[SHERRI]
"Anak, gumising ka anong nangyayari sayo?" Kahit anong gawin ko ay hindi ito magising-gising. Dinala na namin ito sa ospital ngunit walang findings ang doctor. Parang nasa state of coma ito. Nanlalambot na napaupo ako sa gilid ng higaan ng aking anak habang maraming nakakabit dito na aparato.
''L-Lumaban ka anak ha, ikaw na lang ang meron si mama. Huwag na huwag mo kong i-iwan... '' pinapakalma naman ako ng aking mga magulang kahit pa hindi pa ganoong bumabalik ang mabuting relasyon naming tatlo sa isa't-isa.
Kawawa naman si Lei. Nangingitim ang ilang parte ng katawan nito na para bang dumaan sa karahasan. Wala man lang akong maisagot sa mga katanungan nina Carlo. Ito kasi ang ninong ni Lei at ang kaibigan ko namang si Jen-jen ang ninang. Gulong-gulo na ako. Pinipilit ko lang magpakatatag ngunit parang susuko na ako. Kapag nawala ang anak ko sa akin nang tuluyan hindi ko na alam kung kaya ko pang mabuhay. - [ROI]
''Diyan ka lang monster Roi!" dahil sugatan pa ako ay wala akong naitutulong kay Lei. Mag-isa itong lumalaban. Ito laban kay Eer at sa iba pa.
'Umalis ka na Lei... ' nais kong sabihin sa kanya ngunit hindi na ako nakakapagsalita. Hindi nila ito maaaring gawin sa anak ko. Kahit wala na akong lakas at laban pipilitin kong ipagtanggol si Lei makabawi man lang sa lahat ng nagawa ko sa aking mag-ina. Kung may natitira mang lakas sa akin handa akong gamitin yun makabalik lang si Lei sa lugar kung saan ito nararapat. Hindi dapat dito na magulo. Inatake na ito ni Eer. Hindi hinahayaan ng aking anak na may makalapit sa akin. Ngunit nakapagpasya na ako. Itinulak ko si Lei at gamit ang kapangyarihan ko ay ibinalot ito sa bilugang ilaw. Panay ang palag nito sa loob. Sa tulong nito ay maaari na siyang makauwi sa mundo ng mga tao at hindi na ito masasaktan ng kalaban. Nanlalaki ang mga mata nito at kita ko ang pagluha. Kahit hindi nito alam na ako ang ama nito ay nasasaktan ito para sakin. Pinatamaan ako ni Eer malapit sa aking puso at naramdaman ko na may tumarak na espada sa aking likod.
"'Monster Rooiiiii!'' Sigaw pa ni Lei at panay ang palahaw.
Unti-unting bumalik ang dati nitong anyo. Ngumiti ako rito kahit duguan ang aking labi at katawan. Makakauwi ka na anak. Ang pinagsisihan ko lang ay hindi ako nakapagpakilalasayo nang may panahon pa. Patawarin mo ang iyong ama. Hanggang sa muli man nating pagkikita. Paalam. "Monster Roiiii hindiiiiii!" Umalingawngaw ang sigaw nito. Masaya ako na sa pagpikit ng mga mata ko nagawa kong mapagmasdan ang bunga ng tunay na pag-ibig na aking nakamtan sa sandali man na panahon ngunit iyon ang pinakamasayang pangyayari sa pagkabuhay ko. Wala akong pinagsisihan na minahal ko si Sherri dahil nakatagpo at nakapiling kita anak.
-16-
[LEI]
Hindi.
Paano mo nagawa sakin to Monster Roi.
Gusto lang naman kitang tulungan alam mo ba yun?
Napakabuti mong kaibigan para sa akin.
Pakiramdam ko, nagkaroon din ako ng ama kahit sandali.
Pero bakit ito ang iyong ginawa?
Kung saan man ako mapadpad ngayon, tingin mo ba hindi ako malulungkot?
Tingin mo ba balewala ka sa akin?
Monster Roi ayaw kitang iwanan sa ganyan na kalagayan. Nag-iisa ka lang at marami ang kalaban.
Ayaw kong mamatay ka.
Ayokong mawalan ng kaibigan, ama at kapatid kasi lahat yun nagampanan mo sa akin.
Masasaktan si mama kapag nalaman niyang napahamak ang kanyang kaibigan.
[SHERRI]
INIIN-JECTIONAN ng pampakalma si Lei dahil bigla na lang itong nagdeliryo.
Panay ang tawag nito kay Roi.
Naitanong ko tuloy sa aking sarili kung balak ba nitong kunin sa akin ang aming anak.
Naaawa ako kay Lei. Nakikita ko ang kanyang paghihirap.
Lagi kong ipinagdarasal na magising na nang tuluyan ang aking anak. Yun lang naman ang hiling ko.
Na huwag hayaan ng Diyos na may mangyaring masama sa anak ko.
Siya na lang ang natitira sa akin.
Siya na lang ang nag-iisang ala-ala namin ni Roi.
[ROI]
MAAARI na akong mamatay ngayon dahil nailigtas ko na ang aking anak.
Hindi na ako makalaban pa.
Nagbabadya na namang magpatama si Eer. Ito na ang aking katapusan.
''HAAAAAAAARKKKKK!'' Ang ilaw na bumabalot sa aking anak ay unti-unting lumaki at bumibiyak.
Halos mabingi ang lahat sa sigaw na nanggagaling doon.
Lumakas din ang hangin at kumikidlat sa labas.
''Ano pang hinihintay ninyo? Tapusin na abg taksil na Roi na yan!" Pinatamaan ako ni Eer na gustung-gusto talaga akong patayin. Marami pang espada ang humimlay sa aking katawan bago ako tuluyang bumagsak.
Sa huling pagkakataon ay ninais kong sulyapan si Lei. Nakapikit ito sa loob ng bola ng liwanag. Napaawang ang aking mga labi nang makita ang pagpapalit anyo nito. Tinubuan ito ng itim na pakpak at sungay sa gitna ng noo.
Iminulat nito ang mga mata at nagtama ang aming paningin.
Gumuhit sa mga labi nito ang salitang 'ama'.
Hindi ko napigilan ang mapaluha.
Lei, paano mo nalaman na ako ang matagal mo nang hinihintay?