Chapter 7: Dark Side of Innocence

1823 Words
"Anong alam mo sa ikaapat na dimensyon?" Third Person's POV NAKAUPO siya habang nakatingin sa kanyang repleksyon sa tubig. "Ano kayang iniisip ng isang anghel na kagaya mo?" isang nilalang ang lumitaw mula sa kanyang likuran. Napatingin naman ito sa gawi ng nilalang na iyon. "Ikaw, bakit ka napadpad dito?" tanong niya dito. "Alam kong nababasa mo ang iniisip ko, wag mo 'kong linlangin." sabi niya rito at binigyan ito ng isang napakatamis na ngiti. "Pinababa ka niya dito para magbago, hindi para dagdagan pa ang mga kasalanan mo. Bakit mo 'to ginagawa?" Napatawa ang nilalang na kanyang kausap. "Katotohanan? Ang mundo ay punong-puno ng kasinungalingan, paraiso nga raw ito ng mga taong makasalanan. Sa tingin mo, mababago ako ng lugar na ito? Nagpapatawa ka ba?" Hindi alam ng nilalang ang kanyang sasabihin kaya nagpasya na lamang siyang talikuran ang kanyang kausap. "...kung sa bagay, nabago nga ng lugar na ito ang iyong kapatid hindi ba? Ang kapatid mong si..." Hindi na nakapagpigil ang anghel at lumipad siya sa gawi nito at hinawakan ito sa kwelyo ng damit na suot nito, "Tama na!" sigaw niya rito. "Hinay-hinay ka lang kaibigan, hindi mo namamalayan ang pagiging abo ng puti." Napabitaw ito sa sinabi ng nilalang at napatingin sa isang bahagi ng kanyang pakpak. "Baka nakakalimutan mo, napatay ko na ang puno't dulo ng lahat. Nararapat nga lamang na magpasalamat ka sa akin." saka ito tumawa na para bang nanalo sa isang patimpalak. "Hindi solusyon ang patayin siya, baka nakakalimutan mo, nagbunga ang kasalanan niya." tiningnan niya ng masama ang nilalang na ito ngunit binigyan lamang siya nito ng kakaibang ngiti. "Ayon sa tadhana, mamamatay ang dapat mamatay at kapag nangyari ito..." lumapit sa kanya ang nilalang na ito at hinaplos ang bahaging iyon ng kanyang pakpak. "...lahat ng puti ay magiging itim. Kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat." Humangin ng malakas at kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin ay ang paglaho ng nilalang na kanina lang ay kausap niya. "Ayon sa tadhana, mamamatay ang dapat mamatay at kapag nangyari ito lahat ng puti ay magiging itim. Kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat." Heaven's POV "SI---SINO KA?" mula sa pagngiti-ngiti ay sumeryoso ang kaniyang muka at binigyan ako ng isang matalim na tingin. "Rye..." nanumbalik ang kaniyang pag ngiti na nakapagbigay sa akin ng matinding kaba... "...angel of death." Ngumiti siya at kasabay ng pagngiti niya ay ang mabilis na paglapit niya sa akin. Nakita ko ang isang matulis na bagay sa kanyang kamay, itinapat niya ito sa aking puso. Hindi. Papatayin niya ako? Sa kabilang kamay ay nilalaro pa rin niya ang Fallen Lyra. Ngingiti ngiti pa rin siya. Maya maya pa ay inilayo niya ang patalim sa akin. "Hindi kita papatayin. Sumama ka sa akin." wika niya. "La—layuan mo ako!" Pilit siyang luma-lapit sa akin ngunit patuloy pa rin ang aking pag-atras. Pakiramdam ko'y anumang oras ay hihilahin niya ako at isasama sa kanya. "Ba—bakit mo binuksan ang third eye ko?! Pa—papatayin mo ba ako?!" tanong ko. Pinaikot-ikot niya ang patalim hanggang sa tumapat ang hawakan nito sa akin. "Huwag kang mag-alala, ang patalim na ito ay ginawa hindi para sa'yo." Hinawakan niya ang aking kamay at inilapag ang patalim sa aking palad. "Tanggapin mo ang munting regalo ko." Isang patalim na may hexagram na nakaukit. "Magagamit mo yan sa takdang panahon." Lumapit pa siya at bumulong sa aking tainga. "Kasalanan ang papatay sa isa pang kasalanan..." bumilis ang t***k ng aking puso sa aking narinig. "Babalik muli ako at sa tamang panahon alinsunod sa nakasulat sa tadhana ay..." Sa isang iglap ay may nakita akong isang bangkay sa aking harapan. Hawak-hawak ko ang patalim na iyon. Punong-puno ng dugo. Nakita ko ang unti-unting pagbalot ng dilim sa kalangitan. Madilim, sobrang dilim."..Papatayin mo siya." "AAAAAH!" "Heaven!" napabalikwas ako at napatingin sa teacher ko. Ang iba sa aking mga kaklase ay nakatingin rin sa akin. Panaginip. Isang masamang panaginip. "Hija..pinapagpawisan ka.. Ayos ka lang ba?" tiningnan ko si Teacher. Napalingon pa ako kay Mirage na katabi ko. Mukhang alalang-alala siya. "Heaven?" tinanguan ko siya. "Sigurado ka ba?" tanong pa niya. "O—opo." napayuko na lamang ako. Hinahabol ko pa rin ang aking hininga. Nakita ko naman ang librong nakapatong sa aking desk, 'Fallen Lyra'. Sa sobrang takot ko sa nilalang na nagpakita nang gabing 'yon ay hindi ko na naituloy pa ang pagbabasa sa librong 'to. "Rye." sambit ko. Bumalik na si Teacher sa unahan at kasabay nito ang pagtunog ng bell. "Sige mga bata. Hanggang dito na lang muna, itutuloy na lang natin ang discussion bukas." sabi niya. Lunch time, dalidaling nagsibabaan ang mga kaklase ko. Ganoon na rin kami. Nakasunod lang ako kina Mirage na naglalakad papunta sa canteen. Nang makarating kami sa canteen ay umorder na rin kami at naupo. Lipad pa rin ang utak ko hanggang ngayon. Si Rye at ang patalim. Pati na rin ang ikaapat na dimensyon. "Heaven, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Mirage sa akin. "Kanina mo pang nilalandi ang pagkain mo, hindi mo naman ginagalaw" puna niya. "Ah--eh, busog pa kasi ako." dispensa ko. "Sure ka ha?" Nakatingin lang siya sa akin, tumango naman ako. Nakatitig lang si Mirage sa akin at kunot ang kanyang noo. Medyo nacoconcious na rin ako. Hindi ako sanay na tinititigan ako, "B-bakit?" "Ano yang nasa mukha mo?" tanong niya. Napahawak ako sa pisngi ko, "Alin?" Kumuha si Mirage ng salamin at ibinigay niya ito sa akin. Nakita kong kumikinang ang ilang bahagi ng mukha ko. "Glitters?" kiniskis ko ng panyo ang mukha ko pero ayaw nitong matanggal. Namumula na yung mukha ko pero hindi pa rin talaga matanggal. "Naggoglow yung mukha mo Heaven pati na rin ang braso mo." manghang-manghang sabi ni Mirage sa akin. Napatingin naman ako sa aking braso. Tama siya. Kumikinang nga. Napatingin ako sa kamay ko at...bigla akong kinabahan nang makita ko ang isang kakaibang simbulong kuminang. Napatayo ako sa aking upuan. Kitang kita ng dalawa kong mata, isang hexagram ang umilaw. Kahawig ito ng simbulong nakaukit sa patalim na ibinigay ni Rye sa akin. "Heaven?" tawag ni Mirage. Napalunok ako. Ano bang nangyayari sa akin? Ano itong simbulo na nakikita ko? Dahil ba ito ni Rye? Epekto ba ito ng pagbubukas ng third eye ko? At ang pangitain na 'yon. Ano bang ibig niyang sabihin? Ang panaginip na palaging bumabangungot sa akin. Si Sky, nakita ko ang kapatid kong walang buhay. Isama mo pa ang patalim na hawak ko sa pangitaing iyon. Bakit? Bakit hawak ko ang patalim? At bakit si Sky? Muli kong naalala ang kanyang mga sinabi, 'kasalanan ang papatay sa isa pang kasalanan.' Naguguluhan ako. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Bumalik ang aking diwa nang muling magsalita si Mirage. "Parang may nakita na akong ganiyan dati. Taong kumikinang.." tiningnan ako ni Mirage na para bang ako'y kanyang inuusisa. "Heaven umamin ka nga.." pagpapatuloy niya. Ano naman kayang itatanong niya? Sandali, si Y-yule. Diba, nakita na niya ang kanyang guardian angel na si Yule. Baka si Yule ang nakita niya. Baka tanungin niya rin ako about sa mga nakikita niya. Ang mga anghel, ang mga nilalang sa ikaapat dimensyon. Anong sasabihin ko? Seryoso ang tingin sa akin ni Mirage. "A—ano?" tanong ko sa kanya. Mas lalo pang tumalim ang tingin niya. "Heaven.. Bestfriend kita diba?" tanong niya sa akin. "Oo, bakit?" "..magsabi ka nga ng totoo..." pagpapatuloy niya. Inuusisa pa rin niya ako. Muli akong napalunok. Huminga siya ng malalim at nagsalita, "..anong sabon mo?!" napanganga ako sa tanong niya. Seryoso? Nakahinga ako ng maluwag, akala ko'y nakakaramdam na siya. "Heaven." Narinig ko ang isang pamilyar na tinig dahilan para lumingon ako. Dala niya ang isang tray ng pagkain. "Hi Niles!" bati ni Mirage sa kanya. Ngumiti naman siya kay Mirage. "Bakit?" tanong ko nang muli niya akong tingnan. "Maari bang makiupo?" itinuro niya ang bakanteng silya sa tabi ko. "Ah—s-sige." Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman pero sa tuwing lumalapit siya sa akin ay kinakabahan ako. "Pasensya na. Wala na kasing ibang bakanteng lamesa." sabi pa niya. "Ok lang yun! Classmates naman tayo e." sabi ni Mirage. Nginitian lang siya ni Niles at nagsimula na itong kumain. Isang oras pa bago ang sunod na klase. Nag-uusap sina Mirage at Niles habang ako naman ay nakikinig lang sa kanila. Minsan pa ay napapatingin din ako sa kanilang dalawa. Napansin ko ang isang bagay na nakakuha ng aking atensyon. Ang kwintas na suot ni Niles at ang pendant nito. "Jewish Star of David" sabi niya, "simbulo ng ikaapat dimensyon." nagulat ako sa sinabi niya. Napansin niya siguro ang pagtitig ko sa kwintas niya. "Fourth dimension? Diba Heaven research mo 'yun sa Science dati?" tanong ni Mirage. "O-oo." matipid kong sagot. Nabaling ang atensyon ko kay Niles. Ibinaba niya ang hawak niyang kutsara at tinidor. Mukhang tapos na siyang kumain. "Anong alam mo sa ikaapat na dimensyon?" tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako at saka binigyan ng isang napakatamis na ngiti. "Marami." nakita ko na naman ang mga matang 'yon. Ang kanyang mga matang nangungusap. Niles, sino ka ba? Anong alam mo sa ikaapat na dimensyon? Niles' POV "ANONG alam mo sa ikaapat na dimensyon?" Napangiti ako sa kanyang tanong. Nakakatuwa si Heaven. Ang sarap niyang paglaruan. "Marami." magsasalita pa sana siya ngunit naunahan siya ng pagtunog ng bell. "Tara?" anyaya ko sa kanila. Tumayo na ako at sumunod naman sila. Kitang kita ko sa mukha ni Heaven na hindi siya mapakali. Ang mukhang makikitaan mo ng pagkasabik sa katotohanan. Tahimik lang kaming naglakad pabalik sa room. Napalingon pa ako nang maramdaman ko ang presensya niya. Nandito na naman siya. Ang anghel na 'yon, mukhang binabantayan niya ang bawat galaw ko. Papasok na kami ng room ng lingunan ako ni Heaven. "Niles, pwede ka bang makausap mamaya?" tanong niya sa akin. Nginitian ko lang siya. Naalala ko naman ang sinabi ni Crest sa akin bago siya kuhanin ng isang lupon ng mga anghel. *** "Pagkauhaw sa katotohanan, iyon ang maglalapit sa inyong dalawa." nasa gitna siya ng kagubatan habang hawak ang baston ng tadhana. "Crest." lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking palad. "Ngunit may isang balakid." napatingin ako sa purong puti niyang mata. "Ano ang iyong ibig sabihin?" "Katotohanan laban sa katotohanan." napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi. "Abo ang magiging kapalit ng bawat kasalanan..." Tumigil siya at biglang nanginig. "Paparating na sila!" sa di kalayuan ang isang lupon ng mga anghel ang paparating. Papunta ito sa aming gawi kaya agad akong nagtago. "Crest! Ipinatatawag ka ng hukom!" wika ni Daek, mensahero mula sa langit nang makalapag ito. Lalayo sana si Crest ngunit nahawakan agad siya ng mga ito. Ipinosas nila ang kanyang mga kamay at ikinadena ang mga paa nito. Rinig ko pa ang paulit-ulit niyang sabi... "Mamatay ang huling saling lahi at kapag nangyari ito, ang lahat ng puti ay magiging itim." *** Napangiti ako sa di ko malamang dahilan. Heaven, ano kayang gagawin mo kapag nalaman mo ang katotohanan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD