ITINELEPORT kami ni Nix sa isang abandonadong warehouse. Malawak ito at walang laman. Dinig ko ang bawat pag-alon ng dagat sa labas at huni ng mga ibon. Mukhang nasa pier kami or malapit doon. “Where are we?” tanong ko habang pinagmamasdan ang paligid. “We’re at the docks. Pull your dagger out! We’re not here to waste time,” masungit na sagot ni Nix. “Hala?! Bakit ang sungit mo bigla?” Hindi sinagot ni Nix ang tanong ko. Ang alam ko lang, badtrip talaga siya for some reason. Toyoin talaga. Pumunta sa isang tabi si Ate Kat. Gumawa siya ng isang upuan na gawa sa yelo at umupo siya doon. “Go, Shana! Nix, go easy on her.” Tinanggal ko sa pagkakakwintas ang Ridwan at pinindot ko ang button sa gitna nito nang dalawang beses. Then I held the Demonbane dagger tightly in its cross handle. “G

