Kabanata 12

2119 Words
Tinulungan akong tumayo ni Niklaus at saka kami dahan-dahang lumapit sa bagong labas na display. Isa iyong lumang libro na halos mabura na ang sulat. Yung cover din noon ay kalahati na lang at mayroon iyong marka ng pagkasunog. "This is not it," bulong ni Niklaus. Inilibot ko ang tingin ko sa sahig. Hindi ko alam kung ano ang naging dahilan ng pagkadapa ko kanina, pero alam kong mayroong nasagi ang paa ko dahilan upang ma-trigger ang pagtaas ng display mula sa ilalim. "Shall we just dig on the floor?" pabulong kong tanong sa kanya dahilan upang mapahalakhak siya. Inangat ko ang ulo ko at tiningnan siya na tumatawa pa rin. "What? I'm dead serious," angal ko sa kanya pero lalo lang siyang napahalakhak. "This is why they call you 'The Suicidal Ninja' when we were still students. When we were tasked to get rid of the pests that kill the whole farm, you came up with a solution of setting the whole field on fire..." natatawa niyang sabi sa akin habang inaalala ang mga pangyayari noon. "The idea was effective, but not efficient since it will damage everyone including yourself. They called you suicidal for that," pagtatapos niya. Naalala ko nga ang tungkol doon. Hindi ko kaklase si Niklaus noon pero nakasama ko siya sa isang maliit na task tulad ng sinabi niya. Hindi ko namalayan na napangiti ako nang maalala ang memoryang iyon, pero kaagad din iyong nawala nang maalala ang iba pang masasamang alaala ko sa mundong iyon. Ayoko nang maalala pa ang mga panahong iyon. Gusto ko na ngang lumayo, pero bakit nandito na naman ako kasama ang nakaraan na iniwan ko? "Let's just find the thing you want to show me," walang buhay kong sabi sa kanya at saka ko na siya tinalikuran upang maunang maglakad. Mukhang napansin niya ang pagbabago ng mood ko. Siguradong alam niya na dahil hindi ko gustong pag-usapan ang tungkol sa naging koneksyon ko noon sa pagiging isang ninja. Humabol si Niklaus sa akin at sumabay sa paglalakad. "You're being ridiculous, Aki. Is it a sin to remember and cherish your good memories with us back there? Why are you being so hard on yourself?" he nagged again and again. Hindi ko na lang siya pinansin at patuloy na naglakad habang ang focus ko ay nasa sahig, naghahanap ng kahit na anong button doon na magtataas sa mga nakatago pang displays. Ano ba ang purpose ng pagtago ng mga iyon, I wonder? Habang iniisip ang tungkol doon, at habang hindi rin mahinto sa pagna-nag sa akin si Niklaus, bigla akong napahinto nang mayroon akong biglang napansin sa gilid ng aking mga mata. Isa na namang display ang biglang dahan-dahan na umangat mula sa sahig. And no one even noticed? Or maybe they did, but they only find it normal? Kami lang ba ang gumagawa ng big deal out of everything? Wala namang ibang nadapa, hindi ba? Inilibot ko ang aking paningin upang tingnan kung mayroong ibang tao na nagko-kontrol ng paglabas ng ibang displays na supposedly ay nakatago lang sa ilalim ng sahig. "Why? Did you notice anything weird?" tanong sa akin ni Niklaus nang makitang kanina pa ako nakahinto. We've been circling around the mini museum for an hour now, finding buttons on the floor dahil akala ko'y may natamaan ako sa sahig na dahilan ng paglabas ng display... but maybe I was wrong. Pure coincidence lamang ang nangyari. Huminto ang tingin ko sa isang sulok, sa ilalim ng isang malaking black and white na painting. Mayroong isang bata roon na sa tingin ko ay nasa limang taong gulang pa lamang base sa kanyang tangkad. Mayroon siyang kung anong kinakalikot sa isang tila poste na nakadikit sa pader. "Found it," bulong ko at saka na ako nagsimulang maglakad patungo sa direksyong iyon. Nakasunod lang naman sa akin si Niklaus at pilit akong tinatanong kung ano ang nakita ko ngunit hindi ko siya sinasagot. Nang makalapit ako sa bata, nakita kong mayroon nga siyang kinakalikot doon sa isang maliit na gadget na hawak niya. Hitsura iyon ng isang laptop ngunit kasinlaki lamang halos ng isang tipikal na mobile phone. "Hi, baby. Why are you alone?" narinig kong sabi ni Niklaus at saka siya lumuhod sa tabi ng bata at saka niya sinilip ang gadget na hawak niyon. "Where's your mom?" dagdag pa niya. Umiling ang batang lalaki at saka muling nagpindot-pindot sa gadget. Nang silipin ko kung ano iyong pinipindot niya, napangiwi na lamang ako dahil isa lamang iyong laro. I was wrong. Napamura ako nang mahina at saka ko tinapik ang balikat ni Niklaus. "I was wrong. Let's look around the place more," bulong ko sa kanya kaya nagpaalam na siya sa bata na hindi man lang lumingon sa amin nang kausapin namin. Habang naglalakad-lakad muli dahil wala na naman kaming lead as to how did the display went up. Natigilan akong muli. Baka naman by schedule iyon? Lumingon ako kay Niklaus. "How can we be so stupid?" naiinis na bulong ko sa kanya but he looked really clueless. Kailan pa naging clueless ito when it comes to a mission? E palagi nga siyang seryoso at keen into details kapag nasa misyon. Muli akong natigilan nang dahil sa naisip ko. Mission? Wait—why am I acting like we are on a mission? We are definitely not! I will never go on stuff like that.... so why? Ano bang naiisip ko? "Did you miss this feeling?" narinig kong biglang sinabi ni Niklaus dahilan upang muli akong mapatingin sa kanya. Ngayon ay nakaharap na siya sa akin at yung mga mata niya ay seryosong nakatingin sa aking mga mata. "Did you miss being on a mission with us, Akira?" muli niyang tanong at sa pagkakataong iyon, naramdaman ko yung lungkot sa kanyang boses. It was as if he was indirectly asking me to come back and spend my time with them just like the old days... Saka ko lang na-realize ang lahat. Something was off... I know, but I shrugged that off dahil iyon ang pilit kong sinasanay sa sarili ko bilang isang ordinaryong mamamayan na lamang. Bilang isang civilian. Niklaus has been playing with me the whole hour. He knew for a fact na ang hinahanap niyang display sa museo ay nasa ilalim ng sahig... at lalabas lamang iyon sa oras na nakatakda para doon. Ang pag-akyat at pagbaba ng mga display ay mayroong oras... at ngayon ko lamang napagtanto iyon. "Was it fun?" mapait na wika ko sa kanya. "Was it fun to make a fool out of me, Niklaus?" dugtong ko sa sinasabi ko. Napuno ng inis ang dibdib ko nang dahil sa ginawa niya. It was my fault. I acted like a ninja once again when I vowed not to look back on that past. Umiling si Niklaus. "No, Akira. It was fun seeing you have fun being a ninja again... for the first time in three years. I just wanted to remind you what you have felt while you were on a mission with us," paliwanag niya ngunit masama ko lamang siyang tiningnan. Tinalikuran ko na siya at saka na ako nagsimulang maglakad upang iwan na siyang mag-isa rito at lisanin na ang lugar na ito, ngunit biglang mayroong isang babasagin na kahon ang biglang umangat mula sa sahig. Ang iba nama'y sunud-sunod na bumaba na upang magbigay daan sa mga bagong tataas. Ang unang display na humarang sa akin ay isang lumang mapa ng bansa. Ayon sa description, iyon daw ang kauna-unahang mapa na ginawa ng mga ninuno na sulat-kamay lamang nila. Napabuntong-hininga ako at saka ko na nilagpasan iyon dahil gusto ko nang lisanin ang museo sa inis ko kay Niklaus, ngunit isang display na naman ang umangat at muli na namang humarang sa dadaanan ko. Isa naman iyong lumang mga tela na nagsilbing saplot daw ng aming mga ninuno roon. Muli ko na namang nilagpasan iyon at muli na namang may humarang. Hindi na ako nag-abalang tingnan iyon at basahin ang nakasulat na description at lumiko na ako pakanan upang umiwas ngunit mayroon na namang display na humarang sa akin doon. What the heck? May kumokontrol ba sa mga 'to? Isa na naman iyong lumang armas ng aming mga ninuno. Karamihan ay mga kagamitan lang din ng mga naunang tao ang displays na sunud-sunod nang naglitawan. Napabuntong-hininga na lamang ako at nagpatuloy pa rin sa paglalakad kahit pa biglang may displays na humaharang sa aking dadaanan. Hinabaan ko na lamang ang aking pasensya at saka ko nilagpasan ang mga iyon. Nang malapit na ako sa exit, mayroon na namang isang display na tumaas at humarang sa akin. Huli na iyon dahil ilang hakbang na lamang ay ang pinto na ng museo. Nang akmang titingnan ko na iyon dahil huli naman na, biglang may humila sa kamay ko at saka siya biglang sumulpot sa harapan ko dahilan upang matakpan ang display. "Aren't you leaving already?" tanong niya sa akin na ikinakunot ko ng noo. No, it wasn't Niklaus but he is someone that I know—or a met for a few times already. "What are you doing here, Domino?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Hawak pa rin niya ang wrist ko kaya kaagad kong inalis ang kamay niya roon. Napansin ko na ang tingin niya ay nasa likuran ko, hindi mismo sa akin, kaya lumingon ako upang tingnan ang tinitingnan niya. Napataas ang aking mga kilay nang makitang si Niklaus iyon, mukhang sumama ang timpla nang makita si Domino. Nagdilim bigla ang mukha niyon na tila ba gusto niyang sugurin ang lalaking nasa harapan ko. "Sabay na ako sa 'yo," sabi ni Domino kaya napaharap ako muli sa kanya. Nakatingin na siya ngayon sa akin kaya siguradong ako ang kinakausap niya. "Let's leave together," pag-ulit pa niya. Kinunutan ko siya ng noo. "What are you doing, Domino?" naiinis na tanong ko sa kanya because he was acting weird. Itinulak ko siya paalis sa harapan ko dahil hinaharangan niya ang huling display na titingnan ko sana, ngunit kaagad din siyang bumalik upang takpan iyon. That was when I knew that something was off... na may itinatago siya sa akin sa display na iyon. Bigla tuloy akong kinabahan nang dahil sa nakutuban ko. Iyon ba yung gustong ipakita sa akin ni Niklaus na kanina pa namin hinahanap? What was it that Domino kept hiding it from me? "Move," I ordered him. Alam ko I have no authority over him or anyone else, pero sobra akong kinakabahan noon pero at the same time ay gusto ko ring malaman kung ano ang gusto niyang itago sa akin... habang si Niklaus naman e desperadong ipakita iyon sa akin. Nang hindi umalis si Domino, lalong sumama ang mga tingin ko sa kanya. "I said move or I'll kill you, you jerk," walang pagkurap na sinabi ko sa kanya. Malamig ang boses ko nang sabihin iyon at punong-puno ng otoridad dahilan upang dahan-dahan siyang umalis sa kinatatayuan niya. Bakas din ang pagkabigla sa kanyang mukha marahil hindi halata sa aking hitsura na may ganoong side akong itinatago. I couldn't blame him dahil naging natural na lang din sa akin na maging ordinaryo that I also forgot that I used to be like this. Bold and brave enough to finish every mission with flying colors because I have nothing to fear. Dahan-dahan akong lumapit sa display na nakalantad na ngayon sa aking mga mata. Huminto ako sa tapat niyon at saka ko mabusising sinuri ang mga bagay na naroon. At saka ko lamang naintindihan kung bakit kailangang itago sa akin ni Domino iyon... at kung bakit pilit pinapaalala sa akin ni Niklaus ang nakaraan ko sa mundong tinalikuran ko, iyon ay upang ihanda ako sa gusto niyang ipakita sa akin mula pa kanina. It was a piece of painful memory from the past that never wanted to forget. Kahit gaano pa kasakit ang munting alaala na iyon, hindi ko gustong kalimutan iyon. Dahil ang pagkalimot doon ay katumbas ng paglimot ko rin sa isang importanteng tao sa nakaraan ko. "Teacher Hiro," naibulalas ko kasabay ng sunud-sunod na pagpatak ng aking mga luha sa aking pisngi. Parang gripo ang aking mga mata sa lakas ng agos ng mga luha ko. I'm glad I found something that reminded me of you, Teacher Hiro. I smiled in between my sobs. Ang bagay na naka-display roon ay isang singsing na mayroong pulang diyamante. Ayon sa description na nakalagay, ang singsing na iyon ay ibinibigay sa tinatanghal na Ace of the Uzumaki sa mundo ng mga ninja. So dito pala napunta ang singsing na ito matapos nakawin kay Teacher Hiro na naging dahilan ng pagpaslang sa kanya. Sa lugar na ito kung saan ko piniling manahimik at magbagong-buhay. Pinaglalaruan nga talaga ako ng tadhana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD