Chapter 2: Viber The Cat

2356 Words
IMPOSIBLE! Paano nangyari ‘yon? I was teleported? Magic? I need to know what really happened. Umiral na naman ang pagiging sobrang curious ko sa lahat ng bagay, kaya’t nagmadali akong pumunta sa gate ng school at isinumbong sa guard ang aking nakita, “Manong Guard! May nakita po akong pinatay sa loob ng classroom! Tumawag po kayo agad ng pulis!” “Ineng gabing-gabi na, a. Ano ba’ng pinagsasabi mo? Nandiyan ka sa labas, kaya anong sinasabi mo na may patay sa loob? Mga bata talaga ngayon. Ibigay mo sa akin ang number ng nanay mo at tatawagan ko siya,” sagot ni Manong Guard. Nakakainis! Ang tamad ng guard na ‘to. “Maniwala po kayo sa akin. I saw it with my own eyes. I was inside and then suddenly I was teleported here!” Bigla kong tinakpan ang aking bibig. Darn it! I shouldn’t have said that I was teleported. “Okay...” sambit ni Manong Guard at halata sa kanyang mukha na hindi siya naniniwala. “Ibigay mo na ang mobile number ng nanay mo para mai-teleport ka niya papunta sa kwarto mo, at mapalo ka na ng sinturon. Batang ‘to!” Tumakbo ako palayo sa guard at bumalik sa may parking area kung saan naka-park ang bike ko. “Hoy umuwi ka na!” dinig ko’ng sigaw ni Manong Guard. Nakakainis talaga, lagi na lang akong nasasabihang bata. Hindi naman ako gano’n kaliit eh, 5’3” kaya ako.  Sadyang mukhang baby face lang talaga. Paano nga ba ako makakapasok ulit sa loob? Tahimik akong nag-iisip nang may biglang tumawag sa phone ko. Oh crap! Si Mama! At ang dami na pala niyang missed call sa akin. Patay ako! “Hello, Ma?” “Oh my God! Shana, anak! Kanina pa ako tumatawag sayo. Nasaan ka? Ayos ka lang ba? We’ve been looking for you. Ni-report na nga kita sa mga pulis eh,” nag-aalalang sagot ni Mama sa kabilang linya ng phone. “I’m fine, Ma. I was… I uh…” Mama won't believe if I’ll say I was hypnotized, saw a dead man, and was teleported. For sure grounded ako kapag sinabi ko ‘yon. “Sorry Ma, naghanap kasi ako ng part time job. Tapos naiwan ko pala sa school ‘yong phone ko. Nandito po ako ngayon sa school.” “Okay, sige. Diyan ka lang, a. Ang alam ko malapit lang diyan ang pinsan mo. Ipapasundo kita,” sagot ni Mama. “Si Kuya Dante po?” tanong ko at nakaramdam ako ng excitement. Matagal ko nang hindi nakikita si Kuya Dante. Ang sabi ng tita, pulis na rin daw siya katulad ni Papa. Hindi ko alam na dito pala siya nakadestino. “Oo, Anak. Kanina ka pa nga niya hinahanap, e. Basta diyan ka lang a,” sagot ni Mama. “Okay po, Ma. I’ll see you later.” At doon natapos ang pag-uusap namin ni Mama sa phone. Ayos ‘to! For sure si Kuya Dante maniniwala sa akin na may patay sa loob ng school at makakapasok kami sa loob. Matapos ang ilang minutong paghihintay, may dumating at humintong Police Car sa harap ko. Bumukas ang pinto at lumabas si Kuya Dante na muntik ko nang hindi makilala. Ang tangkad na niya, matipuno ang pangangatawan, gwapo, siyempre Brea ‘yan e, at bagay na bagay sa kanya ang suot niyang police uniform. “Kuya!” Sinalubong ko si Kuya Dante ng isang mabilis na yakap. “Shana!” sambit niya. “Kanina pa kita hinahanap, a. Alalang-alala na ang mama mo sa’yo. Kumusta ka na nga pala?” “Okay lang, Kuya,” sagot ko nang nakangiti. “Nakapag-usap na kami ni Mama. Galing mo, a! Grabe, parang kailan lang… tapos ngayon officer Dante Brea ka na!” “Siyempre, nasa lahi na natin ‘yan e,” sagot ni Kuya Dante at tiningnan niya ko mula ulo hangang paa. “You look like… hmm you didn’t change. You still look the same.” I pouted my lips and answer, “ewan ko ba Kuya, forever na yata akong mukhang bata.” “Ayaw mo no’n, immortal ka,” sambit niya sabay tawa. “Halika na, ihahatid na kita sa inyo.” “Teka, Kuya, saglit! May kailangan kang malaman,” pagpigil ko sa kanya. “I saw a dead man inside the school. You have to check it!” “A dead man?” pagkumpirma ni Kuya Dante. “Are you sure?” “Yes, Kuya!” Tumingin siya sa akin nang diretso at ipinakita ko na hindi ako nagsisinungaling.  “Okay, let’s check it out.” Ayos! Sabi ko na nga ba at maaasahan ko si Kuya Dante. Kinausap ni Kuya Dante ang guard at pinapasok naman kami sa school. Nasa likod niya lang ako habang kami ay naglalakad. Nakakapangilabot ang buong paligid. Madilim at tahimik. Tanging ang mga yapak lang namin ang maririnig na tunog. Tanging ang ilaw ng flashlight ang nagsisilbing gabay namin dahil hindi na pinabuksan ni Kuya Dante ang ilaw. Nagreklamo kasi ‘yong guard na mahirap daw. Tahimik naming hinahanap ang silid kung saan ko nakita ang mga Franco nang biglang… May naramdaman akong kung ano na dumaan sa aking hita kaya’t ako’y napasigaw. “Mama!” Mabilis namang napabunot ng baril si Kuya Dante, ngunit pagtama ng flashlight sa ibaba… pusa lang pala. Isang kulay gray na pusa. Nginitian ko si Kuya Dante at nag-peace sign.  Pinagpatuloy namin ang paghahanap sa silid. Ilang saglit pa ay natagpuan namin ito pero wala na ang nga Franco at ang bangkay. “Shana, there’s no one here. Sigurado ka ba na dito ‘yon?” “Oo, Kuya!” Hinanap ko sa paligid pero wala talaga. “Hmm… they must have moved the body.” “They?” Lumapit sa akin si kuya Dante at hinawakan ako sa balikat. “Shana, sino ang mga nakita mo?” “Ang mga Franco, Kuya,” sagot ko. “Kilala mo ba sila?” “Hmm… ang mga Franco, huh? Oo, kilala ko sila. Then what else you saw?” tanong niya muli. Tingin ko maniniwala sa akin si Kuya Dante kapag sinabi ko sa kanya ang totoo. “Tapos bigla na lang ako t-in-eleport ni Nix palabas ng school. I know it sounds crazy but that’s what really happened,” sambit ko at tinitigan ko si Kuya Dante nang diretso. Biglang tumawa nang malakas si Kuya Dante na nag-echo sa buong silid. “You’re still watching those horror or fantasy movies, huh, Shana?” “No! I’m telling you the truth!” giit ko. “Ikaw talaga. Mabuti pa ihahatid na kita pauwi at nag-aalala na sa’yo ang mama mo,” sambit ni Kuya Dante at ginulo niya ang buhok ko. Fail! Akala ko pa naman maniniwala siya. Kaasar! I guess I’m on my own to find out what happened and who they really are. Hinatid ako ni Kuya Dante sa bahay. Siyempre may kaunting sermon si Mama. Pero naiintindihan ko naman, dahil nag-aalala lang siya sa akin.       KINABUKASAN, pasok ulit sa school. Pero this time ganado ako. I don’t know why but I think I can find the thrill and action that I’m looking for in my boring life in this city. Lalo na nang dahil sa nangyari kagabi. Pagdating ko sa Grimrose Academy, nakaparada na ang motorbike ni Nix sa parking space niya, katabi ay ang tatlong mukhang mamahaling kotse. I think sa mga magkakapatid na Franco ang mga iyon.  Through their clothes and their skin, halatang mayaman sila. Pumasok ako ng school at nakita ko si Trish kaya agad ko siyang binati.  “Hi, Trish!” “Shana?! Oh, hello!” sambit ni Trish na parang nagulat pa nang makita ako. “Parang nagulat ka yata nang makita ako?” tanong ko. “H-hindi naman. N-nagulat lang ako dahil maaga ka,” nautal niyang sagot. “Ah… okay. Nakita mo ba ang mga Franco?” tanong ko ulit. “Nasa paligid lang sila. Kapag may nakita kang kumpol na tao, nandoon sila,” nakangiting sagot ni Trish. “A, sige.” Paalis na sana ako nang bigla akong tawagin ni Trish. “Shana! Wait! May gagawin ka ba mamaya? Pagkatapos ng mga klase mo?” “W-wala naman, bakit?” “Samahan mo naman ako dito sa school. May pinapagawa kasi sa akin ang Dean. And I could use some extra hands,” sagot ni Trish sa tanong ko. “Sure. I’ll see you later,” sagot ko. Hahanapin ko pa sana ang mga Franco nang mapansin ko na five minutes na lang at magsisimula na ang una kong klase. Kaya’t nagmadali ako sa pagpunta sa classroom. Pagpasok ko sa loob… wala pang tao at mukhang ako ang pinakamaaga. Tahimik ang lugar nang bigla akong makarinig ng meow ng pusa. Hinanap ko ito at natagpuan ko siya sa ilalim ng isang desk. Ang cute cute niya kaya kinarga ko siya at hinimas-himas sa likod. “Ang cute mo naman.” Napansin ko na may collar siya at may pangalan. “Viber. Iyon ba ang name mo? Ang cute, kasing cute mo.” Kulay gray si Viber at may bilugang ulo. Maging ang mga mata niya ay bilugan. Ang kanyang mga tenga ay naka-fold. Kakaiba siya at parang mamahalin ang lahi niya. Biglang bumukas ang pinto ng classroom at may pumasok mula doon. “Viber!” Nagulat ako at biglang kinabahan nang makita ko ang nagsalita… si Zed! Nilapitan niya ako at kinausap, “May I please have my cat back?” Nataranta ako. Mas gwapo siya sa malapitan. “S-sure. H-here.” Ibinigay ko sa kanya si Viber at kinarga niya ito. Umalis siya agad nang hindi man lang nagsalita. Wala man lang thank you. Like, thank you Shana ang bait mo at ang cute mo. Sana may gano’n. Pero… sapat na ang makita at makausap ko siya. Ang gwapo talaga niya. “May I please have my cat back?” “May I please have my cat back?” “May I please… have my cat back?” Paulit-ulit kong sinabi. Gosh! Those are the first words he said to me. Kinikilig ako. Napabuntong-hininga ako nang nakangiti. “Kumpleto na ang araw ko.” Teka lang… that Viber cat was the gray cat I saw last night. Ibig sabihin nandito nga sila kagabi. Shocks! Nadala ako ng kagwapuhan niya. Nakalimutan ko ang mga nangyari kagabi na dapat kong itanong sa kanya. Nagmadali akong tumayo at lumabas ng classroom para habulin si Zed. Ngunit paglabas ko… wala na siya sa paligid. Ilang saglit pa ay nagdatingan ang mga kaklase ko at ang professor namin. Nagsimula ang klase at kahit may ibang iniisip, nag-focus muna ako dito.       INABOT nang hapon bago matapos ang lahat ng klase ko. Kahit isang subject hindi ko naging classmate si Zed. Ano kaya ang course niya? Paglabas ko ng classroom ay agad akong sinalubong ni Trish. “Hi, Shana! Ready ka na?” “Hey, Trish. Ready saan?” tanong ko. “I’ll show you. Come with me,” sagot ni Trish nang nakangisi. Naalala ko na nagpapasama pala siya kanina pagkatapos daw ng klase kaya’t sumama ako sa kanya. Dinala ako ni Trish sa basement ng school. Ako ang naunang pumasok at tumingin-tingin sa paligid. “Ano’ng gagawin natin dito, Trish?” Tahimik ang silid at medyo may pagka-creepy. O baka naman nasa isip ko lang dahil sa kakapanood ko ng horror movies. “We’re going to have fun here... Shana,” sagot ni Trish. Nagulat ako sa malakas na tunog nang biglaang pagsara ng pinto at biglang pagbagsak ng mga gamit panglinis na kanina ay nakasabit sa dingding. Paglingon ko kay Trish, lumulutang na siya sa ere at nanlilisik na pula ang kanyang mga mata. “What the?! Trish?” Akala ko namalikmata lang ako ngunit laking gulat ko sa aking nakita. Lumutang din ang mga gamit panglinis, at tila may malakas na hangin sa loob ng buong silid. “I need your soul!” Sambit ni Trish ngunit tila dalawang tao ang nagsalita nang sabay. Napaatras ako sa takot. Hangang sa mapunta ako sa dingding. Ang mga gamit panglinis na lumulutang ay isa-isang lumipad papunta sa akin na parang ibinato. Hinarang ko ang aking mga braso sa aking mukha at yumuko upang salagin ang mga ibinato sa akin. Sa muli kong pagtingin kay Trish, napasigaw na ako sa takot nang unti-unting magbago ang kanyang anyo. Two horns sprouted from her head and her skin turned red with some sort of reptilian scales. She looks like… she looks like a Demon! Like from the movies. A monster with horns. She… No, it… it was laughing at me with its demonic voice. “You’re mine!” sambit ng Demon habang tumatawa. Papalapit na ito sa akin nang biglang lumamig ang buong silid kaya’t natigilan ito. The Demon turned its back on me and it was looking for something as it looks around. “Show yourself!” sigaw ng Demon. Nagyelo ang pinto at bigla itong nasira. “Witch!” sigaw ng Demon sa kung sino mang may gawa no’n. Pumasok ang isang babae mula sa pinto. She raised her right hand and a spear made of ice appeared from thin air. It was Ms. Kat Franco, fiercely looking at the demon. Inihagis ni Ms. Kat ang ice spear sa Demon at diretso itong tinamaan sa dibdib. “Damn you!” nasaktang sigaw ng Demon. Ngumisi lang si Kat habang nasasaktan ang demonyo at tinaasan niya ito ng kilay sabay sabing, “It’s not a witch. It’s Kat Franco, you b***h!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD