Bago pa ipangalandakan ni Niklaus ang tungkol sa akin, kaagad akong lumingon kay Lola Kris at saka siya nginitian nang malapad.
"Lola Kris, mukhang kailangan ko silang tulungan na maghanda ng ipapamigay nila sa mga kapit-bahay," pagsisinungaling ko sa kanya at saka ako patakbong lumabas ng aking tarangkahan. Gustong-gusto kong magdabog ngunit kailangan ko munang sarilinin iyon.
"Gano'n ba? Tulungan ko na kayo—" Pinutol ko kaagad ang sasabihin ni Lola Kris.
"Magpahinga ka lang diyan, Lola. Ako na ang bahala," muli kong sabi at saka lumingon sa kabilang bakod. "'Di ba? Kaya na natin, 'di ba?" tanong ko sa apat na mukhang naintindihan ang ginawa kong pagsisinungaling, except kay Aero na hindi ako kilala.
Tumango ang tatlo nang sabay-sabay. "Opo, Lola. Maghahanda lang kami," nakangiting sambit ni Tobi at saka niya ako tiningnan. Sa mga tingin niya e para siyang maiiyak na hindi ko mawari. Kung alam ko lang ay kanina pa niya ako gustong lapitan upang daldalan because that's just how he was.
Tumayo ako sa harapan ng tarangkahan nila na hanggang dibdib ko lamang. Pinanlakihan ko sila ng mata bago ko binuksan nang sapilitan ang gate. Lumingon pa muli kami kay Lola Kris na nakatingin pa rin sa amin at saka siya nginitian bago nagpaalam na papasok na.
Nanguna talaga akong pumasok sa loob ng tinutuluyan nilang bahay. Sa lakas ng pagkakabukas ko sa pinto ay tumama pa ang likod niyon sa pader na nagsagawa ng ingay.
Pagpasok ko sa loob, malinis naman ang tinutuluyan nila kahit na maliit iyon para sa limang tao. May sofa at tv sa sala, sa tapat niyon ay ang maliit na kusina. Sa kanang parte naman niyon ay ang banyo. May dalawang silid sa tabi niyon at nang silipin ko ay mayroon naman palang extra foam na pupwede nilang ilatag sa sahig.
Habang iniikot ko ang makipot na bahay, nakabuntot lang sa akin ang apat at kapwa mga hindi nagsasalita. Pagkatapos no'n ay nagtungo na muli ako sa sala at umupo sa pahabang sofa.
Tiningnan ko ang tatlo nang masama. "So you are here for a mission?" tanong ko sa kanila.
Ngunit imbes na sumagot sila, si Aero ang sumingit. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang ang hintuturo niyang nakaturo sa akin.
"How did you know that?" hindi makapaniwala niyang tanong na tila ba katapusan na ng mundo niya. Yes, kasali sa misyon ng isang ninja ang pagtago ng kanilang tunay na pagkakakilanlan. The moment na malaman ng iba tungkol sa kanila at sa misyon nila, they are f****d up.
Tiningnan ko nang diretso si Aero. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nasi-sense ang tungkol sa aming apat ng mga kasamahan niya? Paano siya naging isang ganap na ninja if he is so naive?
Niklaus stepped forward dahil mukhang shocked pa rin ang dalawa sa pagkakakita sa akin, tila ba isa akong multo na hindi nila kayang lapitan. Umakbay si Niklaus kay Aero at saka siya tumingin sa akin.
"He's our junior. As you can see, marami pa siyang kakaining bigas," malumanay na tugon ni Niklaus. Napalingon tuloy si Aero sa kanya na hindi pa rin maalis ang pagkalito sa kanyang mukha.
Upang matapos na ang usapan, tumango-tango na lang ako sa kanya at saka ko ipinag-krus ang aking mga binti. Diretso akong tumingin sa mga mata ni Niklaus. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Mr. Fox. Please pretend that you didn't know me, and we didn't meet here. I'll live my life as quiet as possible as long as you are here, I assure you." Diniretsa ko na siya upang mapanatag na rin ang loob ko. Mas mabuti nang magkasundo kami tungkol doon kaysa naman araw-araw akong iiwas sa kanila at mag-o-overthink na baka na-report na nila ako sa taas.
Natigilan si Niklaus nang dahil sa sinabi ko at saka siya napatitig sa akin ng ilang segundo. "Is that what you're going to tell us after three long years of your sudden disappearance? Not even a single word or a good bye," mariin niyang sabi dahilan upang mapakunot ako ng noo.
Hindi ko alam kung ako lang ba, pero parang nakarinig ako ng hint ng hinanakit sa boses niya.
"I don't we're close enough to say good byes," mabilis kong tugon sa kanya dahilan upang matigilan siya lalo. Tama lang 'yon at nang mahinto rin ang kahibangan niya. Why would I bid him a good bye? I had no reason to do that.
Ngunit nagulat ako nang mayroong biglang tumalon sa espasyo ng sofa sa tabi ko. "I see that hindi ka pa rin nagbabago, Aki," nagagalak pa niyang sabi at saka niya ako inakbayan. Halos masakal ako nang dahil sa marahan niyang pagyakap sa akin habang nakaakbay.
Nilingon ko siya at sinimangutan, saka ko inalis ang pagkaka-akbay niya sa 'kin. "Hindi ka rin nagbago, you still don't respect my personal space!" bulyaw ko sa kanya ngunit mas lalo lamang siyang dumikit sa akin. He's annoying! As always! Pinaghahampas ko nga siya sa braso upang magtigil na siya.
Nahinto lang kami nang biglang magsalita muli si Aero, still sobrang clueless niya. "Wait, so magkakakilala kayong apat?" hindi makapaniwala niyang tanong. Ngayon niya lang napansin iyon?
"I used to live with her when we were kids," biglang tugon ni Alisson na ikinataas ko ng kilay. Nang magtama ang aming paningin, nakita ko ang isang ngisi sa kanyang mga labi na huli kong nakita noong graduation. Bumalik na siya finally sa katinuan niya, pero parang mas prefer ko na tahimik lang sila ni Tobi.
"We used to be close friends!" segunda naman ni Tobi.
Nilingon ko siya at pinaningkitan ng mga mata. "Excuse me?" angal ko sa kanya dahil walang katotohanan ang claim niya. We were never friends!
Bigla naman natahimik kaya napalingon ako kay Niklaus na siyang tinitingnan ng tatlo, tila ba tinatanong kung paano kami naging magkakilala.
"I didn't know na magkakilala kayo ni Aki. How come, bro?" mapang-asar na tanong ni Alisson sa kanya. Natigilan tuloy si Niklaus at saka napasulyap sa akin na tila ba kinokonsulta muna ako sa kung ano ang pupwede niyang sabihin.
"Same here! I've never seen you together back then. Hindi rin tayo magkaklase noon, hindi ba?" sang-ayon ni Tobi na talagang clueless. Habang si Aero ay palipat-lipat ng tingin sa aming apat, naghihintay ng kalinawan.
"He was from another city," sagot ko sa dalawa na mukhang balak pa kaming intrigahin. Napatingin silang dalawa sa akin at tiningnan ano na mayroong pagdududa.
"Yes, Aki was—" Naputol ang pagsasalita ni Niklaus nang biglang may na-realize si Aero habang nakatingin sa akin at nakakunot ang kanyang noo.
"Don't tell me... you are also a ninja?" malakas na sambit niya.
Napabuntong-hininga ako. Ganito ba talaga siya ka-slow? How was he supposed to complete missions if he's going to be like this?
Huminga muna ako nang malalim, nagpipigil ng inis, bago ako sumagot sa kanya.
"I was."