Rules
1.) The player must be present in the game. If caught being late or absent, three chess pieces will be confiscated.
2.) A new player must wear a mask before entering and leaving the venue. If playing with one of the Dieciseis, the player must remove the mask after the game.
3.) Any sound or talking during the game is prohibited. The referee of the game will confiscate three chess pieces from each player if violated.
4.) Player must secure their chess pieces. The Brotherhood is not responsible for any missing piece. Stealing is allowed.
5.) Romantic relationship between the players is prohibited.
6.) Only the referee has the right to change the color of a chess piece if the player wins the game.
7.) Losing in each game means losing a chess piece. A draw will be given to the player on what chess piece will be submitted to the referee. If a player wants to stop his/her game, he/she must call someone outside the venue to continue his/her game in exchange for the player's freedom.
8.) If all the chess piece changed their color, the player will be welcomed by the Brotherhood's tattoo and will be part of the Dieciseis.
Enjoy playing, future Dieciseis.
Kyzo's P.O.V
I put down the tablet and took a deep breath. After I read the rules, my anxiety increased.
In thirty minutes, the game will start and my heart beats going wild. This is a game without money involved. Hindi katulad sa ibang chess competition na may cash prize at trophy. But in the Brotherhood, the prizes are label, superiority and the Valknut tattoo.
Napatingin ako sa pinto nang makarinig ng tatlong katok. Agad na pinuntahan ko ito at nakita ang lalaking bellman na umaasiste sa akin.
"Good evening, Sir."
"Good evening."
Pinapasok ko siya at isinara ang pinto.
"May I ask if you have read the rules?" Nakangiti niyang tanong.
Pinanatili kong kalmado ang aking ekspresyon sa kabila ng kaba.
"Yes."
"Are you ready, Sir?"
Mula nang umalis ako sa bahay ay inihanda ko na ang sarili hanggang sa makapasok sa hotel ngunit lahat ng ito, maging ang kompyansa ko sa sarili ay unti-unting nilalamon ng kaba at takot. Marami na akong desisyon na nagawa sa buhay ko pero ito na yata ang pinakamahirap at hindi ko na mababawi dahil kailangan ko itong labanan at pagtagumpayan.
I took a deep breath before I answered.
"Yes, I am ready."
"Well, then. Please wear this mask and follow me to the game area."
Iniabot niya sa akin ang isang puting mask na hanggang noo ang matatakpan. Pinapalamutian ito ng red glitters sa gilid. Ang butas sa kaliwang mata nito ay hugis ng Valknut, an interlocking triangle.
Kinuha ko ang mask at tinungo ang vault kung saan ko nilagay ang Tablero de adheres. I opened the vault with my serial numbers I saw in my key card. Habang nakaharap sa vault ay sinimulan kong suotin ang mask. Kinuha ko ang Tablero de ahedres at mahigpit na hinawakan ang handle nito.
There is no turning back.
Nilingon ko ang bellman na umaasiste sa akin. Nakapaskil pa rin ang ngiti nito sa mga labi.
Isinara ko ang vault at nilapitan siya.
"Let's go." I said.
Binuksan niya ang pinto at lumabas kami ng kwarto ko.
Habang naglalakad kami sa hallway ay pansin ko ang katahimikan sa paligid. Marahil ay hating-gabi na at natutulog na ang mga guest ng hotel. Ito rin ang tamang oras para sa isang tagong laro rito sa Ahedres hotel.
Pumasok kami sa isang special na elevator at pinundot niya ang isang knight piece button.
Binalingan ko siya habang bumababa ang elevator na tanging kaming dalawa lamang ang lulan.
"May I ask?"
"Yes, sir."
"What is your position here? I mean, your real job in the Brotherhood." Tanong ko.
Mula nang pumasok ako sa hotel, siya na ang umaasiste sa akin. I want to know his real job inside of the Brotherhood.
"I am one of the bellmen in Ahedres Hotel, but in the Brotherhood I am called Auxiliar. We are responsible to invite and assist the new players."
Napatango ako sa narinig.
Ibig sabihin, isang Auxiliar pala ang napansin ko noon na tinitignan ang bawat galaw ko sa pagbisita sa hotel at nag-imbita sa akin.
"How many participants will be joining in tonight's game?"
Kahit na malaki ang hotel ay siguradong limitado lang ang tinatanggap nitong guests dahil sa participants ng Brotherhood.
"Surprisingly, there are two hundred players who will be playing tonight."
Two hundred? That's a lot!
Maraming participants pala ang sumali ngayon. Ibig sabihin ay maraming naghahangad na mapabilang sa Brotherhood at isa na ako roon. Kaya dapat lang na i-secure ko ang chess pieces ko. Mahihirapan akong hanapin kung sino man ang magtatangka na nakawin ito kapag nagkataon dahil sa dami ng players.
"Seems like you're nervous, Sir." Napapangiti niyang puna.
"Y-Yeah." Kinakabahang ngumiti ako sa kaniya.
Well, I can't help it! Sobrang kinakabahan ako. Iyong kaba ko ay halos umabot na sa bunbunan ko dahil sa papalapit na laro.
When the elevator door opened, we were welcomed by an elegant hallway. Ang kisame nito ay sinabitan ng chandeliers na nagbibigay ng malamlam na ilaw sa hallway. Mayroon din itong iba't-ibang uri ng bulaklak sa palibot ng chandeliers. Bawat pader naman nito ay gawa sa salamin dahilan para umangat ang kagandahan ng ilaw at bulaklak sa kisame. Ang sahig ay tila dagat sa gabi na kumikintab kapag tumatama ang liwanag ng buwan.
Lumabas kami ng elevator at naglakad.
Every sound of my footstep is the same sound of my heartbeat. This is not a deadly competition pero ganoon na lamang ang kabog ng puso ko. Parang gusto kumawala ng puso ko sa kaba.
Ganito rin kaya ang naramdaman ni Papa noong sumali siya sa Brotherhood? Nanalo kaya siya sa una niyang laro? Naranasan din kaya niya na matalo sa laban?
Ngayon ko lang na-realize kung gaano kaimportante ang kalayaan para sa isang tao. Para itong hininga. Mahirap humugot ng hininga kung may pumipigil para mabuhay ka at malayang langhapin ang kalayaan.
Huminto kami sa double door na may nakaukit na three dices. Nang buksan ito ng Auxiliar ay bumungad sa amin ang napakaraming tao. Iba't-ibang lahi ang narito. Katulad ko ay nakasuot din sila ng mask ngunit sa kabila ng nakatagong pagkakakilanlan ng bawat isa ay hindi maitatago ang isinisigaw na katayuan nila sa buhay. All genders are welcome to join the game but minors are not allowed to play. Puwede rin ang senior citizen at mukhang maraming matatandang players akong nakikita.
"Sir, I'll leave you here. If you need any help, just press the lock of your Tablero de ahedres."
Napatingin ako sa hawak ko na Tablero de ahedres.
Kakaiba ito sa karaniwan na lock ng isang chessboard. Just like the Brotherhood's tattoo, Valknut din ito. Bawat isang tatsulok nito ay magkakaiba ang kulay—white, red and black.
"Thank you." Pasasalamat ko.
"You're welcome and good luck with your game, Sir."
Nang umalis siya sa aking harapan, hinarap ko ang kumpulan ng mga tao. Inilibot ko ang aking paningin at nagbabakasakali na may pamilyar na kakilala akong makita ngunit bigo ako.
"Hi!"
Napalingon ako sa narinig at nakita ang isang babae na lumapit sa akin.
She looks older than me. I think, same age sila ni Mama pero bakas sa kaniyang nakatagong pagkakailanlan ang kagandahan at kasimplehan. Parang nakikita ko sa kaniya ang Mama ko.
"Hi." Ganting bati ko.
"First-time mo bang sumali rito?"
"Yes po. How about you, Ma’am?"
Sumilay ang kaniyang magandang ngiti.
"Just call me Raqueen. What's yours?" Pagbabalewala niya sa tanong ko.
Inilahad niya ang kaniyang kamay at tinanggap ko ito.
"Caballero."
Naramdaman ko ang bahagyang pagbagal ng pakikipagkamay niya sa akin at ang paghigpit nito. Nang bumitaw kami sa pakikipagkamay ay siya namang pag-akyat sa stage ng limang tao. Ang kanilang mga galaw at tindig ay may ipagmamayabang at isa sa kanila ay kilala ko kahit may mask ito. At walang iba kundi ang Papa ko.
Kahit nasa dulong bahagi ako ng game area ay yumuko ako, umaasang hindi madadaanan ng tingin ni Papa.
Is my karma for lying to my parents starts following me? Hindi pa nagsisimula ang laro pero gusto ko nang matapos. Halos sumakit na ang batok ko sa tindi nang pagkakayuko ko para lang hindi ako mapansin ni Papa.
'What is my father doing here? I know that he is one of the Dieciseis but today is Tuesday, not Friday!' Lihim na reklamo ko sa aking isipan.
"Good evening, ladies and gentlemen! Welcome to the Brotherhood! Tonight will be your first game. So, we, the Dieciseis are wishing each of you a good luck. Give your best shot to win the game and don't forget to enjoy it. Good luck, future Dieciseis!" Rinig kong sabi ng isa sa Dieciseis at nagpalakpakan ang lahat.
"Okay ka lang ba?" Rinig kong tanong ni Raqueen.
Dahan-dahan na inangat ko ang tingin sa kaniya at alangan na ngumiti.
"Y-yes. I am okay."
Bahagyang sumilip ako sa stage at nakitang bumababa na ang mga Dieciseis.
Naramdaman ko ang paglapat ng isang kamay ni Raqueen sa aking balikat.
"Kinakabahan ka ba?"
Umayos ako nang tayo at alangan na tumango.
"Okay lang na kabahan ka pero huwag mong hayaan na lamunin ka dahil ito ang matinding kalaban natin ngayon kumpara sa mismong laro. Let's enjoy the game, okay?"
Hindi ko alam kung bakit pero gumaan ang pakiramdam ko sa payo niya. Kahit na hindi ko makita ang itsura niya ay alam kong mabuti siyang tao.
"First-time niyo rin po ba na sumali rito?" Tanong ko.
Umiling siya ngunit napansin ko ang estrangherong emosyon sa kaniyang mga mata. "Hindi. Second-time ko na ito bilang manlalaro."
"Really? Paano po nangyari?"
Umiwas siya nang tingin sa akin.
"Players, please check your designated battle room number in your Tablero de ahedres. We will now start the game." Umalingawngaw ang boses ng announcer sa buong game area.
Sinipat ko ang gilid ng aking Tablero de ahedres. Bukod sa transparent ito, digital rin ito at nakita ko roon ang nakarehistrong battle room number ko.
"Mag-usap nalang tayo pagkatapos ng laro. Good luck and nice to meet you, Caballero." Nakangiti niyang sabi.
"You, too, Raqueen."
Tumango siya at umalis sa aking harapan.
Agad na tinungo ko ang nakatakdang kwarto para sa laro ko. Nang makita ko ito ay humugot ako nang malalim na buntong-hininga bago pumasok. Bumungad sa akin ang may katamtamang laki na mesa at dalawang upuan.
Sa gilid nito ay may naghihintay na isang referee, he's wearing a butler's uniform.
"Come in, Sir." He said, smiling.
Napalunok ako at pumasok sa kwarto. Umupo ako sa upuan sa bandang kaliwa. Ilang segundo lang ay dumating ang kalaban ko.
"Gentlemen, please place your chess pieces on the board." The referee announced.
Binuksan namin ang kani-kaniyang Tablero de ahedres at inilagay sa digital board na mesa.
My opponent has black chess pieces while mine is in red.
"Let us start the game with your piece, Caballero." Baling sa aking ng referee at pinindot ang timer sa digital desk na nasa side ko.
Sa larong chess ay may timer ang bawat isang manlalaro. Base sa nakikita kong timer sa digital desk, bawat isa sa amin ay mayroong one hour and thirty minutes para pagalawin ang kani-kaniyang chess pieces.
Huminga ako nang malalim at ginalaw ang pawn ko na nakalagay sa F2 papunta sa F4.
Hininto ng referee ang timer ko at sinimulan ang timer ng kalaban ko.
Bawat segundo ay mahalaga sa aming mga manlalaro dahil kapag naubos ang oras ng bawat isa sa amin ay wala na kaming karapatan na gumalaw ng isang chess piece at itatanghal na panalo ang may natitirang oras.
I play like how I played with my grandfather. Hindi naman matanda ang kalaban ko pero pareho sila ng Lolo ko maglaro. Kaya nang mapansin ko ang naging posisyon ng aming chess pieces sa digital board ay napangisi ako dahil sa butas na nagawa ng kalaban ko.
I looked at my red queen on B7. Hindi napansin ng kalaban ko ang black rook niya na nasa B8. Wala akong sinayang na oras at agad na kinain ng red queen ko ang black rook niya. Hinayaan ko na kainin niya ang red queen ko gamit ang black knight niya mula sa A6.
Napansin ko ang pagkuyom ng kamay niya na nakapatong sa mesa.
Alam kong napansin niya ang maling galaw na ginawa niya.
Iniusod ko ang red knight ko para kainin ang black pawn niya na nasa C7. By that move, I know who wins the game. Because that's how you do a...
"Checkmate. Caballero wins." The referee announced.
Inilabas ng referee ang draw ticket para sa natalo kong kalaban. Bumunot ang kalaban ko ng isang draw ticket, lumabas na mawawalan siya ng black pawn at binigay niya ito sa referee. Matapos nito ay niligpit niya ang kaniyang chess pieces na nasa digital board at agad na umalis sa kwarto.
Binalingan ako ng referee at binigyan din ako ng draw ticket para sa chess piece na mapapalitan ng kulay—tanda ng aking pagkapanalo. Lumabas na isang red pawn ko ang magiging puti. Kinuha ng referee ang isa sa pawn ko. Gamit ang maliit nitong susi ay pinasok nya ito sa ulo ng pawn at naging kulay puti.
"Congratulations on your first game, Caballero."
"Thank you." Nakangiti na sabi ko.
Niligpit ko ang chess pieces ko. Sa paglabas ko sa game room, hindi ko napigilan ang malapad na ngiti.
I won! I just won my first game!