Chapter 20.1 6pm na nang makabalik kami sa office. Tahimik kaming dalawa at walang nagsasalita matapos ang tagpong iyon sa park. Maraming tanong ang gumugulo sa isipan ko kaso wala naman akong lakas para itanong yun sa kanya. Pagpasok sa office ay nakita kong nandun pa ang mga kasamahan namin. Sabay sabay na napalingon sa amin ang mga nasa loob. "Get your things. I'll take you home" utos nito bago dumiretso sa office niya. Tumungo ako sa table ko at mabilis na lumapit sa akin si Ella. Hinampas niya ang braso ko. "Gaga ka san ka ba galing?" "Huh?" "First time kong makitang galit na galit si sir Mark! Pabalik balik siya sa CCTV room para hanapin ka, hindi niya kami pinauwi dahil di ka pa nahahanap. Kung di ka bumalik malamang kami na ang inutusan nung maghanap sayo. My gosh, Aris

