CHAPTER 4

1278 Words
"Salamat sir, pero wag naman natin pabayaan ang ilang mga DJs' kasi first of all, ako naman po ang nag volunteer na magduty sa kanilang mga programa! At tsaka ngayon lang naman ito nangyari. Sana lang ay hindi ako mapaos bukas para makapasok pa rin ako!" Kinabukasan ay nakapasok na ang ibang mga DJs's sa kanilang mga programa ata agad silang ipinatawag sa conference room at ginisa sila ni Larry ng todo. "Mabuti naman at nakapasok kayong tatlong! Akala ko nagko-contest kayo kung sino ang may pinakamahabang tulog eh!" "Sorry sir, hindi po talaga tumunog ang alarm ko kahapon ng umaga kaya hindi po ako nagising!" Pagpapaumanhin ni DJ Bell. "Sus, dahilan mo DJ Bell. Hindi ka na bata no! Paano pala kung walang alarm clock na naimbento? Baka tuluyan ka ng hindi magising jan!" Saad ni Larry. "Pasensyas na po sir malakas lang talaga ang tama ko kahapon dulot ng alak! Kung may time machine lang talagang naimbento papasok po talaga ako!" Pagbibiro ni Midnight DJ na halos kabisado na ang ugali ni Larry. "Che! Isa ka pa jan, akala mo naman totoo! Kawawa si DJ Aira sa inyo dahil paos siya kakasalita kahapon, pasalamatan niyo naman siya!" Sumingit si DJ Aira, "hindi na po boss Larry! Wala naman problema sa akin kung umabsent silang tatlo kahapon. At the end of the day, iisa lang naman ang ating istasyon na pinagtatrabahuhan. Ano ba naman yung isang araw na sakripisyo ko para sa ating lahat! As long as bayad ako, okay lang!" Lubos naman ang pagpapasalamat ni DJ Lagim dahil sa ginawa ni DJ Aira, siya kasi ang mayroong pinakamahabang programa sa lahat. Mula 9 am hanggang 2 pm ang kanyang duty. "Salamat DJ Aira, hayaan mo babawi talaga ako sayo sa susunod-" Pinutol naman ni Larry ang pag-uusap nila. "Saglit lang, ako muna ang magsasalita! Refresher muna tayo bilang interesado akong ibangon ang kumpanya natin! Lahat ng papasok na kita mula sa ating mga advertisement ay ia-allocate muna natin para makabili tayo ng camera at iba pang kakailanganin natin para makasabay pa rin tayo sa uso. Subalit hindi pa rin magbabago ang oras ng inyong mga programa kasi baka mas lalong bumaba ang ating income. Remember na mayroon kayong mga solid fans at hindi nila gugustuhin na makinig kapag iba ang DJs!" "Basta exempted ako jan sa mga pagbabago, sir Larry ha!" Saad ni DJ Aira. "Oo naman, hindi ba't nag-usap na rin tayong dalawa tungkol dito!" "Yes, thank you sir Larry, ang bait bait mo talaga!" "Oh siya, bago ko makalimutan, alam niyo bang nagkaroon ng caller si DJ Aira kagabi na mayroong alias na Mr. Stranger? Isa raw siyang millennial at gusto niyang makipag date kay Aira! Eh alam niyo naman yang si Aira, ni minsan sa buhay niya hindi nakipagdate sa kahit na sino at matindi pa ang galit niyan sa mga milleninals at himalang nagtrend siya kagabi!" "Really? Congrats naman sayo DJ Aira! Grabe sa tinagal tagal namin dito hindi namin yan naranasan eh!" Sabi ni DJ Bell. "Well, first of all wala akong interes doon sa Mr. Stranger na yan dahil prank call lang naman ang ginawa niya! Halata naman na may saltik ang mokong na yun. Sabihin ba naman sa radyo na gusto raw niya akong i-date para mapatunayan na taliwas ang ugali ng mga millennials sa mga palagi kong sinasabi sa radyo!" "Sayang naman, kung nagtrend ka sa social media dahil jan sa lalaki na yan, baka yan ang maging susi para maging sikat ulit ang ating istasyon!" Sabi ni DJ Lagim. "Oo nga DJ Aira, marami kang matutulungan pag nagkataon, isipin mo nalang kung makita ng mga investors na masigla ulit ang istasyon natin tapos pag naging trip niyo ang isa't isa ni Mr. Stranger magkakaroon ka na ng love life!" Sabi ni Midnight DJ. "Oh siya tama na yan, wag niyo nang pilitin si Aira at baka mag walk out nanaman yan," sabi ni Larry. "So mayroon pa ba tayong ibang concern?" tanong niya sa mga DJs. Nagkaroon ng katahimikan sa loob ng conference room hudyat na wala na silang iba pang mga katanungan. Ilang oras makalipas ang kanilang meeting, nagduty na si Aira at sa pangalawang pagkakataon, nakausap na naman niya ulit si Mr. Stranger. "Ikaw na naman? Akala ko kinuha ka na ng liwanag bata ka!?" Galit na sabi niya rito. "Hindi na po ako bata, sadyang talented lang po ako pagdating sa pag iba iba ng boses! Bumili pa nga po ako ng bagong sim card para lang makausap ko po kayo kaya dapat pinasasalamatan mo ako DJ Aira." "Hoy, ano ka hello? Bakit naman ako magpapasalamat sayo? Pwedeng pwede ka lumipat ng ibang istasyon dahil hindi ka naging kawalan sa aking programa!" Nakita ni Larry kung paano nagtrend sa social media ang pag-aaway nila Mr. Stranger at Aira. Tumawag bigla ang mga iba't ibang mga kumpanya upang mag invest muli sa kanila. Sa kabilang banda naman ay nagbabangayan pa rin sila DJ Aira at Mr. Stranger. "Kaya ayaw ko sa mga millennials dahil sa ganyang ugali ninyo! Mabuti pa talaga noong araw kasi magagalang at masusunurin ang mga kabataan kaya si Rizal ay sobrang proud!" "Hindi na nga po ako teenager, tumawag po ako sa inyo para yayain kayo sa isang date at ligawan!" Nang tanungin ito ni Mr. Stranger ay mas lalong tumaas ang ratings ng kanilang programa. Napatitig naman si DJ Aira kay Larry na dahil nagulat ito sa kanyang narinig mula kay Mr. Stranger. Tumungo si Larry at itinaas ang kanyang hinlalaki, senyales na dapat pumayag si DJ Aira sa gusto ng binata. Tinext rin niya si Aira at nakiusap na sakyang lamang ang gusto ng binata dahil may mga investors sila na magbabalik loob sa kanilang company. Wala nang nagawa pa si Aira kung hindi ang pumayag sa gusto mangyari ni Mr. Stranger, halata sa tono ng kanyang pananalita na wala itong ganang makipag date sa kanyang caller. "Oh siya, Mr. Stranger kung gusto mo talaga makipag date sa akin, papayag ako! Pero hindi ito isang prank kasi sa oras na malaman kong pinagtitripan mom lang ako, mayroon ka talagang kalalagyan sakin! Maraming listeners ang natuwa dahil sa pagpayag ni DJ Aira. Lahat ng kanyang tagapakinig ay naging excited dahil finally, magkakaroon na raw siya ng lalaking iibigin. Maluha-luha naman si Mr. Stranger ng pumayag si Aira sa kanyang alok, "Maraming maraming salamat po sa inyo, DJ Aira. Pangako ko na hindi niyo po pagsisisihan na pumayag kayo sa ating date. Wag po kayong mag-alala kasi hindi ko po ugaling mangloko ng tao at intensyon ko na ibigin kayo para mapatunayan na may magandang pag uugali pa rin kaming mga millennials. So kailan po ang date natin?" "Hindi ko pa alam, pero nasasayo kung kailan mo gusto!" Malumanay na sabi ni DJ Aira. "Ah sige po kahit mga bukas po or sa susunod na araw!" "Busy ako bukas at sa susunod na araw!" "Eh sa susunod na susunod na araw!" "Busy rin ako!" Sinenyasahan na naman ni Aira si Aira at tinext pa siya nito na pumayag na lamang sa sasabihin ng binata dahil marami ang nakatutok sa kanyang programa. "Oh sige iho, bukas na bukas din ay makikipag date ako sayo! Makipag cooperate ka nalang sa producer namin. Natitiyak kong magkakasundo kayong dalawa!" Galit na sabi ni DJ Aira sabay baba sa telepono. Nang matapos ang duty ni Aira ay agad siyang naka receive ng maraming mensahe sa social media na ipinarating sa kanya ni Larry. "Aira, marami ang natutuwa sa ginawa mo! Mukhang ikaw yata ang magiging daan sa pagbangon ng kumpanya natin!" "Kahit pa! Galit pa rin ako sa social media at mas lalong ayaw kong makipagdate!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD