Chapter 16.1 Naramdaman kong may marahang sumusuklay sa mga buhok ko. Nang nagdilat ako ay ang gwapong mukha ni Mark ang bumungad sa akin. Nakayuko siya sa akin habang nakatingin ng diretso sa akin. Nakatulog na din pala ako Ngumiti sa akin si Mark habang patuloy na sinusuklay ang buhok ko. Nakahiga ako ngayon at ginagawang unan ang mga binti ni Mark siguro'y inilipat niya ako dito para maging kumportable. "I was about to wake you up kaso di ko alam paano ka gigisingin" napakamot pa siya sa ulo habang sinasabi yun. Lihim akong napangiti dahil ang cute niya sa reaksyon niya. Mula sa pagkakahiga ay umupo ako sa tabi niya. Napatingin agad ako sa kalangitan. Hindi ko mapigilang magpakawala ng malaking ngiti "Ang ganda" mangha kong sabi na ang tinutukoy ay ang langit na puno ng bituin

