-maya ay pumasok na si ma’am si classroom. Nagsalita ulit siya about doon sa mga recent killings at ang pag-uwi na dapat namin ng maaga. Pagkatapos ay nagsimula ng magdiscuss si ma’am. Fuck. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Nagsimula ng magdiscuss si ma’am pero hindi ako nakikinig, instead ibinaling ko ang atensiyon ko sa labas. Lumilipad ulit ang isipan ko. Hindi ko alam, nalulungkot ako na ewan, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nakapangalumbaba lang ako sa bintana, hindi naman ako tinatawag ni ma’am, mabuti na rin, gusto ko pang mag-isip. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng biglang may kumalabit sa akin. Hindi pa ako lumingon dahil napasarap ang pagtitig ko sa labas laya iwinaksi ko ang kamay na kumakalabit sa akin. Ngunit sadyang makulit ito at mas nilakasa pa ang pagkalabit kaya inis akong lumingon sa kanya. Ngunit ang inis na mukhang ibinigay ko ay agad napalitan ng gulat. No…How..? “Hoi, kanina ka pa tulala jan, okay ka lang?” tanong ni Joy. Si Joy. How in the world…. “Girl, as in, para kang nakakita ng multo jan, nalate lang naman ako e,” natatawa niyang sabi pero ako, tulala pa rin at nakatingin sa kanya na gulat na gulat. Umupo siya at tiningnan ako na may halong pagtataka. “Hoi seryoso, okay ka lang? Natatakot na ako sa mga titig mo,” sabi niya at umiwas ng tingin. How jn the world… “Joy..?” finaly, after several minutes I f*****g opened my mouth. Lumingon ulit sa akin si Joy at tinaasan ako ng kilay. “Oh? May problema ka ba? Kanina ka pa kasi nakatitig at parang gulat na gulat e,” sabi ni Joy sabay ayos ng jacket niya. “I…why are you late?” I finally managed to ask. Napakamot naman si Joy sa kanyang ulo. “Ah kasi may pinagawa si mama sa akin para sa mga paninda niya, natagalan ako dahil sobrang dami, akala ko nga mapapa-absent ako ngayon e,” sabi naman ni Joy. Napatango naman ako. Pero hindi pa rin ako mapakali. Parang may hindi pa rin tama. Nakinig nalang kami si klase, actually sila lang pala. Lutang pa rin ako. Marami akong tanong sa isip ko pero ang hirap nila itanong kay Joy. Kating-kati ns akong magtanong ngunit pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil baka mahalata ako ni Joy. Bumuntong-hininga nalang ako. Well, I guess wala akong choice kundi tanungin siya mamayang recess, malapit na rin naman ang time. A part of me felt happy na she’s still alive dahil malaki ang porsyento na mali nga talaga ang nakita ko kagabi, na hindi si Joy ang kasama ni Jace. Pero kasi kamukhang kamukha niya iyon e. The smile, ang katawan, all of it. Pero why is she still alive? Did Jace spare him Argh! Napasabunot nalang ako sa ulo ko. Napatingin naman ulit si Joy sa akin kaya nagsmile lang ako. Recess na. Nasa labas si Joy kasama si Raf. Ako naman ay naiwan sa loob kasama si Angela, ang isa pa naming seatmate. “Himala no, kasi natagalan ng sobra si Joy ngayon,” sabi ni Angela na may halong pagtataka. “Ayaw mo ba magrecess?” tanong niya ulit. Umiling nalang ako dahil hindi ko feel makipag-usap sa kahit na sino dahil sobrang dami ng iniiisip ko. Nakatingin lang ulit ako sa bintana, nag-iisip ako kung paano ko tatanungin si Joy na hindi siya magdududa. Huminga ulit ako ng malalim out of frustration. Bahala na, hihintayin ko nalang siya mamaya. Ilang minuto ay nakita kong pumasok na sina Joy at Raf, nagtatawan pa ang mga ito. Lumapit agad sila sa upuan nila at umupo. “Ba’t ba hindi ka nagrecess?” tanong ni Raf. “Busog pa kasi ako e,” sagot ko naman. Kinalabit ko si Joy. “Samahan mo nga ako sa CR.” Tumango naman siya at tumayo. “ Tara.” Tumayo na rin ako at sabay kaming lumabas sa CR. Lumingon ako ulit sa kinaroroonan ni Raf. Seryoso siyang nakatitig sa amin. Kinunutan ko naman siya ng noo at nang makita niya ‘yon at tumawa siya. Napailing nalang ako at patuloy na naglakad. Nakarating din naman agad kami sa CR. Pumasok na kami ni Joy. Pero hindi ako pumasok sa mga cubicle. Humarap lang ako sa salamin. “Oh?” nagtataka nigang sabi. “Akala ko iihi ka?” tanong niya. Tiningnan ko naman ang reflection niya sa salamin. Kinuha ko ang liptint na nasa bulsa ng uniform ko. “Wala naman akong sinabi g iihi ako e,” seryoso kong saad. Nakita kong parang naiilang si Joy. Bumuntong hininga ako. I think it’s time to ask her. “Joy,” I said. Alerto naman siyang napalingon sa akin. “Hmm?” she replied. “Hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko kagabi, pero kasi parang may nakita akong kamukha mo,” kalmado kong sabi, pero nakita kong parang nagulat si Joy. “Ha?” nauutal niyang sabi. “Ano’ng ibig mong sabihin? Nasa bahay lang naman ako kagabi e.” Nahahalata kong kinakabahan siya. Sigurado akong may tinatagao siya sa akin. “Talaga? Ah baka namali lang ako, kamukhang kamukha mo kasi,” I said and smiled at her. Nagsmile naman siya pabalik pero halatang fake. Kinalabahan talaga siya. Hindi ko nalang ipinush ang question dahil baka mahimatay. Paramg nakumpirma na rin kasi ang hinala ko. Pero ang tanong, ano kaya ang ginawa nila ni Jace? Bakit pa rin siya buhay? Fuck. Tinapos ko na ang paglalagay ng liptint at tinawag si Joy para bumalik na kami. Tahimik lang naming nilakad ang hallway. Kakaibang katahimikan. Sobrang awkward. “Missy…” mahinang sabi ni Joy. Tiningnam ko naman siya. “ Bakit?” I asked her. “Ano…let’s talk later after lunch.” Sabi niya at naunang maglakad. Naiwan naman ako sa hallway na nakatingin pa rin sa likod niya. Well, I guess this is it. Sumunod na rin ako at pumasok na sa classroom. Nakaupo na si Joy at kausap si Raf. Again, nagtatawanan ulit sila. Umupo ako sa tabi ni Joy at narinig ko pa siyang tumikhim. Sobrang halata naman nito. Hindi ko nalang iyon pinansin at kinuha ang cellphone na nasa bag ko. Wala naman akong gagawin dito pero kasi ayoko munang makipag usap sa kanilang dalawa. Ilang minuto ang lumipas ay dumating na ang philo teacher namin. Iniligpit ko na ang cellphone ko at kinuha ang notebook ko para magsulat. Sobrang haba kasi ng discussion nitong Philo at sobrang gulo ng quiz, kailangan kong mag take ng notes. “Uy missy, pahiram ng notebook mo mamaya a,” sabi ni Kirk. Nakaupo lang siya sa likod ko. Diyan talaga siya umupo para daw makakopya siya sa akin. Kahit sana ako umuupo tuwing bagong pasukan ay doon talaga siya pumupwesto sa likod ko. Hinahayaan ko nalang. Pinapakopya ko naman ang gustong komopya e. Pinag-uusapan na nga ako ng iba kong kaklase dahil daw si Kirk lang lagi kong pinapakopya. Aba! Alangan namang lapitan ko sila lahat doon sa mga upuan nila at ibigay ang papel ko para kopyahin nila? Open na opem naman ang papel ko sa tuwing may quiz para may makakopya, hindi ko na kasalanan kung nasa malayo sila nakaupo at hindi sila nakapag-aral. Ang panget ka-bonding ng mga classmate ko. Nakakatampo minsan. Nangongopya na nga nagagalit pa. Kapal. Nagsimula ng magdiscuss si Sir kaya nagsimula na rin akong mag take ng notes. Si Raf naman ay...as usual nagse-cellphone. Si Joy, kagaya ko ay nagtake rin ng notes. Kami nga lang ata ang nagte-take ng notes e. Notebook lang kasi namin ni Joy ang hinihiram nila para picturan pero hindi naman pinag-aralan. Tamang picture lang. Hindi ako mahilig mag picture ng notes dahil sa tuwing pupunta ako sa gallery para hanapin ang napicturan ko, kung saan-saan umaabot ang kamay ko. Minsan hindi na makapag-aral dahil na stuck sa f*******: o di kaya’y t****k. Kaya mas prefer ko talaga ang magsulat. Nahinto ako sa pagsusulat dahil bigla kong naisip kung ano ang sasabihin sa akin ni Joy mamaya. Ewan ko ba pero kinabahan ako ng husto. Hindi ko namalayan, nakahawak na pala ako sa dibdib ko. Napalingon naman si Joy sa akin. Tiningnan ko lang siya ng ilang segundo bago nag-iwas ng tingin at naglatuloy da pagsusulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD