Chapter 20.2 Mark: Good morning. Eat your breakfast. Can't fetch you this morning but I'll see you in the office. Awtomatiko ang pag angat ng aking labi dahil sa nabasa ko. Ibang saya ang nararamdaman ko hanggang sa makapasok ako sa office. "Ngiting ngiti ah" puna ni Ella "Maganda lang gising" nakangiti kong sabi. Hinanap agad nang mata ko si Mark kaso hindi ko siya matanaw. Kaya nagsimula na lang akong magtrabaho. Malapit na kasi kaming magsimula sa pag aayos ng beach resort niya. Mamaya ay pupunta kami kay Boss para ifinalize ang details ng lahat. Tumayo ako para pumunta sa pantry at magtimpla ng kape nang may makasalubong na isang lalaki. "Arisse?" gulat na tanong nito sa akin Napatitig ako sa kanya dahil mukhang magkakilala kami. "James?" pagkakilala ko sa kanya "Long ti

