MGA ALA-ALA

1136 Words
Masaya ako na nahawakan kita Sherri. Ikaw at ikaw lang ang tangi kong hinihiling. Matindi ang pinagdaanan ko makarating lang sa mundo ninyo. Kahit na limitado na ang aking buhay at kahit kapalit nang lahat ng pagkakaparito ko ay pagkabura ng iyong ala-ala ay magiging masaya na ako kahit masakit. Iisipin ko na lang na minsan mo akong minahal. Burado man ako sa iyong puso ngayon sa damdamin ko lahat ng patungkol sayo ay hindi na mawawala pa. Matulog ka lang, Sherri. Hayaan mong mayakap kita sa huling pagkakataon. Ikaw ang aking pinakamamahal. Kahit na tahakin mo ang daan patungo sa bisig ng iba at labis ko itong ikadudurog. Tandaan mo lang na kahit kailan hindi kita makakalimutan. Maging masaya ka. Maaari ba kitang hagkan sa huling pagkakataon? - Nakatulog yata ako. Pagkamulat ng mga mata ko ay nakita ko kung gaano kalapit ang mukha ng estranghero sa akin. At ang mga mga mata nito ay direktang nakatingin sa akin. May mga patak ng luha ang bawat gilid ng pisngi nito. Bumaba ang paningin nito sa nakaawang kong mga labi. Nais ko itong pigilan sa ninanais nitong gawin subalit parang hindi ako makagalaw. At ang mga mata ko ay nagkukusang pumikit. Napakabilis ng t***k ng aking puso. Hinalikan nito ang aking labi! Napakapangahas! Sa halik nito'y nalalasahan ko ang alat na nagmumula sa mga luha nito. Bakit ba ito umiiyak? Ako nga dapat ang umiyak e dahil sa pinaggagawa nito! - Sherri. . . Kahit na imposible sana ay maalala mo ako kahit isang segundo lang. Yun lang ang huli kong hiling at magiging payapa na ako. Ang halik na ito ay sayo ko lang iniaalay mahal ko. - Habang nakapikit ako'y parang may dumaan na ala-ala sa akin. Karga-karga ako ng isang lalaki. Nakangiti ako rito ngunit ito ay nakasimangot ngunit maamo pa rin ang mukha. Nahuli nito ang pagtitig ko rito kaya naman nahiya ako at napayuko na lang. At iba pang mga ala-ala... Naguguluhan ako. Ang lalaking iyon ay ang estranghero na ito! Naramdaman ko na lumuluwag ang pagkakayakap ng lalaki sa akin. Iminulat ko ang mga mata at nasilayan ang unti-unti nitong paglalaho. Ang mga mata nito. At ang mga labi na nagbigkas ng mga katagang mahal na mahal kita. Sa isang iglap ay naglaho ito at naiwan ako sa silid na yun. Pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko at naramdaman ko na lang ang pagdaloy ng mga luha sa aking pisngi. Nanginginig ang aking mga labi. Parang pinipiga ang aking puso. ''R-Roi..." Bakit nakalimutan kita? Patawarin mo ko. -7- Sherri, sana naiparating ko kahit papaano ang pagmamahal ko sayo. Maaaring mawala ako ngunit sisikapin kong balikan ka. Sisikapin ko. Nung unang beses pa lang na nasilayan kita alam ko sa kalooban ko na magiging mahalaga ka sa akin. Salamat at naramdaman kong minahal mo ako. Maraming-maraming salamat. - Masisisi ba nila ako kung ako lang yata ang pinakamalungkot na bride ngayon? Kung hindi ko mapigil ang aking mga luha... Ang taong ninanais kong matanaw habang papalapit sa altar ay si Roi. Subalit kahit bagalan ko man ang paglalakad, alam ko na hindi siya darating. Tuluyan na niya akong ipinaubaya sa iba. Roi, ito ba ang gusto mo? Sa tingin mo kaya kong mabuhay na masaya sa piling ng taong hindi ko mahal? Hindi ko kaya. Hindi ko makakaya. Ang sakit-sakit. Umaasa pa rin ako na darating ka at ilalayo ako rito. Kung mahal mo ko hindi mo gagawin sakin to. Pupuntahan mo ako at patatahanin kahit anong mangyari. Malungkot na tiningnan ko ang kamay ni Carlo. Kapag inabot ko yun, ibig sabihin ay pipilitin kong magmahal ng iba kahit na masasaktan ako at makakasakit din. Roi, dumating ka... Maawa ka sa akin. Nang aabutin ko na ang kamay ni Carlo ay biglang parang gusto kong maduwal. Hindi ko mapigilang magsuka sa harap ng nakararami. Agad akong nilapitan ni Carlo at mahina akong tinanong kung buntis ba ako. Oo Roi. Nakausap ko yung albularyo at sinabi nito na nagdadalang-tao ako sa magiging anak natin. Roi, kaya mo bang pabayaan kami? Hindi ba mas masaya kung tayong tatlo ang magkakasama? Mahal na mahal kita. Huwag mo kong saktan ulit sa pangatlong beses. Alam ko na na ako si Maaryaa at si Eer ang pumatay sa akin. Bakit inako mo ang kasalanan na hindi mo ginawa? Dahilan upang mawala sayo ang kapangyarihang mabuhay habampanahun... Si Eer dapat ang nagdudusa, hindi tayo. Hindi ang pag-iibigan natin. Kahit yata may alam si Carlo sa nangyayari sa akin, wala itong pakialam basta lang matuloy ang kasal. At ang pamilya ko, walang pakialam sa aking nararamdaman. Hindi ko kayang umo-o sa kasal na to kaya naman... Humingi ako ng tawad sa lahat ng naroon at tumakbo palabas kahit na nahihirapan ako. Hahanapin kita kahit saan ka man naroon. Kahit mapagod ako kakayanin ko. Kasi kung wala ka, parang wala na ring patutunguhan ang pananatili ko sa mundo. Magpakita ka sa akin, Roi... Hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. Sabi mo dati kapag umiiyak ako ikaw at ikaw ang papahid ng mga luha ko. Nasaan ka ngayon? Nangako ka sakin. Isama mo na ako dahil ikaw at ikaw lang ang pakakamahalin ko wala nang iba pa. "Roi!" kahit mapaos ako kakatawag sa pangalan mo gagawin ko, magpakita ka lang sa akin. Kailangan kita. Kahit ipagtabuyan mo ako nang makailang ulit patuloy pa rin akong kakapit sayo kahit sobra na akong nasasaktan. Roi... Ito lang ang tanging paraan para magkasama na tayo. Habang lumuluha'y nagpasya akong magpasagasa sa paparating na bus. Nang sa ganun, hindi na ako magising pa at makakasama kita sa panaginip ko. Ipinikit ko ang mga mata at inihakbang ang nagsusugat kong mga paa. Wala na itong sapin. Makakasama na kita. Hintayin mo ko, mahal ko... "S-Sherri!" mabilis na nahila ako ni Carlo at sabay kaming natumba sa isang tabi. "Putangina naman! Kung magpapakamatay kayo wag kayo mandamay ng ibang tao!" Sigaw nung driver ng bus bago paharurot na pinaandar iyon. Manhid na yata ako. Itong mga sugat ko, hindi ko na maramdaman. Galit ako sayo, Carlo! Sana hinayaan mo na lang ako. Kahit ipagpilitan mo pa! Kahit maging mabait ka pa sa akin hindi kita makakayang mahalin. "S-Sherri naman! Ano bang nangyayari sayo?" mangiyak-ngiyak na kinarga ako ni Carlo. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin, bakit hindi ikaw ang kasama ko ngayon? Bakit madali para sayo na iwan ako? Kahit sabihin mo sa akin Roi na kasinungalingan ang lahat ng pagmamahal mo sa akin hindi ko pa rin yun paniniwalaan dahil alam kong mahal mo ko at hindi mo ako kayang isuko na lang nang basta. Kahit tumanda man ako. Hihintayin pa rin kita hanggang sa huli kong hininga. Maghihintay ako gaano man katagal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD