Kabanata 1
"Kawahara, wala ka na bang nakalimutan?" tanong sa akin ni Teacher Hiro habang pinapanood akong maglagay ng wraps sa mga kamay, braso, binti, at wrist ko.
Nandito kami ngayon sa dressing room kasama ang buong section namin dahil gaganapin na mamaya ang pinaka-hihintay ng bawat isa sa klase. Ang maging isang ganap na ninja!
Yes, graduation na namin mamaya. Pero bago iyon, may isang friendly battle muna ang magaganap sa pagitan ng mga top students mula sa iba't ibang section. Naging tradisyon na ito sa academia, at ang mananalo rito ay ang makakakuha sa titulong Ace of the Uzumaki na katumbas ng Summa c*m Laude sa mga ordinaryong paaralan. Imbes na medalyon, isang singsing ang ibinibigay sa tataguriang Ace.
"Wala na siguro, Teacher," sagot ko rito nang sa wakas ay matapos ako. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala kaya naman napatawa ako. "Hindi ka ba naniniwalang mananalo ako, Teacher?"
Umiling ito. "Hindi lang ako makapaniwala na sa wakas, magiging ganap na ninja na kayo." Bumuntong-hininga ito at sinulyapan ang kanyang suot na relo. If I know, nalulungkot lang din ito dahil mawawalay na kami sa kanya once na binigyan kami ng mga misyon. However, mukhang mas malulungkot siya sa balitang balak kong sabihin sa kanya mamaya. "I have to go. Sampung minuto na lang at magsisimula na. Don't forget to tie your hair, Akira."
Bago umalis si Teacher Hiro, hinagisan niya pa ako ng ponytail. Hindi kasi pupwede sa battleground ang nakalugay ang buhok. I don't know, pero kasama iyon sa rules.
I smirked. "Huwag kang nerbyusin, Teacher. I'll do my best!" pahabol ko rito na nginitian lamang niya.
Teacher Hiro is our class adviser. Siya na ang tumayong pangalawang magulang ng buong klase kaya naman talagang napamahal na kami sa kanya. Lalo na ang mga tulad ko who are longing for the love, care, and presence of our parents—late parents.
Humarap ako sa full-length mirror at pinagmasdan ang repleksyon ko. I saw a glint of sadness and loneliness in my eyes habang unti-unting nabubura ang ngiti sa labi ko. Hindi ko man ipakita iyon sa iba at kay Teacher Hiro, but I can never fool myself. Hindi ako masaya.
I just pulled my hair into a messy bun dahil tinatamad na akong mag-ayos. I frowned nang makitang na-expose ang isang tattoo sa side ng leeg ko. Death. Kinikilabutan ako sa tuwing nababasa ko ito. Hindi ko alam kung bakit may tattoo ako roon. Napansin ko lang na mayroon ako no'n nang sampung taong gulang na ako. Wala akong ideya kung kailan inilagay ito sa akin.
"Boo!" Halos mapasigaw ako dahil sa malakas na sigaw ng lalaki sa likuran ko. Tiningnan ko nang masama ang pinanggalingan ng boses na gumulat sa akin, ang siraulong si Tobi! Tawa pa ito nang tawa. Bwisit. "Hanap ka na ni Teacher Hiro. Magsisimula na raw ang Battle of the Ace."
I rolled my eyes. "Papansin ka talaga, Tobi." Ibinalik ko ang tingin ko sa repleksyon ko sa salamin. Hindi naman siguro mapapansin yung tattoo. Tinakpan ko na lamang ng ilang hibla ng buhok ko ang tato.
"Bakit ba ang tagal mo? Kahit hindi ka naman mag-ayos, maganda ka na, eh," nakangising wika nito sa akin na sinimangutan ko lang. Diyan siya magaling talaga, mang-asar!
Chineck ko muna ang wraps ko kung tama lang ang pagkakalagay bago ko nilingon si Tobi. Napataas ang kilay ko nang paglingon ko, nakita kong nakatitig ito sa leeg ko.
"What?" iritable kong tanong dito. Tila bumalik ito sa sarili at umiling-iling. He saw it. The tattoo.
"Tara na, mabuti pa," sabi nito at inakbayan ako. Magrereklamo pa sana ako pero kinaladkad na ako nito palabas ng dressing room.
Matapos ang ilang seremonyas, sa wakas ay magsisimula na ang Battle of the Ace. Inikot ko ang paningin ko sa buong arena. Halos nandito na ang lahat. Ang apat na section sa lower years, ang mga guro, ang mga kaklase ko at ibang section, ang mga magulang, at syempre, hindi mawawala ang School Directress.
Isa-isa nang tinawag ang mga maglalaban. Apat na katao sa isang battle para minsanan na at hindi mainip ang mga manonood.
"Tobi Hayate," pagtawag ng nagsasalita sa harapan sa unang manlalaro. Napatingin ako kay Tobi na nasa tabi ko lang. Tumayo na ito at kinindatan ako bago tuluyang magtungo sa battleground. "Henz Mitobe, Alisson Ayui," dagdag pa ng host. Tapos ay nagtinginan ang lahat sa akin. "...and Akira Kawahara!"
Pumwesto na kaming apat sa battleground. Matatalim ang binibigay na tingin sa akin ng aking mga kalaban, maliban na lang siguro kay Tobi na pangiti-ngiti pa. Siraulo talaga ang isang yun.
Pumagitna ang mediator sa aming apat. Ilang segundo ang hinintay nito bago sumigaw ng "Fight!"
Nagtinginan kami ni Tobi. Biruin mo nga naman, makakalaban ko pa pala rito sa battleground ang kaisa-isang taong kumakausap sa akin.
I smirked at him, ganoon din naman ito sa akin, at hinarap na namin ang dalawa pa. Mitobe and Ayui, huh? Ilang minuto na ang nakalipas nang umalis ang mediator pero ni isa sa amin ay hindi pa gumagawa ng move.
"Let's do this, Akira," sambit ni Tobi. Rinig ko rin ang pagkuha nito ng kanyang punyal sa equipment bag niya. Isang tango ang itinugon ko rito, at akmang kukuha na ako ng kunai nang...
"Tangina!" naibulalas ko, lalo na nang makita kong susugod na sa akin si Henz Mitobe. Nakalimutan ko yung equipment bag ko!
"Ano'ng problema, Akira?" ngising-ngising tanong ni Henz habang humahakbang papalapit sa akin. Huminto ito ilang metro ang layo sa akin. Ako naman ay pinapakiramdaman ang magiging atake niya sa akin. "Wala kang dalang armas? O naduduwag ka lang?"
Pakyu! Tuwang-tuwa porke malaki ang advantage sa akin. Hindi ko pinahalata sa kanya na nairita ako sa sinabi niya. Instead, ngumiti ako sa kanya, ngiting pang-asar.
"Naisip ko lang, I am able to take the three of you down nga with just my bare hands, paano pa kaya kung dinala ko pa equipment bag ko?" Masama ako nitong tiningnan na tinawanan ko lang. Yes, ginagamit kong weapon ang demonyo kong dila ngayon. I am trying to provoke him. In that case, I'll be able to predict his moves. Kapag kasi galit ang isang tao, mas padalos-dalos ang mga galaw nito. Humakbang ako papalapit dito, torturing him with my confident smile. "You will be smited into smithens."