mahirap na ngayon mag hanap ng trabaho dahil ang mga kinukuha nila ay tapos ng kolehiyo,...
pero hanggang dito lang ako hindi nako makakalampas sa pinaka mataas dahil high school graduate lang ako...
iniisip ko nga kung magaaral pako sa college (business administration management) ang kukuhanin kong kurso dahil gusto kong magkaroon ng sariling business,...
sayang nga lang dahil wala kaming malaking pera para ipanggagastos sa pag aaral ko, hirap na hirap din kami ni inay dahil kakaonti nalang din ang paninda namin at malapit ng maubos kung ganoon siguro mag titiis nalang muna ako at maghahanap ng trabaho para pag nakaipon nako para sa pagaaral ko ay mag eenroll ako....
kahit saang paaralan basta makatapos ako ng kolehiyo at makakahanap nako ng magandang trabaho na malakihan ang sweldo at gusto kong magpatayo ng isang restaurant pag nakapag ipon na ako....
.
.
.
hindi ko na ipinagpatuloy ang paghahanap kung saan iyong wanted waitress na iyon siguro mag hahanap nalang ako sa iba ayoko ng ganoong kasootan nais ko lang ang simpleng pananamit at mas lalong ayokong masangkot sa ano mang masamang gawain baka mapagkamalan din ako at bastusin ng mga kalalakihan, kawawa si inay pag nag kataon na masangkot ako sa gulo makulong ako, magagalit rin ito sa akin kapag nalaman niyang papasok ako sa bar hindi ko kakayanin ang ganoong sitwasyon mas magandang maghirap ako sa paghahanap ng trabaho basta maayos...
kahit kaylan hindi ko ibabalandra ang aking katawan sa maraming tao para lang sa pera na ang puhunan ay iyong katawan....
mas gugustuhin ko nalang magtinda para sa mga pang araw araw naming gastusin at kakainin.....
ayokong maging bugaw at masangkot sa anumang gulo lalo na maraming tarantado sa labas kahit wala kang ginagawa ay madadamay ka.....
.
.
.
gumagabi na napapagod na akong mag lakad at mag hanap ng matinong trabaho pero wala akong mahanapan nag tatanong na ko kung saan saan ang may mga hiring na trabaho pero hindi ako natatanggap dahil puno na daw yung iba naman ay kailangan may experience na sa trabaho at graduated na.....
ehh,. kahit isa wala pakong napapasukan na trabaho gaga- graduate palang ako at hindi ako pinayagan na mag trabaho noon ni inay ayaw daw niya na ako ang magpapakahirap para sa pang araw araw namin na gastusin at kakainin mas okay na daw ang mag sari sari store kami...
kasi marami na kaming stocks pagkain marami pa kaming pera kung magtitinda kami, sabi ni inay at natutustusan naman daw ang pangangailangan ko...
.
.
.
pagod na pagod akong naka- uwi sa bahay, nakakagutom pala maghanap ng trabaho, sarado ang tindahan namin at hindi ko naabutan si inay doon hindi ko alam kung saan ito nag punta
na upo muna ako sandali para makapag pahinga at umiinom ng tubig mga ilang minuto tumayo nako at dumeretsyo sa kusina para mag luto....
hinugasan ko na yung kaldero at nagsaing isinalang ko na ito at naghanap sa mga kabinet ng pwedeng ilutong pang ulam namin ni inay pero wala na kong nakita na pwede naming iulam kaya naisipan kong sa paninda nalang ako kukuha ng ipangluluto ko para may ulam na pag dating ni inay, kumuha ako ng isang sardinas, isang pack ng sotanghon at tatlong itlog, ginisa ko lang yung sardinas at nilagyan ng sotanghon, pinirito ko naman ang itlog........
natapos nakong magluto pero dipa dumadating si inay kaya nauna nako kumain, matapos ko kumain niligpit ko na yung mga pinag kainan ko at natulog
.
.
.
kinabukasan maaga akong nagising kaya nag prepare nako para sa paghahanap ko ng trabaho....
.
.
nagdadarasal ako sa aking isipan na sana makahanap nako ng trabaho para makatulong nako kay inay sa mga gastusin dito sa bahay at mabilan ko si inay at ang sarili ko ng mga bagong damit puro bigay at pinaglumaan na kasi ng mga kapit bahay yung mga damit namin dito sa bahay.
nagsimula na akong magluto sunod naman ay naligo, matapos kong maligo ay nagpunas ako ng buhok at nagsuot ng white t-shirt at tinernohan ko naman ito ng black jeans at one inch white heels na bumabagay naman sa maputi kong kutis Nagmumukha akong model nito dahil napaka tangkad ko
at dumeretsyo ako sa kusina para maghain na at makakain na rin.
'inay gising napo"- gising ko kay inay at tinapik tapik ko ang kanyang pisngi...
'Inay gumising napo kayo, saan po ba kayo galing kagabi at anong oras na hindi pa kayo umuuwi" - tanong kong mag paglalambing.
'Hmmmm" mauna kana kumain inaantok pa ako" - wika nito at bumalik sa pagtulog. Kaya tumayo na ako upang bumalik sa kusina at kumain na ng makaalis na ako at maaga rin akong makauwi.
.
.
.
Narito ako ngayon sa BGC madaming naggagandahang building dito hindi katulad sa makati na kung saan saan mo makikita ang mga babae at baklang bayaran na pakalat kalat.
Napaka ganda rito feeling ko nasa ibang bansa ako, nabubuhayan ang aking puso at nagkakaroon ako ng pagasa at lakas para umangat sa buhay.
pagod na pagod ako feeling ko nangangalay na ang buong katawan ko.
alas kwatro na ng hapon.
kanina pa ako paikot ikot at patingin tingin kung saan saan minsan may mga tumitingin sa akin akala nila siguro first time ko lang makarating dito.
hindi ko itatanggi iyon dahil totoo naman hehe, masyado kasi akong nawiwili sa mga nakikita ko feeling ko nasa ibang bansa na ako.
nagtungo na ako sa sakayan ng bus upang makauwi na sa bahay.
pero hindi ko sinasadyang may nakabungguan akong isang lalaki.
napanganga ako at napatulala sa lalaking nasa harapan ko ngayon, hindi ko sukat akalain na may ganitong kagwapong lalaki pa sa mundo.
parang may parte sa akin ang kinikilig at nabubuhayan.
feeling ko nasa fairy tales ako.
napaka gwapo niya walang maspopogi pa sa lalaking kaharap ko ngayon, kahit si ding dong ay hindi mahihigitan.
napaka perpekto ng kanyang mukha at napaka kinis ng kanyang balat sa mukha at may medyo mabalbon na mga braso at binti nito at mas lalo pa nitong ikinagwapo sa suot nitong basang sando at short na pinartneran ng rubber shoes.
galing siguro ito sa pag-jojogging dahil tagaktak ang pawis nito patungo sa kaniyang dibdib.
'are you done fantasizing me?".. wika nito na kaagad ko namang ikinayuko dahil sa hiya.