Chapter 1: Grimrose Academy

2929 Words
The Devil whispered in my ear, “You are not strong enough to withstand the storm.” Today I whispered in the Devil’s ear, “I am the storm.” - Unknown     SHANA'S POINT OF VIEW     MABILIS akong tumatakbo sa gitna ng kagubatan. May humahabol sa akin at kailangan kong makatakas sa kanila. Hindi ko alam kung nasaan ako. Napakadilim ng paligid at ang liwanag lamang ng bilog na buwan ang tanging ilaw sa kapaligiran. Tumatakbo pa rin ako kahit hingal na hingal na. Napakabilis ng t***k ng puso ko at ramdam ko pa rin siya. Siya o sila? Kung ano o sino man ang humahabol sa akin, hindi nila ako dapat maabutan. “You can run... but you can’t hide!” dinig kong sambit ng isang lalaking may malamig na boses. Then they all laugh at me. Laughing like a devil as I hear them moving fast and chasing me down to this forest. Malapit na sila... Maaabutan na nila ako... Nararamdaman ko na... “Shana…” “Shana!” Panaginip. Buti na lang at panaginip lamang iyon. Bakit ba kasi horror ang palabas sa tv kagabi? Napanaginipan ko tuloy. Nagising ako sa maamong boses ni Mama na mukhang kanina pa ako tinatawag. “Shana anak, gising na. First day mo sa bago mong school, kaya dapat maaga ka!” “Opo, Ma. Maghahanda na po!” sagot ko. New place, new school, new city, new life and a new chance for me to get out of my boring life. Gusto ko kasi ng thrill sa buhay ko, kaya guess what, I just signed up for college! Criminology! Gusto ko kasi maging Pulis one day. Idol ko si Papa, e. Kakalipat lang namin noong isang linggo dito sa Grimrose City. Halos wala kaming kakilala, maliban sa pinsan ni Papa na malayo naman kung saan kami nakatira. Itong bahay na ito na lang ang natitirang pag-aari namin. Ang bahay na iniwan ng yumao kong Ama na minana niya pa kay Lolo. Dahil sa pagkamatay ni Papa, naghirap kami kaya’t kinailangan namin na ibenta ang dati naming bahay at lumipat dito. Itong bahay na ito dapat ang ibebenta namin. Pero sadly, it can’t be sell due to my grandpa’s last will and testament, kaya no choice talaga kundi ang tumira dito, kahit napakalayo ng city na ito sa mga malalaking cities. Naghanda ako sa pagpasok sa school. Today is actually my first day sa Grimrose Academy as a transfer student. May kaba sa dibdib ko na ‘di ko maipaliwanag, parang takot ako dahil ibang mga mukha ang makikita ko. Wala akong masyadong kaibigan sa dati naming lugar, ang weird ko raw kasi. Matakaw na, geek pa, at medyo boyish pa. Higit sa lahat, lagi pa akong inaasar na bata. Sana nga lang sa bagong school walang mga maaarte. Sabagay college na ito. From what I’ve heard, wala nang pakialaman ang karamihan. Matapos maghanda sa pagpasok at kumain, nagpaalam na ako kina Mama at Erin. “Aalis na po ako.” “Bye Ate, ingat po,” paalam ni Erin. “Bye, Anak. Goodluck and try to make some new friends,” bilin ni Mama. “Bye, Ma! Bye, Erin! Pakabait ka dito kay Mama a,” sagot ko naman. Tumango si Erin at nagpatuloy sa pagkain ng kanyang cereal. Bago umalis ay humarap ako sa picture ng yumao kong Ama. “Pa, this is it! First step ko na para masundan ang sinimulan mo. Para po sa inyo ito.” Nag-bike lang ako papunta sa academy. Medyo malapit lang naman kasi at para makatipid. Alam ko kasi na mauubos na namin ang naiwang ipon ni Papa. Dapat din pala siguro akong humanap ng trabaho mamaya. Ngayong wala na si Papa, wala na rin susuporta sa amin. Ayaw ko namang magtrabaho si Mama dahil hindi pa pwedeng iwanan si Erin, limang taong gulang pa lamang kasi siya. Pagdating ko sa school, medyo marami na rin ang mga estudyante na pumapasok. Iginarahe ko ang bike ko sa may isang parking space na walang pumaparada, katabi ng tatlong mukhang mamahaling kotse. Nahiya ‘yong bike ko pero hindi ko naman alam kung saan ang paradahan ng bike, kaya dito na lang. Inihanda ko ang aking sarili sa pagpasok nang biglang may bumusina sa akin. Isang lalaking nakasakay sa motor bike na naka-helmet ang sumita sa akin. “Hey! Tanggalin mo nga ‘yang pangit mong bike sa parking space ko!” “Excuse me?! Nauna kaya ako dito! Why don’t you look for another parking space?” pagtataray ko sa kanya. Tinanggal niya ang kanyang helmet at tumambad sa akin ang isang gwapong lalaki. Kaya lang mukha pa lang, alam mong mayabang na. “Bago ka ba rito?” tanong ng mayabang na lalaki. “I think naliligaw ka, bata!” Really?! Pati ba naman dito mapagkakamalan akong bata?! Akala ko pa naman hindi na ako ituturing na bata sa bagong lugar na ito. “Hoy! Teka lang, a.” Sasabat pa sana ako sa kanya nang biglang may babaeng sumingit sa gitna namin. “Hi, Nix! Sorry sa istorbo, you can have your parking space now. Itatabi na namin ‘yong bike.” Hinawakan ng babae ang bike ko at itinabi ito sa gilid. “Teka sandali!” pagpigil ko sa babae. Ngunit ako ang pinigilan niya. “Sshh! Miss, later na. Pag-alis ni Nix.” Nix… Nix pala ang pangalan ng mayabang na lalaking ‘to. Sinunod ko ang babae at ‘di na lang ako nagsalita. Pero tinitigan ko nang masama ang mayabang na si Nix at gano’n din siya sa akin habang bumababa siya sa kanyang motor bike. Umalis siya ng parking lot at naglakad papunta sa loob ng school. “Hi, I’m Trish!” Nakipagkamay sa akin ang babae at ngumisi. Nginitian ko rin siya at nagpakilala. “Hello, Trish. Ako si Shana. Shana Rey Brea.” Si Trish ay may itim at maikling buhok na hangang leeg, kayumanggi ang kutis niya, may masiyahing mukha at katamtamang pangangatawan. “Nice to meet you, Shana. Bago ka lang siguro dito, ‘no?” tanong ni Trish, “Napansin ko kasing hindi mo kilala si Nix.” “Ah, oo. Kalilipat lang namin. Isang linggo na rin kami dito,” sagot ko. “Bakit sino ba ‘yong lalaking ‘yon?” “Akala ko rin talaga kanina naliligaw ka. No offense pero mukha ka kasi talagang bata eh,” sambit ni Trish at muli siyang ngumiti. Nginitian ko na lang din siya. “None taken.” “Anyway, that was Nix Franco. Bad Boy ng Grimrose Academy. More about that later kanina pa kasi kita hinihintay, e. I was assigned to you by our Dean. Malimit kami magkaroon ng bagong lipat na student kaya he wants to treat you special. I’m gonna give you a tour dito sa Grimrose Academy, kaya… Welcome!” Napakamot si Trish sa kanyang ulo. “Sorry, hindi ako magaling mag-speech at mag-welcome. Tara na lang! I’ll show you around.” “Sige, let’s go!” natutuwa ko’ng sambit. “Masiyahin ka rin, a. Tiyak kong magkakasundo tayo,” sambit ni Trish habang nakangisi. Inilibot ako ni Trish sa buong school at ipinaliwanag niya sa akin ang mga kwarto rito. Pero sa laki nito, I think it will take some time for me na matandaan lahat ng itinuro niya. Huli namin pinuntahan ang music room ng academy, kung saan ang daming mga babae ang tila nagkakandarapa sa pagsilip sa bintana para makita kung sino man ang artista na nasa loob. “Ano’ng nangyayari? Bakit nagkakagulo sila?” tanong ko kay Trish. “See for yourself.” Hinatak ni Trish ang kamay ko at sumingit kami sa mga kababaihan na nagkakagulo. “Make way for your School president!” sambit ni Trish at pinadaan naman kami ng mga babae. Natulala ako sa aking nakita. Isang lalaki ang naggigitara sa loob ng kwarto. Hindi marinig ang kanyang tinutugtog dahil mukhang sound proof ang buong kwarto. Ngunit sino siya? Bakit… bakit sobrang gwapo niya? “S-sino siya?” nauutal kong tanong ko. Ngumisi si Trish habang nakatingin sa lalaki. “That’s Zack Edward Franco o mas kilala sa nickname na Zed. Gwapo, ‘no? In love ka na rin ba katulad nila?” Shocks! Ang gwapo nga. Grabe! As in grabe! Ngayon lang ako napatunganga nang ganito sa isang lalaki. “A-ang gwapo niya,” bigla kong sambit. Natawa si Trish sa sinabi ko. “Welcome to the Zed’s fans club!” Biglang tumingin sa akin si Zed at ako’y napa-Oh my god! Mukhang napansin niya ako-look. Lumapit siya sa bintana ngunit bigla niyang ibinaba ang blinds nito para hindi siya makita. Ouch! Suplado pala. Na-disappoint naman ang mga babaeng fan girl niya sa paligid at ako pa ang sinisi. “Ikaw kasi e, tinakpan tuloy niya,” sambit ng isang babae sa akin. “Mabuti pa Shana, pumunta na tayo ng cafeteria para bago ang klase mo, may lakas ka,” mungkahi ni Trish. Tumango ako nang may kaba. “Sige, mukhang malapit na akong awayin dito, e.” Habang papunta kami sa cafeteria, may nakita kaming babae na parang model ang dating na naglalakad sa hallway na talagang nakaw-atensyon. Lahat ng tao, babae man, lalo na lalaki ay nakatingin sa kanya. Sobrang ganda niya! Matangkad siya at may seksing pangangatawan, ang buhok niya ay itim at mahaba, may kutis siyang sobrang kinis at maputi ang mukha niya ay pang-super model sa ganda. “That’s Ms. Kana Talia Franco o mas kilala sa pangalang Kat. She’s a model and a top student here. Parang nasa kanya na nga lahat ng biyaya, e. Matalino na, maganda at sexy pa,” paliwanag ni Trish. Natulala ako kay Ms. Kat pero bigla kong naalala… “Franco? Kaano-ano siya ni Zed?” “Aba naman! Mukhang tinandaan mo info ni Zed a,” sambit ni Trish. “Ah... Eh... Naaalala ko lang,” paliwanag ko. Sinanggi ako ni Trish sa braso at inasar bago sumagot, “Sus! Kabisado ko na kayong mga fan girl niya. To answer your question… nakakatandang kapatid ni Zed si Kat, and guess what? Si Nix na naka-alitan mo kanina? Kapatid din nila ‘yon. His name is Niel Xander Franco. Ang mga Franco ay sikat sa buong Grimrose City dahil sila ang pinakamayaman dito.” “Ah… I see... kaya pala,” sagot ko. Grabe naman. Parang in terms of face value, nasa mga Franco na ang biyaya. Tapos mayaman pa sila. Lumagpas sa amin si Kat at nagpatuloy kami sa pagpunta sa Cafeteria. Malapit na kami nang makakita na naman kami ng kumpol ng mga tao, karamihan ay mga kababaihan. “Oh perfect! Makikilala mo na ang isa pa nilang kapatid. Kuya nila actually,” masayang sambit ni Trish. Huh? May kapatid pa sila. Gaano naman kaya kagwapo ‘to? Lumapit kami at sumingit sa kumpol ng mga tao. Pagkatapos ay tumambad sa amin ang isang gwapong lalaki na nag-ma-magic. Street magic. “Pick a card! Any card!” sambit ng lalaki na may hawak na baraha. Hinawakan ng lalaki sa baba ang isang babae na may maikling buhok at naglapit ang kanilang mga mukha. “Hey girl, how about a kiss of magic?” Hinalikan naman siya ng babae sa cheeks at ginawa niya rin ito sa isa pang babae na may mahabang buhok sa may gawing kaliwa niya. Tapos ay pinabunot niya ang babae sa harap niya ng baraha. “Remember your card. That’s how many times I will give you a kiss, if our magic won’t fail.” Kinindatan niya ang babae at namula naman sa kilig ito. Cute siya at maputi pero parang sobrang playboy. “That’s Alvin Shawn Franco o mas kilala sa pangalang Ash. He’s a good street magician. Kaya lang as you can see, playboy. Siya ang pinaka panganay sa kanilang magkakapatid. Si Kat ang pangalawa at magka-edad naman si Nix at Zed,” paliwanag ni Trish. “Aah… Pero ‘di sila magkakamukha, a? I mean they are all good looking pero medyo malayo talaga ang mga mukha nila sa isa’t isa,” sambit ko. “Kasi...” bumulong sa akin si Trish, “…magkakaiba sila ng ina.” Marahan akong tumango. Kaya pala magkakaiba ang itsura nila, pero sabi ko nga, lahat sila ay good looking. Iba-iba ang ina? No wonder na kung bakit parang babaero itong si Ash. Nang matapos mag-magic si Ash, sumingit si Trish sa gitna at bumati, “Hi, Ash!” “Hello, Trish! What’s up?” sagot naman ni Ash habang nagbabalasa ng baraha. Bigla naman akong hinatak ni Trish sa kanyang tabi. “This is Shana. Bago siya sa school natin. Can you give her a sample of your magic trick?” Nagulat ako kaya’t agad na tumangi. “Trish, huwag na! Manonood na lang ako.” Hinawakan ako ni Ash sa mukha at tinitigan sa aking mga mata. Hindi ako nakagalaw nang dahil sa kanyang pagtitig. “The sound from a snap of my finger is now your master,” mabilis na sambit sa akin ni Ash, then he snapped his fingers near at my right ear. “Hear that?” tanong ni Ash, then he snapped his fingers again. “He wants you to go faster.” “Snap! Snap! Snap!” sambit ni Ash kasabay nang tatlong beses niyang pag-snap ng kanyang mga daliri. Then he snapped his fingers again. This time, parang nag-echo nang matagal ang tunog mula sa kanyang mga daliri, “Snap… Zap… Take a nap… Don’t miss a lap… In your dream you will rap.” Hinawakan ako ni Ash sa kanang balikat, “Sleep.” Biglang nagdilim ang paningin ko at nawalan ako ng malay.       UNTI-UNTI kong iminulat ang aking mga mata. Ako ay nakahiga sa loob ng clinic ng school. Mukhang nakatulog ako dito nang matagal. Tahimik ang buong paligid at madilim na rin. Gabi na sa labas at bilog na bilog ang buwan. Oh crap! Did I missed all my classes for today? Ang epal kasi ng Ash na ‘yon, e. Si Trish din sabi ko huwag na ako, e. Pero paano niya nagawa ‘yon? Did he hypnotized me to sleep? Ang galing, a. Sayang naman ang naaksayang araw na ito. Hindi ko na tuloy ulit nakita si Zed. Mamaya niyan may mga classes pala na magkaklase kami. Tumayo ako mula sa pagkakahiga. Lumabas ako ng clinic at tumingin sa paligid. Mukhang wala nang mga tao. Anong oras na ba? Tumingin ako sa aking relo, “Shocks! It’s already 12 midnight! Patay ako kay Mama.” Sinubukan kong hanapin ang exit ng school. Ang hirap talaga ‘pag baguhan ka sa isang lugar, nakakapanibago at nakakaligaw. Naglalakad ako nang biglang may narinig akong mga nag-uusap sa loob ng isang classroom. Tila nagtatalo sila kaya’t nagtago ako sa likod ng pader sa may tabi ng pinto at nakinig sa kanila. “Nix! What’s wrong with following orders?” galit na sambit ng babae. “Ang tagal niyo, e. He saw me and he was trying to escape,” paliwanag ng lalaki. If my memory serves me right, parang si Nix ang nasalita na iyon. Naaalala ko pa ang mayabang niyang boses. “Good job, brother. I’m so proud of you.” Iyon naman parang boses ni Ash. Baka si Ms. Kat ‘yong babaeng nagsalita kanina. Hula ko lang kasi magkakapatid sila, baka magkakasama sila. “Kinukunsinti mo pa itong kapatid natin! Remember, our Father told us to work as a Family!” inis na sambit nung babae. “Chill ka lang, sis. The target has been defeated. That’s all that matters.” Tama nga! Kay Ash nga ang boses na ‘yon! Maybe I should confront him. What he did to me was not right. Hypnotizing is against someone’s will. Pumasok ako sa classroom para kumprontahin si Ash. Nandoon din pala si Zed at napatingin siya sa akin. “Guys? There’s someone here,” sambit ni Zed at lahat sila ay napatingin sa akin. Nandoon silang apat. Ang apat na magkakapatid na Franco. Ngunit biglang nabaling ang atensyon ko sa taong nakahiga sa sahig na pinalilibutan nila. Gulat akong napahawak sa aking bibig nang makita ko ang isang lalaki na may saksak ng kutsilyo sa dibdib. “Nix!” sambit ni Ms. Kat na may seryosong mukha. “Yeah I know,” sagot ni Nix habang kumakamot sa kanyang ulo. Limang metro ang layo ni Nix sa akin ngunit bigla siyang sumulpot sa harap ko. Hinawakan niya ako sa balikat at sa loob ng isang segundo... tila nagbago ang ihip ng hangin at ang paligid. Umatras palayo si Nix sa akin at nakita kong nasa parking lot na kami ng school kung saan nakaparada ang bike ko. “What… the…” marahan kong sambit nang dahil sa gulat. Kumindat si Nix sa akin at bigla siyang naging itim na usok. Sa loob ng isang segundo, bigla siyang nawala. “What the hell?!” Napahawak ako sa aking ulo at natulala matapos makita ang kanyang ginawa. Did I just got teleported from there to here?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD