LEI

606 Words
Sherri ... Sa tingin mo ba tama na magpakamatay ka dahil lang sakin? Ang totoo'y nasa labas ako ng simbahan. Pinagmamasdan ko ang mga nagaganap. Kung nasasaktan ka ngayon, nasasaktan din ako dahil wala akong magawa. Ni ang hiling mo na magpakita ako sayo ay hindi ko maibibigay. Nais kong pahirin ang iyong mga luha. Nais kong humingi nang tawad. Dahil... kapag nagpakita ako sayo sa ganitong hitsura at kalagayan, lalayuan mo lang ako at lilimutin. Kaya tama lang ang ganito. Kahit hindi na kita maaaring ariin. Hindi na kita maaaring mahagkan at mayakap. Masaya pa rin ako na napagmamasdan kita kahit na hindi na ako ang nasa tabi mo. Hiling ko lang na mabuhay kang mapayapa, masaya at matutong magmahal ulit. Alagaan mo ang iyong sarili at ang magiging anak natin. Nakini-kinita ko na namana nito ang aking mga mata. Sana lang, sa tuwing tumitingin ka rito'y maalala mo na may isang Roi na mananatiling magmamahal sayo. Paalam, mahal ko. - Isang taon... Dalawa... Apat... Anim... Sampung taon. Nandito pa rin ang sakit sa puso ko. Ngunit kahit papaano nakakalimutan ko ang hapdi sa tuwing nakikita ko ang anak natin. Si Lei. Gwapo siyang bata. Sa tuwing ngumingiti ito, hindi maipagkakaila na mag-ama kayo. Masyado din itong maputi at chinito ang kulay asul na mga mata. Hindi ka na ba talaga babalik Roi? Hinihintay pa rin kita. Hihintayin pa rin. Hindi ako mapapagod. Ganun ang pagmamahal. Alam mo, hinahanap ka ni Lei sa akin. Sinabi kong magtatagpo rin kayo sa susunod. Pasensiya na kung nagsisinungaling ako sa anak natin. "Mommy, alam mo ba, lagi akong nananaginip ng monster pero mabait naman siya sa akin. Kilala ka rin niya mommy!" Natigil ang aking pagluluto isang umaga dahil sa sinabi ni Lei. Lumapit ako sa tabi nito at sinubukang magtanong. "A-anak, anong pangalan ng monster na yun?" Napakamot ito ng ulo at bahagyang nag-isip. Pinitik nito ang mga daliri na parang may naaalala. "Roi mommy. Roi ang pangalan niya... " -9- Bakit kailangan kong malayo sa inyo ng anak natin? Bakit hindi ko kayang magpakilala kay Lei... na ako ang ama niya. Natatakot ako Sherri na hindi mo matatanggap ang bagong ako. Na hindi ako makakayang tanggapin ng anak natin. Ang ama niya ay isang halimaw. Isinusuka ng sariling kaharian at mga kauri dahil lang sa nagmahal ako ng tao. Kung tutuusin, sa dati mong buhay, ikaw naman si Maaryaa e. Iisa ang mundo na ating ginagalawan. Alam mo kung gaano ako naiinggit kay Carlo? Maaari ka niyang dalawin. Malaya mo siyang nakikita. Samantalang ako ay hindi na. Hindi na kailanman. Bilang na rin ang panahon ko. Alam mo ba ilang taon na ako ngayon Sherri? Matanda na ako at mas tatanda pa sa lilipas na araw. Hindi na ako bagay sayo. Bakit nga ba hindi ka nagpakasal kay Carlo. Dapat sa ngayon, kinakamuhian mo na ako at tinatalikuran tulad ng mga kasamahan ko rito. Sabi nga nila, hindi na ako ang nararapat mamuno sa kaharian dahil malapit na ang hangganan ko. Sumasaya na lang ako sa tuwing may pagkakataon na naliligaw ang kaluluwa ng anak natin sa lugar namin. At gaya mo ay naging kaibigan niya ako. Alam mo bang niyakap ko siya nang mahigpit isang beses nun. Ang sarap sa pakiramdam parang nayayakap na rin kita. Parang kaya ko pang mabuhay nang matagal. Parang may pag-asa pang mabuo pa tayo kahit ang totoo'y wala na. Sana'y ang mga hindi ko nagawa ay magawa ni Lei sa'yo. Ang protektahan ka. Babaunin ko ang pagmamahal mo. Salamat at kahit paano nakatagpo kita at nakasama ko ang anak natin. Mahal na mahal ko kayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD