25 - 26

1275 Words
?25? [JANE] Sabi ni Nin, maamo ang mukha ni Ginoong Eer bakit kabaligtaran ang aking nakikita ngayon? Matapang ang mukha nito, makapal ang kilay, matangos ang ilong at manipis ang mapulang labi ngunit nakakatakot ito kung tumingin. Paano ko ba ito malalapitan? [EER] Pakiramdam ko may matiim na nakamasid sa akin. Hindi ko lang ipinahalata na alam ko kung saan ito nagtatago. Nais ko itong mahuli nang hindi nito nararamdaman. [JANE] Pinagmamasdan ko mula sa mayayabong na damuhan ang pagsasanay ni Ginoong Eer. Napakagaling nitong humawak ng espada. Ngunit sa isang iglap ay nawala ito sa aking paningin. ''Nasa'n na yun?" Kakamot-kamot ng ulo kong sabi. Biglang parang bumagsak ang puso ko nang may tumakip ng panyo sa aking ilong. "Hindi mo na dapat ako tiniktikan... " unang beses kong narinig ang boses nito nang malapitan. Ganito pala kalamig ang boses ni Ginoong Eer. Umaandap-andap na ang aking paningin. Nahihilo ako. Hindi ko alam ilang sandali ako nawalan nang malay. Binalot ako ng kaba nang matagpuan ko ang sarili na nakagapos sa isang silid. Papatayin na ba ako? Narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa bandang likuran ko. Mabibigat na yabag Malakas ang presensiya nito at kapag may ginawa ito sa akin ay alam ko na hindi ako makakalaban. Masyado akong mahina kung ikukumpara rito. ''Ikaw ay taga-silbi sa palasyo. Sa tingin mo ba ay hangal ako para hindi malaman na sinusundan mo ko kanina pa? Sabihin mo na sino ang nag-utos sayo, baka sakaling buhayin pa kita. Maawa man lang ako sayo na mababang uri ng engkanto... " hindi ko mapigil ang pagdaloy ng aking luha. Hindi ito ang inaasahan ko. Hindi ko inaasahan na masasaktan ako nang ganito. Na malupit magsalita si Ginoong Eer. Pumuwesto ito sa harap ko at hinawakan ang aking mukha ng kayhigpit. ''Si Lei ba ang nag-utos sayo?!" Banaag ang galit sa mga mata nito. ''Sino ang tinutukoy ninyo?'' Pinilit kong magsalita. Tumawa ito ng pagak bago ako patikimin ng sampal. Dumugo ang aking labi. "Ngayon hindi mo kilala ang kasalukuyang hari? Wag mo akong lokohin! At dahil nagmamaang-maangan ka, magpaalam ka na sa walang kuwenta mong buhay!" Naglabas ito ng espada at lubos na tinamaan ang aking tiyan. Tinitigan ko lang ito habang namamalisbis ang aking luha at ang sakit na bumalandra sa aking mukha. ''H-hindi ko akalain na ito ang mangyayari sa u-na nating paghaharap... '' bumubulwak ang dugo mula sa aking mga labi. Ngumiti ako ng may pait bago dinugtungan ang aking sinasabi. ''... -ama... " Gumuhit ang pagtatanong sa buo nitong mukha. Mas tinitigan ako nito. ''N-Nin?" Nabitiwan nito ang hawakan ng espada at sya namang pagkawala ng aking malay. Masaya ako na nakatagpo kita ama. Sayang at nais ko sanang makapagpakilala. Ako nga pala si Jane. Ang nag-iisa ninyong anak, Ginoong Eer. Maaari na ba kitang tawaging ama sa una at huling pagkakataon? ?26? [EER] Si Nin ay halos kaedad ko lang nang mapunta sa palasyo. Isa itong dating anak ng alipin na naging kasa-kasama ko na buhat nang matuklasan ni ama na marunong na itong mangabayo kahit pitong taong gulang lang ito. Wala pa akong nakatatagpong bata na sa murang edad ay sanay na sa ganoon. Kaya naman, ito mismo ang nagturo sa akin sumakay ng kabayo. Mas magaling pa itong magturo kesa sa mga matatanda. Ito ang nakasama ko bago dumating si Maaryaa. - "Nin, bantayan mo ang prinsipe kahit saan siya magpunta... " utos ng hari ng palasyo na yun. Tigalgal lang na napatingin ang bata dito. Maayos na ang kasuotan nito at napakain na rin. Namatay sa sakit ang ina nito at nag-iisa na lang ito sa buhay. ''Ho?" Sa tanong na yun ay sya namang paglabas ng isang batang lalake mula sa isang silid. Tumitig ito sa kanya. Lumapit ito at inilahad ang kamay. ''Kumusta? Ako nga pala si Eer. Ikaw?" Nakangiti ito ngunit agad sinaway ng ama ang ginagawa nito. ''Mahal na Prinsipe. Bakit ka kumikilos ng ganyan? Paano ka mas gagalangin ng mga tauhan natin kung ganyan ka?" Binawi naman agad ng bata ang kamay nitong nakalahad at hindi na ngumiti. ''Siya ang prinsipe na paglilingkuran mo bata. Tawagin mo siyang Prinsipe Eer... '' ''Huwag na ama. Ginoong Eer dapat kasi pakiramdam ko mabilis akong magbibinata nun... '' Pinigil ni Nin ang matawa sa mahal na Prinsipe. Nakakatuwa ito dahil mahahalata mo na mabait. At yun na nga ang simula. Siya ang tagahatid ng pagkain dito. At kahit ayaw niya tinuturuan siya nitong magbasa kahit na ipinagbabawal iyon. Hindi niya alam kung bakit? Anong meron sa kanya at giliw na giliw ito? Pumapalakpak pa ito kapag nakikita siyang nakasakay sa kabayo. Ang mga kilos na yun ng Ginoo ay labis na nagpahulog kay Nin dito nang hindi nito nalalaman. Akala niya siya na ang pinakapaborito ng pinaglilingkuran. Binigyan pa siya nito ng pansipit sa buhok na anyong paru-paru nang kaarawan niya na ikinatuwa ng bata niyang puso. ''Ibibigay ko sana yan kung meron lang sana akong kapatid na babae. Sayo na lang Nin. Bagay din naman sayo... '' parang gusto niyang manlumo. Ang lahat pala ay ginagawa ng Ginoo dahil sa sabik ito sa isang kapatid. At kapatid ang tingin nito sa kagaya niya na isa lang hamak na tagasilbi. At kahit kailan hinding-hindi siya maaaring tumira sa palasyong yun at maging prinsesa nito. Ang saklap ng kanyang katayuan. Araw-araw hinihiling niya na tingnan siya ng Ginoo nang may pagsinta. Umaasang sana nga may laman ang bawat ngiti at sulyap nito sa kanya. Nang ika-13 kaarawan ng Ginoo ay ginawan niya ito ng damit panlamig na kulay kahel. Alam niyang masyadong mura ang tela ngunit nayari yun ng may pagmamahal. ''Sana maibigan ito ng Ginoo bukas... " parang nangangarap ang dalagitang si Nin habang nakahiga. Maaga siyang nagising maging ang ibang tauhan sa palasyo para sa malaking paghahanda. Isinilid niya sa kahon ang regalo at inilapit ito sa may bandang puso habang nangingiti. Halos patakbo niyang inakyat ang papuntang silid ng Ginoong Eer. Mahina siyang kumatok. ''Pasok... '' napakainam ng boses nito. Tila musika sa kanyang pandinig. Pagkapasok ay nakita niya na may mga malalaki at magagarbong kahon na nakapalibot sa silid. Parang anumang oras ay mahuhulog ang kahon na kanyang tangan. Nakatalikod ang Ginoo at huli na para maitago pa niya ang dala. ''Ano yan?'' Tumama ang paningin nito sa kanyang kamay na halos manginig. Napayuko siya at hindi alam ang sasabihin. Hindi na niya namalayan ang paglapit nito dahil lumilipad ang kanyang isip. Dumantay ang mga kamay nito sa kanyang kamay. ''G-Ginoo... '' ''Tumingin ka sa'kin, Nin... '' sobrang kaba ang kanyang nadarama bago nagkalakas-loob na iangat ang ulo. Halos pinigil niyang mapakurap dahil sa lapit ng mukha nito sa kanya. ''Hindi ka na sana nag-abala pa. Ayos naman sakin kahit wala kang anumang regalo. Nabawasan tuloy ang iyong salapi... '' aaminin niya kahit hindi sinadya ay nasaktan siya. Bakit ang iba maaaring magbigay dito ngunit siya hindi? Dahil siya ba ay mababang uri lang? Masyado ba siyang naghangad ng sobra? "D-Damit yan panlamig. Hinabi ko para sa inyo, Ginoo... '' Kung hindi pa siya makakaalis sa puntong yun ay siguradong tutulo na ang kanyang luha. Ngumiti ang Ginoong Eer saka naglabas ng panyo at sabay kinuha mula sa kanya ang kahon. ''Kunin mo to. Mukhang masaya ka talaga sa kaarawan ko, Nin. Salamat sa regalo. Isusuot ko to... " tumalikod na ito dala ang kahon saka naman nalaglag ang kanyang luha. Umiiyak siya dahil hindi nito kailanman nakita ang damdamin niya para rito. At ang panyo hindi kailanman makakapawi sa lahat ng luha na nasa puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD