“OKAY Kat, what’s the plan?” tanong ni Ash. “Infiltration. Susubukan nating makipagkaibigan sa mga grupo dito sa school. As we all know, the Evos can’t do a summoning ritual alone, they need to be a group. Bibigyan ko kayo ng mga sasalihang grupo dito sa academy.” Parehas ng naisip namin ni Tam ang naisip na paraan ni Ate Kat. Nakaka-miss tuloy lalo ‘yong best friend ko. I hope she’s okay. “Sus, madali lang ‘yan. I could just be invisible at manmanan lahat ng grupong pinaghihinalaan natin,” pagmamayabang ni Ash. “No! Alam ko na ‘yang tactics mo. Last time na ginawa mo ‘yan dito sa school, ang daming mga babaeng sinabing hinawahakan daw sila ng masamang espirito. Kaya tumigil ka!” sambit ni Ate Kat. Ngumisi lang si Ash, “suggestion lang naman. Tsaka bata pa ako no’n. People change.” T

