Chapter 15.3 Nagtama ang mga mata namin. Natigilan ako nang mapagmasdan ang hazel brown niyang mata. Napakaganda nito. Kinuha niya ang dala niyang panyo at pinunasan ang pisngi at ang gilid ng mga labi ko. Nakangiti siya habang ginagawa niya yun kaya naman napangiti na rin ako. "Architect ka na pero ang kalat mo pa din kumain" reklamo nito matapos linisan ang mukha ko. "Sabihin mo OC ka lang" pang aasar ko dito habang nililigpit ang pinagkainan namin. "Ako na dyan tapusin mo na ang ginagawa mo" at inabot niya sa akin ang papel at lapis ko "Hindi ako tatanggi dyan" at masaya kong tinaggap ang mga gamit ko. Nagpatuloy ako sa pagguhit ko habang si Mark naman ay tahimik sa tabi ko habang nagce cellphone. Malapit na akong matapos nang maramdaman ko ang ulo ni Mark sa balikat ko. N

