bc

Sleeping With The Senator [Tagalog]

book_age0+
37.6K
FOLLOW
207.0K
READ
opposites attract
friends to lovers
kickass heroine
drama
comedy
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Treinta, single, at virgin—dahil sa hindi magandang karanasan sa una at huling boyfriend, nawalan na si Sanya ng pag-asang makahanap ng lalaking mamahalin. Ibinuhos niya ang kanyang panahon at atensiyon sa kanyang passion sa pagpinta at sa pagma-manage ng kanilang business katulong ang dalawa niyang kapatid.

Then came Senator Keith Clark Escudero—gwapo, matalino, single, at mahirap abutin. Simula nang maupo ito sa pwesto ay nakasubaybay na si Sanya sa mga achievement nito sa pagtulong sa mamamayang Pilipino.

Dahil sa kagagawan ng sugo-ni-Kupidong kapatid niya, natagpuan ni Sanya ang sariling kasama ito sa isang blind date! Ang pinakagwapong senador sa kasaysayan ng Republika ng Pilipinas, ang lalaking taglay lahat ng katangian na gusto niya sa isang taong mamahalin, nasa harap na niya at pareho na sila ng hinihingang hangin...

Hindi mapigilang umasa ng puso ni Sanya.

Beke nemen...

chap-preview
Free preview
I.
CHAPTER ONE INAYOS ni Sanya ang malaking unan sa mahabang upuan bago naupo at sinandalan iyon. Masakit ang likod niya at kulang siya sa tulog. Madaling-araw pa lang kasi ay gising na siya para tapusin ang pinipinturahang malaking vase na order ng isang customer. Humigop siya sa kape niya at kinuha ang remote control sa coffee table. Binuksan niya ang TV. Manonood na lang muna siya ng morning show habang hinihintay si Sonja na matapos sa paghahanda ng almusal. "Live na live, gumising pa siya nang maaga para makasama ngayon, ang pinakagwapong senador sa kasaysayan ng Republika ng Pilipinas sabi niya, walang iba... Senador KC Escudero. Good morning, Senator!" Ang papapikit na mata ni Sanya ay namilog at napakurap-kurap nang mga sandaling iyon. Narinig niya ang palakpakan ng mga tao sa studio at ilang sandali pa ay ipinakita ang nakangiting si Senator Keith Clark Escudero. Pabiro pa itong kumaway sa mga audience. "Good morning, Tita Annie, good morning, sa mga nanonood sa kanilang mga tahanan. Relax lang kayo, ako lang 'to." Sa isang iglap ay parang tinakasan siya ng antok. Ang lakas ng tawa ng host na si Annie. Sanya can't help but sigh. Heto siya, haggard na haggard dahil kulang sa tulog pero hayun si Keith Clark, kasing fresh ng mainit na pandesal na kahahango pa lang sa oven. Ang sarap mo, Senator. Napangiti siya na parang timang habang nakatunganga sa TV. "Senator, heto nga at isang malaking good news ang inihatid mo sa mga kababayan natin sa Cebu dahil kinuha silang supplier ng mango products ng Yap-Silverio Food Corporation," sabi ni Annie. "Kwentuhan mo naman kami tungkol dito." "Yes, Tita Annie." Keith Clark unconsciously clasped his hands. "We are very thankful to the people behind the Yap-Silverio Food Corporation for making it possible. Sa bawat pagkakataon na lumalapit tayo sa kanila para humingi ng tulong para sa mga kababayan natin na nangangailangan, hindi sila nagdadalawang-isip. "Dahil sa partnership ng mga tao sa cooperative at ng YSFC, madali nang makakarating ang mga pinaghirapan nilang produkto sa iba't ibang parte ng bansa at pati na rin sa neighboring countries natin sa Asia." "Ano ba ang kabutihang maidudulot nito sa mga kababayan natin bukod sa pagkakaroon ng pagkakakitaan?" tanong pa ni Tita Annie. "Bukod sa nababawasan natin ang unemployment rate sa bansa, nababawasan din ang bilang ng mga out-of-school youth dahil nagkakaroon na ng kakayahan ang mga magulang na pag-aralin ang kanilang mga magulang. "So basically, one good thing led to another." Keith Clark was smiling proudly. "And hopefully, bago matapos ang term ko sa senado, magawa ko rin 'yon sa iba pang probinsiya." "Wow, nakakatuwa namang marinig iyan!" manghang komento ni Tita Annie. "Kaunti na lang, iisipin kong may super powers ka, Senator. Isa ka sa mga pinaka-busy na public official pero hind ka uma-absent sa mga session sa senado. Pero base sa sinabi mo, nagpapahiwatig ba iyan na hindi ka na tatakbong re-electionist sa susunod na eleksiyon?" Bahagyang sumeryoso si Keith Clark pero hindi pa rin naaalis ang ngiti sa gwapo nitong mukha. "Napag-usapan namin 'yan ni Dad even before I filed my certificate of candidacy years ago. As a private citizen, pwede pa rin naman akong tumulong gaya ng dati." Napakamot ng kilay si Keith Clark. "Ngayon, request naman ni Mom ang dapat kong pagbigyan. She wants me to build my own family soon." Bumaha ng tuksuhan sa audience. Naging mapanukso naman ang ngiti ni Tita Annie. She motioned the camera. "Baka nanonood ang future wife mo. Ano ang gusto mong sabihin sa kanya?" Napahagikhik si Sanya at napatuwid ng upo. "Hi. Steady ka lang diyan," pabirong sabi naman ni Keith Clark. "Kailan ba 'ko umalis, Senator?" pagkausap ni Sanya sa TV. "'Andito lang ako palagi. Bilisan mo ang pagdating, ha? Ilang anak ba ang gusto mo? Isang dosena? Game. Anakan mo 'ko hangga't gusto mo." SANYA didn't like Keith Clark Escudero when she first saw him. Anak ito ng dating senador na si Frederico Escudero. Nang malagay sa alanganin ang kalusugan ng matandang Escudero, ipinagpaliban nito ang muling pagtakbo at sa halip ay si Keith Clark ang nagpatuloy ng political career nito. She thought he was all pretty face. Malambot din itong kumilos. Malayong-malayo sa maawtoridad na aura ng ama nito. But she voted for him, anyway. Nakita na niya ito sa personal noong mangampanya ito sa lugar nila pero sa malayo nga lang. He was the number one senator after the election. At hindi nito binigo ang mga sumuporta rito. Ginamit nito ang posisyon nito para tulungang makaahon kahit papaano sa kahirapan ang mga Pilipino. Naniniwala ito na ang natural resources mismo ng Pilipinas ang makakapagbigay ng trabaho sa mga mamamayan. Tutol din ito sa pagmimina at iba pang aktibidad na nakakasira sa kalikasan. Pero nakuha ni Keith Clark ang puso ni Sanya nang tumulong mismo ang batang senador sa pag-rescue ng mga nasalanta ng malakas na bagyo sa Leyte tatlong taon na ang nakararaan. Personal na tiningnan nito ang kalagayan ng mga survivor at sumama pa sa rescue team para masiguradong naibibigay ang lahat ng mga kailangan ng mga ito sa evacuation center. Personal din itong nakiramay sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay. Nawawalan na siya ng pag-asa noon sa mga nasa posisyon. Hindi lahat ng nakakaupo sa pwesto ay matitino. Ang akala niya ay wala na siyang maaasahan pagkatapos ni Senator Frederico Escudero. But Keith Clark came and he was just like his father, not to mention, kamukhang-kamukha ni Keith Clark ang ama noong kabataan nito. Pinauso lang din ni Keith Clark ang bansag ditong 'pinakagwapong senador sa kasaysayan ng Republika ng Pilipinas'. At hindi naman kontra si Sanya doon. May mga tao lang talagang kinukwestiyon si Keith Clark sa kasarian nito dahil sa paraan nito ng pananalita at pagkilos. Pero mukhang hindi naman nagpapaapekto rito ang lalaki. Gay or not, love wins. Always. "AYOS, Ate, ah. Sa lahat ng walang tulog, ikaw ang mukhang high, a." "Hulaan mo kung bakit," pasakalye naman niya kay Sonja na tinatapalan ng salonpas ang itaas ng likod niya. "Nagkakaganyan ka lang naman dahil kay Senator Escudero." Napabungisngis siya. Nararamdaman na niya ang init sa kanyang likod. Bumalik naman si Sonja sa kinauupuan nito. "Tama ka. Hindi ko kasi alam na may guesting siya Break The Fast kanina. Napanood ko siya. 'Tapos..." Bumungisngis na naman si Sanya. "Buo na ang araw ko." "Kilig na kilig ka na naman nang malaman mong may mga tao na naman siyang tinulungan." Uminom si Sonja ng kape nito. "Wala ka bang balak babaan ang standards mo para magka-love life ka na?" "Bakit ba love life ko ang pinakikialaman mo? Por que nasa dulo na ng kalendaryo ang edad ko?" "Joke lang. Alam mo namang suportado kita sa pagsintang pururot mo diyan kay Senator Escudero, e. Wala na akong ibang lalaking gusto para sa'yo kundi siya lang." "Tse," pakli niya. Alam naman niyang nagpapasakalye lang ang kapatid niya. Tumuntong na siya ng treinta tatlong buwan na ang nakararaan. Huli siyang nagkaroon ng boyfriend, beinte y uno pa siya noon at graduating na sa college. Hindi naging maganda ang karanasan niya sa una at huling boyfriend niya. Pagkatapos n'on, nadala na siya at hindi nagpaligaw. Hanggang sa nagising na lang siya na treinta na at... virgin pa rin. Accountancy ang kurso niya. Nagtrabaho lang siya nang ilang taon sa isang pribadong kompanya. Nang sa tingin niya ay sapat na ang kanyang experience, ipinangtayo niya ng maliit na negosyo ang ipon ng nanay nila na nagtatrabaho bilang caregiver sa Amerika. Binili nila ang isang commercial building at ni-renovate. Ginawa nilang kwarto ang ikalawang palapag. Ang nasa baba naman ay hinati nila para maging living room at kitchen at workshop niya. Pagpipinta talaga ang hilig niya. Kahit anong bagay na pwedeng pinturahan, pinipinturahan niya. Si Sonja ang naging katulong niya nang ito naman ang maka-graduate ng college. Hospitality Management ang tinapos nito. May iba ring raket ang kapatid niya. Kumakanta ito sa mga event at sa mga hotel. Pangarap ng kapatid niyang maging recording artist. May nakilala nga raw itong record producer ilang buwan na ang nakararaan. Kaso lang, bogus. Buti na nga lang at hindi napahamak ang kapatid niya. Ang bunso naman nilang si Sannie, nasa huling taon na rin ng college. Fine Arts naman ang course nito. Magaling itong mag-drawing at pangarap nitong maging animator. Kung may iba pang hiling si Sanya nang mga sandaling iyon, iyon ay ang umuwi na mula sa Amerika ang Nanay Suzette nila. Mag-iisang dekada na itong caregiver. Napilitan itong magtrabaho doon nang mamatay sa aksidente ang tatay nila. Nag-aaral pa silang magkakapatid at hindi sapat ang kita nito bilang nurse sa isang ospital noon. "TAPOS ka na? Halika na, maghapunan na tayo," sabi niya kay Sonja nang pumasok na sa opisina nila ang kapatid. Nagsara na sila at ang kapatid na raw niya ang tatapos sa paglilinis sa shop. "Mauna ka na, Ate. Kailangan ko pang lumabas. Babalik ako after one hour," sagot naman ni Sonja matapos hubarin ang apron nito. "Ano?" Napangiwi si Sanya. "Late na nga makakauwi si Sannie, 'tapos pati ikaw, lalabas din?" "Patulan mo na kasi iyong pinapa-blind date sa'yo n'ong kaibigan mo para hindi ka na mag-isa." Dumeretso ito sa CR at tiningnan ang hitsura. "'Di bale na lang," walang ganang tugon niya. Hindi iisang beses na itinulak siya ng mga kapatid niya na makipag-blind date sa mga inirereto sa kanya ng kaibigang si Carmie. Artist din ang kaibigan niya na nakilala niya noong college. Iisa sila ng organization noon kaya naman naging malapit silang kaibigan. Iyon nga lang, pareho na silang busy. Nagkikita na lang sila nito kung meron itong exhibit. Nakakatuwa ang kaibigan niyang 'yon, may sarili nang gallery. Wala pa itong asawa pero engaged na ito sa isang businessman. Ilang beses na siya nitong ipinagtulakang makipag-blind date pero ayaw niya. Puro kasi gwapo ang nirereto ng kaibigan niyang 'yon sa kanya. Ayaw niya sa gwapo. Maliban na lang kung si Keith Clark iyon. Nagdududa na talaga siya kay Sonja. Sigurado siyang may boyfriend ang babaeng iyon at talo pa ang showbiz personality kung mag-deny. Noong nakaraan, nakita niya itong bumaba sa isang magarang kotse nang makauwi ito. Noong nakaraan din, ang daming pares ng mamahaling sapatos at damit ang iniuwi nito. 'Tapos nang pilit niyang pinapaamin ang kapatid, sakto namang dumating ang mga taong galing sa Yap-Silverio Food Corp at may dalang sangkaterabang groceries. Kaya pala familiar ang 'Mr. Yap' na nagpadala. Ito mismo ang CEO ng YSFC—ang korporasyon na tumutulong sa mga proyekto ni Keith Clark! Sayang at huli na niyang na-realize iyon. Sinubukan niyang mag-research pa tungkol sa misteryosong lalaki sa buhay ng kapatid niya pero wala siyang napala. Masyadong pribado ang Mr. Yap na iyon. Siguro makikipagkita na naman ang babaeng 'yon sa 'boyfriend' nito. Kung hindi lang beinte y singko ang kapatid niya, hindi sana niya ito titigilan hangga't hindi umaamin. Pero sa kabilang banda, nakakainggit din ang kapatid niyang iyon. May napapala rin pala ito sa mga paglabas-labas nito sa gabi. Siguraduhin lang talaga nitong mabuting lalaki ang Mr. Yap na iyon dahil hindi siya magdadalawang-isip na paghiwalayin ang mga ito. Kesehodang magmukha siyang epal sa love life ni Sonja. "But the fact still remains na maghahapunan akong mag-isa," napabuntong-hiningang sabi niya. "Ayos lang 'yan, Sanya. Sanay ka naman na, 'di ba?" Author's Note: Hindi ko alam kung nasimulan ko 'to nang tama. Haha. Ang totoo, nakaka-overwhelm ang pagtanggap n'yo sa story nina Sonja at Red. Nakaka-overwhelm din iyong pag-root n'yo kina Keith Clark at Sanya. THANK YOU SO MUCH, GUYS! Medyo napi-pressure ako kasi ayoko kayong ma-disappoint. Sinimulan ko 'tong isulat sa kabila ng magulo kong utak. Pagtiyagaan n'yo na lang. Rakenrol.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

Billionaire's Twins

read
263.8K
bc

SILENCE

read
381.8K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.3K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook