Chapter 15.2 "Upo ka, mangangawit ka dyan" sabi ko at tinuro ang space sa tabi ko. Umupo naman siya at tinignan ang ginagawa ko. "Para saan yan?" tanong ulit nito Itinaas ko ang mga nagawa kong papel na bulaklak at itinapat sa kanya. Binigyan ko siya ng isang magandang ngiti "Bigay mo kay Kim. Wala tayong dala eh, baka magtampo yun" Hinawakan ko ang kamay niya para ibigay ang mga gawa ko. Ngumiti naman siya nang tinanggap ito at pumuntang muli sa puntod ni Kim. Hindi ko alam kung anong emosyon ang mararamdaman ko. Natutuwa ako na kaswal kami ngayon ni Mark habang nandito pero hindi ko alam kung hanggang ngayon ba'y ako pa din ang nakikita niyang dahilan sa pagkawala ni Kim. Imbes na mag isip ng kung ano ay nagsimula na lang akong mag drawing. Habang nag d drawing ako ay naa

