HINDI ko pa siya pinapapasok pero pagbukas na pagbukas ko ng bintana ay pumasok na siya mula doon. He’s wearing a black leather jacket, and tattered jeans. “Ano’ng ginagawa mo rito? Bakit diyan ka kumatok? May pinto kaya kami sa baba,” sambit ko. “Baka magalit Mama mo, e.” Pinagpagan niya ang kanyang pants na naalikabukan. I wrapped my arms around me as the air from outside filled my room with cold atmosphere. Napansin naman niyang nilamig ako kaya’t isinara niya ang bintana. “Wanna see something cool? Come with me,” sambit niya at Inalok niya ang kanan niyang kamay sa akin. “Huh?! Saan naman tayo pupunta? Tsaka gabi na, at may pasok pa tayo bukas.” “Babalik din tayo agad. Just come with me. It will be fun.” Hinihintay niya pa rin na abutin ko ang kanyang kamay habang nakangiti siya

