SINO SIYA? Bakit parang galit sa kanya si Nix? “Niel, nandito siya para sa’yo. Mag-usap naman kayo oh,” pakiusap ni Ms. Clea sa kanyang anak. Tumulo ang luha ng babae habang dahan-dahan siyang lumalapit kay Nix. “Sino’ng may sabi na gusto ko siyang kausapin?” galit na sambit ni Nix. Napahinto naman ang babae sa paglapit sa kanya. “Nix, please… bumalik ako para sa’yo. Mag-usap naman tayo,” sambit ng babae. “Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Cara. You said we’re done and I moved on. Isa pa…” Tumingin si Nix sa akin at ngumiti. “May iba na akong nagugustuhan.” Biglang naging itim na usok si Nix at nawala. Nagpunas ng luha ang babae at hinimas naman ni Ms. Clea ang likod niya. “I’m sorry, Cara.” “Naiitindihan ko siya, Tita. Maybe some other day.” Tumalikod si Cara at lumabas ng fu

