"Will you still ignore us for the rest of our stay here?" tanong muli ni Niklaus sa akin habang nakaupo kami sa ugat ng puno upang sumilong. Iyong tatlo nama'y umiikot pa rin sa mga bahay-bahay upang ipamigay yung natitira pang sopas.
I shrugged. "I don't want to get involved again," diretsong tugon ko sa kanya nang hindi siya nililingon o tinitingnan.
"Why?" mabilis niyang tanong. It seemed like he was very eager to know the reason I left... and the reason I keep wanting to distance myself to them. "We're not asking you to go back. Gusto ka lang naming makasama kahit sandali lang." Bakas sa boses ni Niklaus ang lungkot.
Ngunit hindi ako nagpatinag. Hindi ako lumingon sa kanya at nanatiling matigas ang ekspresyon ko sa mukha. "I still don't want to get involved anymore, Niklaus," mariin kong sinabi sa kanya.
Magsasalita pa sana siya ngunit narinig namin ang boses ni Tobi na papalapit na sa amin. Tumatakbo siya habang bitbit pa rin ang malaking kaserola.
"Ubos na!" masiglang anunsyo niya sa amin kaya tumayo na ako at nagpagpag ng suot kong pyjamas bago ako nanguna sa paglalakad upang magmadali nang umuwi.
Narinig ko pa ang pagtawag ni Tobi sa pangalan ko kaya mas binilisan ko ang paglalakad. Hindi ko na talaga gustong mapalapit pa sa kanila kahit pa ano ang sabihin nila. Ito na ang huling beses na kakausapin o kikitain ko sila. Kahit pa mahirap na iwasan sila totally, kakayanin ko huwag lang akong madikit sa kanila. Ayokong makita sila.
Pagdating namin sa aming street, tahimik na ang paligid. Malamang ay naghahapunan na ang mga matatandang kapit-bahay namin dahil maaga silang natutulog kaya naman yung gising nila e papasikat pa lamang ang araw.
Pagdating ko sa bahay ko, narinig kong may sumigaw sa katabing bakuran. "Saan kayo galing?" tanong niya sa mga kasamahan niya at kumaway sa kanila. It was Domino, kausap niya ang kasama pa niyang apat na ninja, saka siya napatingin sa akin. Mukhang namukhaan niya ako kaagad. "Oh... bakit ninyo kasama si—"
Pinutol ko kaagad ang sinasabi niya. "Hindi nila ako kasama. Nagkasabay lang kaming naglakad," depensa ko at saka ko padabog na binuksan ang maliit na gate at padabog din akong pumasok sa aking bahay.
Pabagsak akong umupo sa sofa at sumandal. Ilang beses akong napabuntong-hininga. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito sila. Na ang dating mundo na iniwan ko ay nagpaparamdam na naman. Napapadyak ako ng mga paa sa inis ko. How am I supposed to live now? Lumipat kaya muli ako? But why would I, e sila ang nakiki-tuloy lang rito? Ugh.
Nakatulog na lang ako sa sofa nang hindi ko namamalayan. Hindi na rin ako nakapag-dinner. Masyado lang pagod ang utak ko noong araw na iyon dahil na rin sa nasaksihan kong pagtalon ng estudyante mula sa rooftop, muling pagkikita namin ng mga kakilala ko sa Uzumaki City, at ang mga tanong sa akin ni Niklaus na paulit-ulit umiikot sa ulo ko.
Nagising ako kinabukasan na masakit ang katawan ko dahil sa maling posisyon ng katawan ko sa pagtulog. Kaagad akong bumangon at napahawak sa aking batok na nangalay. Sinilip ko kaagad ang bintana at nakitang papasikat pa lamang ang araw, ngunit narinig ko na ang pagwawalis ng mga kapit-bahay sa kanya-kanya nilang bakuran.
Tumunganga muna ako nang ilang segundo sa kawalan dahil inaantok pa ako, ngunit nang unti-unting nag-sink in sa akin ang mga nangyari kahapon, parang nagising bigla ang diwa ko.
So hindi iyon panaginip. Totoong nandito ang mga ninjas na nanggaling pa sa Uzumaki City upang may tapusin na misyon dito sa baryo na 'to, o 'di kaya'y sa Tapang College. Ayoko nang malaman pa dahil ayokong makisali pa sa problema.
Dahil doon, nagmadali akong bumangon at tumakbo papunta sa banyo upang maligo na ako at gumayak kung ayaw kong makasabay pang pumasok ang limang ninjas na kapit-bahay ko lang. Kung gusto kong iwasan sila at hindi makita, dapat ay madilim pa lamang ay umaalis na ako ng bahay.
Pagkatapos kong magbihis ng uniporme ko at nag-ayos ng buhok, kinuha ko na ang backpack ko at saka na ako nagmamadaling lumabas ng bahay. Tulad ng nakagawian, hindi na ako nagkakandado ng pinto dahil wala namang magnanakaw rito at nakabantay naman madalas si Lola Kris. Baka maisipan niya rin na ipagluto ako mamaya ng hapunan.
Dahan-dahan kong binuksan ang munti kong tarangkahan at saka ako pasimpleng sumilip sa kabilang bakuran... at tahimik ap roon. Mukhang mahimbing pa ang mga tulog nila.
Alas sais pa lamang kasi at sobrang lamig pa ng hangin. Buti na lamang ay nagsuot ako ng jacket bilang paghahanda. Alas otso pa lang kasi usually ang simula ng morning classes sa Tapang College.
Habang naglalakad ako, binati ako ng mga kapit-bahay namin na nagwawalis sa kani-kanilang bakuran. Good thing na wala si Lola Kris at mukhang napasarap ang tulog niya ngayon. Pasigaw pa man din iyon bumati at baka umabot sa pandinig ng mga bagong kapit-bahay namin.
"Ang aga mo yata masyado, hija," pagpansin ni Lola Iska sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. "May dadaanan po kasi ako sa library," tugon ko. Doon naman din kasi ang punta ko upang maghintay ng oras. Magbabasa na lang muna ako roon.
Habang naglalakad papunta sa aming paaralan, nakaramdam ako ng antok. Ang aga pa kasi at gusto ko pang matulog dahil hindi pa rin naka-get over ang utak ko sa mga nangyari kahapon. Parang pagod pa rin ako mentally at emotionally.
Mabuti na lamang at wala pa akong nakikita o nakakasalubong na mga tao masyado rito sa labas. Karamihan ay tulog pa dahil sobrang aga pa naman talaga. Naging tahimik ang pagpasok ko ng school.
"Ang aga mo ngayon, Ake," bati rin sa akin ng mga guwardiya na nakabantay sa gate.
"Sa library lang ho," nakangiting tugon ko sa kanila.
"Napakasipag na bata talaga, oo," natutuwang sabi ni Manong Hollan na sinang-ayunan ni Manong Janny. Nginitian ko lang sila pareho sapagkat hindi ako marunong tumugon sa isang compliment.
Wala na akong sinayang na panahon at dumiretso na ako sa library na matatagpuan sa ikatlong palapag ng aming gusali. Iniwan ko ang bag sa estudyanteng nagbabantay sa labas ng silid-aklatan at saka na ako pumasok.
Maaliwalas ang library namin dito sa Tapang College at marami ring mga lamesa at upuan. Mayroon ding iilang mga computers na pupwedeng gamitin ng mga estudyante nang libre.
Dahil maaga pa, iilan pa lamang ang occupied na mga mesa't upuan. Karamihan ay mga bakante na.
Dumiretso ako sa mga shelf upang pumili na ng mga librong balak kong hiramin at basahin dito. Nang makapili ako ng ilang libro at papunta na sana sa napili kong bakanteng mesa, sakto naman na napansin ko ang bagong pasok sa library. Hindi lang iyon, pamilyar ang kanyang mukha. Si Domino na naman! Kung minamalas ka nga naman, oo. Bakit napaka-aga niya? Sa dami-dami ng pupwede niyang puntahan na lugar sa campus, bakit dito pa sa library?
Napaurong tuloy ako at napabalik sa mga shelf. Napabuntong-hininga muli ako bago ako naghanap ng maaliwalas na spot sa isang sulok at doon na lang sa sahig nag-desisyon na magbasa.