not included in graduating

972 Words
'hehe, siraulo ata ang lalaking to?" wika ko sa medyo mahinang boses at nagkamot kamot sa aking ulo dahil masyadong feelingero ang lalaking ito. 'what are you saying?".. wika nito na ikinagulat ko, parang naintindihan yata ako ng kumag dahil parang galit ito. 'ahh, ehh wala wala, ay este nothing"... wika ko at iwinagayway ko pa ang aking mga kamay para mas lalo akong maintindihan nito. 'ok what's your name?"... '...ehhh ano nga na ulit ang pangalan ko? mukhang nalimutan ko".. wika ko sa mahinang boses at tila nagiisip kung ano nga ba ang pangalan ko. 'ang pogi naman kasi nitong kaharap ko talagang malilimutan mo ang yong pangalan". dagdag ko pa 'im tasha de luca, or in short sha sha"... pagpapakilala ko dito. 'ok im josh, nice to meet you! be careful next time"... pagpapakilala nito at lahat ng kamay. 'nice to meet you too"... wika ko sabay ngiti na kinikilig pa. sabay kaming nagpaalam sa isat isa dahil halatang nag mamadali na ito. ako naman ay umuwi na at hindi malimutan ang nangyari kanina nakita mo naman na napaka pogi, nakarating ako sa bahay ng alas sais ng gabi dahil medyo malayo layo din ang aking nilakad, patungo sa bahay dahil napakaraming pasikot sikot sa lugar namin. naabutan ko si inay na kumakain, nakapagluto na pala ito. iniisip ko pa naman kanina na maaga akong uuwi dahil magluluto pa ako ng ulam ngayong gabi pero mukhang inagaw na ni inay ang dapat na aking gagawin. ' andyan kana pala sha, kamusta? may nahanap ka na ba na gusto mong pagtrabahuhan?"... wikang tanong ni inay. ' wala pa inay, napaka hirap humanap ng trabaho ngayon lalo nagagraduate palang ako at puro college graduate ang hinahanap ngayon!".. sagot ko kay inay. 'o sya, kumain kana at magpahinga, nagluto ako ng ginataang tilapya na may petchay".. ' wow, inay halatang mapaparami ako nito ahh. dahil ito ang paboritong paborito kong ulam sa lahat".. 'sige na wag kana magdaldal ng magdaldal dyan kumain kana at magpahinga. bukas mo nalang intindihin ang paghahanap ng trabaho kayang kaya ko pa naman mag bantay sa munting tindahan natin at kumita ako ngayon ng nasa isang libo dahil madami dami ang bumili satin lalo na yung kapit bahay nating si loltita naka jockpot nanaman siguro dahil sya ang pabalik balik sa tindahan para bumili ng kung ano ano"... mahabang wika nito. 'ok po nay"... ~~~~ kinabukasan maaga akong nagising sinimulan ko na ang every morning routin ko, at kumain.. may nakahain na sa lamesa na fried rice, scramble egg at yung natirang ginataang tilapya na may petchay. hindi ko na naabutan si inay. baka nagtitinda na iyon sa sari sari store namin na nakapwesto medyo malapit sa palengke kaya minsan umuuwi si inay na may dala nang ulam dahil dumederetsyo na doon para bumili, at may mga kumare din siya doon at mga tunay na kaibigan ni inay. pero hindi parin maiiwasan ang mga taong walang magawa sa buhay at mga inggit. matapos kong maligo nag prepare na ako para makaalis na at kakausapin ko na din ang professor ko para kunin ang susuutin ko na toga sa graduation at masukat na din ang size na kakasya sa akin. hindi naman ako mapayat at hindi din mataba medyo matangkad at sakto lang ang katawan para sa isang katulad ko. makarating ako sa school sakay ng trysicle nagbayad ako ng sinkwenta dito dahil medyo may kalayuan din ang school ko at at para na rin mabilis akong makarating dito sa school at malayo layo din ang pupuntahan ko para makahanap ng tamang trabaho para sa akin, hindi na aabutin ng oras kung maghihintay pako ng jeep sa sakayan. tinahak ko na ang daan patungo sa paaralan na pinapasukan ko. katulad ng palagi kong ginagawa pagbati at pagbibigay galang sa mga gwardya at mga teachers ang palagi kong ginagawa. dumeretsyo ako sa second floor dahil naroon ang room para mag fill up kung anong sadya ko sa school. then dumeretsyo na ako sa room 45 building 3 dahil andon naman ang office ng professor ko. may sari sarili palang office ang mga prof dito sa paaralang pinapasukan ko at may kalakihan din ito, anim ang building na narito at puro 4th floor kaya talagang napakalaki ng nito. sa pagkakaalam ko ay mayaman ang may ari nito. pero libre lang ang pagaaral dito dahil ginawa talaga ito para sa mahihirap katulad ko at mga taong walang kakayahang magaral. nakarating ako sa office ng prof ko ng walang kahirap hirap, dahil narin siguro sa madami akong iniisip at hindi ko na namamalayan na narito na ako. 'tok, tok , tok".. katok ko sa pinto. ' come in"... dinig kong wika ng prof ko mula sa loob opisina nito, bago ko buksan ang pinto. ' anong sadya mo miss luca?"... tanong nito habang humihigop ng kape nito. kilalang kilala ako nitong prof namin dahil ako ata ang pinaka mabait na studyante nya pero minsan din akong napapagalitan dahil marami akong nakakaaway na studyante at talagang hindi ako tinitigilan hanggat hindi ako napapahiya sa buong campus, pero pinababayaan ko lang sila at hindi ko nalang pinapansin para hindi na lumala ang sitwasyon. 'ahhmm sir gusto kulang po kayo makausap about po sa toga at magsusukat na din po, diba po next month na ang graduation?"... wika ko. ' miss luca hindi kaba updated sa balita?... wikang tanong ko rito. ' huh? bakit po ? ano pong balita?"... pabalik na tanong ko din. ' actually nung nakaraan pa nagsukat ang mga studyante ng toga at wala na din stock dahil sakto lang iyon sa lahat ng studyante na ga-graduate next month"... ' huh? ano pong ibig nyong sabihin prof?... ' iha, im so sorry pero hindi ka kasama sa mga ga-graduate next month"... wika nito na ikinagulat ng buong pagkatao ko hindi pwedeng mangyari iyon!.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD