?27?
Napakadaming naging panauhin.
Madami ding mga dalagitang engkantada na mainam din ang katayuan.
Lalong naliliit si Nin.
Ang gaganda ng mga suot nito.
Masusi niyang tiningnan ang ayos. Sobrang layo.
Siguro kailangan na niyang magising at idistansya ang puso mula sa Ginoo. Kahit masakit ay yun ang nararapat.
''Maging masaya ka sa kaarawan mo, Ginoo... '' pinigil niya ang maluha kahit alam niyang namumula na ang mga mata niya sa ginagawa.
Nagpasya siyang lumayo muna sa kasiyahan na yun dahil lalo lang siyang masasaktan dahil kailanman hindi iyon matutupad ni sa balintataw.
Tumalikod na siya nang marinig ang palakpakan at ang boses ng Hari.
''Nandito na ang aking tagapagmana. Ang aking anak na si Eer... '' wala naman sigurong masama kung kahit saglit tanawin niya ang Ginoo mula sa itaas sa syang lalabasan nito na silid.
Siguradong mas madaming hahanga dito.
May kirot siyang nadarama sa kaibuturan ng kanyang puso.
Nakasuot ito ng mahabang damit na kulay puti.
Mamahalin gaya ng palagian nitong suot.
Nakangiti ito sa lahat at nagpasyal ang mga mata sa mga naroon hanggang sa dumako iyon sa kanya.
Nakita niya na parang nagningning ang mga mata nito.
Para siyang nanigas sa kinatatayuan lalo na nang makita niyang ngumiti ito. Tumingin pa siya sa likuran at nakitang siya lang ang naroon sa sulok na yun.
At mas lalo pang nagtambol ang kanyang puso nang tanggalin nito ang suot na damit at tumambad sa lahat ang suot nito sa loob na kulay kahel.
Sa isang beses pa ay tumitig ito sa kanya at ngumiti.
Hindi na yata niya matatakbuhan ang kung ano mang kabaliwan na nararamdaman niya para sa Ginoo.
Hindi na niya magagawa pa.
Kusa nang nagpaalipin ang kanyang damdamin.
Dahil sa hiya ay napayuko na lang ang dalagita at umalis sa sulok na yun.
Marahil sapat na ang hiram na ngiti mula rito.
Iyon lang ang maaari niyang pangarapin.
Bumalik na lang siya sa kanyang silid.
Siguro habang siya'y nagmukmok sa sandaling yun ay masaya itong nakikipagtawanan sa mga panauhin.
''Ito na ang pinakamaganda kong damit... '' puna niya sa sarili habang nakaupo sa higaan. May sisidlan na nakapatong sa mesang nasa gilid ng kuwarto. Tumayo siya at binuksan yun.
Ang pansipit ng buhok.
Inilugay niya ang may kahabaan at itim na itim na buhok at nilagay doon ang paru-parung pansipit.
Kumuha siya ng salamin at pinagmasdan ang sarili.
Paano kaya kung maglagay siya ng pangkulay sa labi?
At ginawa nga niya yun.
Parang nag-iba ang kanyang hitsura. Babaeng-babae ang dating.
Maya-maya ay may kumatok. Binuksan niya iyon para makita lang kung sino iyon.
Napansin niyang tumitig ito nang matagal sa kanyang mukha.
''Wag kang lalabas ng ganiyan lalo na kung maraming panauhin. Makukuha mo ang pansin nila... ''
'Sa inyo po ba, hindi?' Nais niyang itanong sa Ginoo.
''Bagay sayo ang pansipit. Nakakalimutan ko na dalagita ka na pala, Nin at paniguradong maraming magnanais sayo. Magsabi ka lang sakin kung may aali-aligid na sayo. Salamat nga pala sa regalo napakagandang suotin.''
Bakit pa nito kailangang sabihin yun sa kanya?
Wala siyang ibang gustong umaligid at magnais sa kanya kung di ito lang.
Sinabi nitong sumama siya rito para makisaya sa kaarawan nito.
Tigagal si Nin nang kinuha nito ang kanyang kamay at pinaabresete dito.
Para siyang lumulutang habang sila ay naglalakad.
Parang malapit lang ang pangarap niya na makapiling ito kahit na malabo.
?28?
[KASALUKUYAN]
''Anong nangyari sa kanya?"
"Kawawa naman ang ating kasamahan... "
Nakikiusyuso ang mga tagapaglingkod sa palasyo sa bitbit ng mga kawal na si Jane. Wala itong malay at duguan habang ito'y magkatulong na karga ng dalawang tauhan ng palasyo. May manggamot na nakasunod sa mga ito.
Pagkarating ni Eer sa sarili nitong silid ay hindi ito maawat sa paglalakad at malalim ang iniisip. Pawisan din ang noo nito at kagat-kagat ang kuko.
''P-Paano kung anak ko talaga ang babaeng yun na kamukha ni Nin? Pero si Nin... matagal nang patay at ni isang beses ay hindi nadapuan ng aking balat kaya paanong ako ang tinatawag nitong ama?" Sari-sari ang dumaan sa isipan ng Ginoo.
Yun ay ang siyang tawag-paggalang ni Nin sa kanya.
Kung maaari ay ayaw na niyang maalala pa dahil kakamuhian niya lalo ang kanyang sarili sapagka't ang tanging tagasilbi ay hindi niya nagawang iligtas.
At ito ay namatay nang siya pa rin ang iniisip.
Napapikit siya sa isiping yun at hinawakan ang kaliwang dibdib. Kumirot iyon muli na akala niya'y lubos nang nawala.
Hindi pa pala. Hindi gaya nang inaakala niya.
-
"Anong nangyari kay Jane?'' Halos naisin ni Ahru na makapasok sa mismong silid na pinagdalhan kay Jane.
Alalang-ala ang mukha nito at naikuyom ang kamao.
''Hindi ka puwedeng pumasok!" Saway sa kanya sa mga bantay sa labas.
"Dadalawin ko lang at kukumustahin ang kaibigan ko. Nag-aalala ako sa kanya... ''
"Wala kaming pakialam kung anong nararamdaman mo o kung mamatay man ang tagasilbi na yun. Dapat alam mo na na ang buhay nating nagtatrabaho sa palasyo ay walang halaga at swerte na lang kung mabubuhay pa ang kaibigan mo. Dahil madalas, pinapabayaan na lang tayo ng palasyo kapag naghihingalo. Maaari tayong palitan anumang oras... '' halos kung hindi lang nagpigil si Ahru baka kung ano pa ang nagawa niya sa kaharap.
"J-Jane... '' tanging ang pintuan lang ang kaya niyang titigan sa pagkakataon na yun. Pinagdarasal niya na sana maging maayos na ito. Alam niyang hindi ito bastang sumusuko.
Siya namang pagdating ng bagong Hari na kung susumahin niya ay kaedad niya lang.
Pero ang alam niya, isa itong kalahating tao at mabilis ang pagbibinata nito sa kanilang lugar.
Yumuko sila rito.
Nababalot ito ng ginintuang damit.
Bagay na isa man sa kanila na tagapaglingkod at bantay ay hindi kailanman madadantayan man lang ng kamay.
''Sinong nasa loob?'' Tanong nito. Iniangat naman ni Ahru ang paningin at halos magtagis ang bagang sa pagpipigil ng galit sa nangyari kay Jane.
Matapos niyang magsabi dito ay pumasok na ito sa loob kasama ang pinagkakatiwalaan ng palasyo na bantay para rito.
-
Bumungad kay Lei ang nakahigang dalaga na kasalukuyang ginagamot.
Ito yung babae noong nakaraan.
Putlang-putla ang labi nito at may konti pang dugo sa ibaba nun.
Sino bang may ginawa nun dito?
Natigil ang pag-iisip niya nang sabihin ng bantay sa labas na naroon si Eer.
Anong ginagawa nito doon?
May kinalaman ba ito sa nangyari sa tagasilbi?
Ibinalik niya ang paningin sa babae.
Parang may kamukha ito.
"Papasukin ninyo siya!" Utos niya. Bumukas ang pintuan at nilingon niya ang papasok na si Eer.
Parang nakita na niya ang pagmumukhang iyon kanina.
Ang kilay at mga labi...
magkatulad na magkatulad at sa babae.
Kaya ba naroon ang kaaway ng kanyang ama?
Tama ba ang hula niya o namamalikmata lang siya.
Imbes na tumuon sa kanya ang paningin nito ay dumiretso iyon sa nakahigang tagasilbi.
Pansin niya din na may dugo ang kamay nito.
Ito ba ang may kagagawan?
Ano ang posibleng kaugnayan nito sa babaeng nagngangalang Jane?