Chapter 21.1 After lunch natapos sila Mark sa meeting niya with James. Nang makita kong papunta siya sa table ko ay mabilis kong inayos ang mga dadalhin ko sa office. "Ready?" tanong niya nang makalapit sa akin "Yep" at ipinakita ang mga dadalhin ko. Kinuha niya sa akin ang mga nakarolyong papel at binuhat yun sa isang kamay niya habang inabot ng kamay niyang walang hawak ang aking kamay para hawakan. Narinig ko ang pagsinghap ni Ella sa tabi ko kaya nilingon ko siya. Ang laki laki ng ngiti niya habang inaasar ako. Inirapan ko siya dahilan para tawanan ako. Hinila ako ni Mark palabas sa office at alam kong nakasunod lahat ng mata sa amin kaya naman di ko na sila binalingan ng tingin. Hindi na niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa sasakyan. Tahimik ako sa sa

