IKA-DALAWAMPU'T SIYAM NA BAHAGI

662 Words
?29? [SHERRI] Hawak-hawak ko ang palad ng anak kong si Lei nang mapansin ko na unti-unting naglalaho ito. "L-Lei? L-Leiiii!" Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ako makapagsalita sa pagkatigagal. Saan ko hahagilapin ngayon ang aking anak? Kinuha ba ito ni Roi? Ito ba ang ganti niya sa akin? [LEI] Matapos ang pagpunta ni Eer ay ako ang siyang nanatili sa silid nun. Nakaupo lang ako malapit kay Jane, ayon na rin sa napag-alaman kong pangalan nito. Nakatitig ako dito nang biglang sumakit ang aking ulo. "A-ama..." iniangat ko ang aking ulo at napansin na ang babae ang nagdedeliryo. Ang mga katagang binubulong nito... Ang sinasabi ba nito ang kasagutan sa nasa isipan ko kanina? Siya ba ay anak ni Eer kaya nag-atubili pa itong pumunta dito. Isa ba itong kalaban? Kailangan kong mag-ingat sa babaeng ito kung sakali. Ibinuka nito ang mga mata at unti-unting lumingon sa akin. Sa puntong ito ay nakatitig kami sa isa't-isa. "B-Bakit ka narito?" mahina nitong sabi. Bakit nga ba ako nagtagal dito? Lumapit ako dito at akmang dadantayan ng palad ang noo nito subalit iwinaksi nito ang aking kamay. ''H-huwag mong gawin 'yan!" Ngunit hindi nito napigilan ang ninanais ko. Gusto ko lang naman mahagilap sa ala-ala nito kung may kaugnayan ba talaga ito kay Eer. ''S-sabi nang huwag mo 'kong hahawakan!" Bigla itong nakapaglabas ng patalim at iniumang sa aking leeg. Dumating naman ang aking mga alagad at pinalibutan ang babae ng mga sandata ng mga ito. "Lapastangan! Anong karapatan mong humindi sa mahal na Hari!" Tigagal lang ako nitong tinitigan at nalaglag sa paanan ng higaan ang hawak nitong punyal. At naging tahimik na ito. "Humingi ka nang tawad babae!" sabi ng isa kong alagad. Iniangat naman muli ng babae ang paningin nito at saka tila napipilitang humingi nang tawad. ''Pasensiya na. Hindi ko alam na kayo pala ang mahal na hari... " ''Aba at wala ka talagang paggalang!" bulyaw ng isa sa aking alagad. Napabuntung-hininga na lang ako. "Ngayong alam mo na... maaari ko na bang hawakan ang noo mo?" "Bakit?" Wala akong maisagot sa tanong nito. Hindi ko maintindihan kung bakit parang hinihigop ako ng berde nitong mga mata. ''Ayos lang kung ayaw mo talaga... " pinal na sabi ko saka ako tumalikod. "Umayos ka a!" ang iniwang salita ng aking alagad dito. Ang totoo'y may karapatan akong gawin ang lahat. Sa ginawa ng babae kanina labis-labis na iyon na kalapastanganan. Hindi bale, may ibang paraan pa naman para malaman ko ang lahat. Akala ni Eer, maiisahan niya kami ni ama. Natutuwa ako dahil napag-alaman ko mula dito na makikita na namin at makakasama muli si ina. - [EER] Noong medyo magaling na ang alipin ay ipinakuha ko ito para kausapin. Malay ko ba kung ito si Nin dahil magkamukhang-magkamukha sila. Matagal nang wala si Nin kaya para na ring kabaliwan ang aking ginagawa. Malumanay itong nakaupo paharap sa akin. "Uminom ka ng tsaa... " paanyaya ko dito. Nakasuot ito ng mahaba at dilaw na damit. Napansin ko agad ang kuwintas na suot nito na kulay puting rosas na bato. Tama yata ang aking hinala na ito nga si Nin. Hindi ko napigil ang aking sarili na lapitan ito at yakapin. "Ginoo... " mahinang usal nito. Nanatili lang itong nakaupo. "N-Nin, ikaw nga ba yan?" Ayaw na ayaw kong magpakita ng kahinaan pero sa puntong ito ay hindi ko na yun napigil. "G-Ginoo... " maging ang boses nito ay katulad ng kay Nin. "S-sabihin mo na ikaw si Nin... " pakiusap ko dito. "... G-Ginoo, wala na po si inang Nin... " sa sinabi nito ay parang nawalan ako ng lakas. "H-hindi yan totoo. Ikaw si Nin. Ikaw si N-Nin... " halos magmakaawa ako habang hawak ang magkabilang balikat nito. Ngunit tumulo lang ang luha nito at umiling. "Ama... wala na po si ina." Parang bumagsak ang puso ko sa pangalawang pagkakataon. Kumirot yun nang walang hanggan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD