Caballero Two

1929 Words
Kyzo's P.O.V Apat na pinto ang layo mula sa kwarto ko ay huminto sa harap ng nakasarang pinto sina Aina at ang lalaking kasama niya. Agad na binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at pumasok. Bahagya ko itong binuksan para sana marinig ang pag-uusap nila ngunit hindi ito umabot sa pandinig ko. Matiyaga ako na naghintay sa likod ng pinto nang makita ko ang pagdaan ni Aina. Agad na lumabas ako at hinila siya papasok sa kwarto ko. "Ano ba! Bitawan mo nga ako! Sino ka ba?!" Sigaw niya. Sinarado ko ang pinto at humarap sa kaniya. Nakita ko ang gulat sa kaniyang mukha nang makita ako. "Kyzo... A-anong ginagawa mo rito?" Binitawan ko ang kamay niya. Pinasadahan ko nang tingin ang kabuuan niya habang nakakrus ang aking mga braso sa ilalim ng aking dibdib. "Ako ang dapat magtanong niyan sa'yo. Anong ginagawa mo rito? Sino iyong kasama mo na lalaki? Is he your boyfriend?" Tila naiinis kong tanong. Iniisip ko pa lang na may relasyon silang dalawa ay kumukulo na ang dugo ko. Aina is used in wearing simple clothes. She doesn't like make-up and high heels. Tapos makikita ko siya na nakikipagkwentuhan at bihis na bihis kasama ang ibang lalaki. At ang nakakagalit pa ay kung bakit ang ganda-ganda niya ngayon. Kainis! "Hindi ko siya boyfriend." Kaila niya. Tinaasan ko siya ng kilay tanda na hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. Huminga siya nang malalim at hinawakan ang braso ko. "Bes, I'm telling you the truth. Nagkataon lang na pumunta rin siya sa party na dinaluhan ko kaya magkasama kami." "Bakit kailangan pa na ihatid mo siya sa kwarto niya rito sa hotel? Wala ka ring sinabi sa akin na pupunta ka sa party. Paano na lang kapag nangyari ulit na may naglagay ng pampatulog sa iniinom mo?" I may sound protective but I don’t like it to happen again. The last time na pumunta siya sa party ay nawalan siya ng malay dahil sa nilagay na pampatulog sa alak niya. Mabuti na lang at tinawagan ako ng kaibigan namin dahil may ginagawa akong photoshoot that time malapit sa bar kung saan ito nangyari. Sinabi nila sa akin na may lalaki raw na kausap si Aina at nang tignan nilang muli ang direksyon nito ay wala na ang lalaki at nakasalampak na sa upuan si Aina. We asked for CCTV footage sa lugar pero deleted na ito nang maabutan namin. Kaya hindi maalis sa sistema ko ang mag-alala kapag pumupunta siya sa party. "Huwag kang mag-alala. Hindi ako uminom ng alak kahit tulo lang. Takot ko lang sayo kapag nagising ako na nakataas na naman itong kilay mo." Sabi niya habang inaayos ang salubong kong kilay. "Selos ka ba?" Tila pang-aasar niya pa sa akin. Natawa ako sa sinabi niya at napatingin sa kaniyang mga mata. Magkababata kami ni Aina at hilig niya akong asarin. Idagdag pa na binu-bully ako noon ng mga kalaro namin dahil sa katabaan at bagal ng kilos ko. Kaya habang lumalaki kami ay nagpursige ako na magpapayat by doing exercise and eating healthy foods at para na rin hindi mapaaway si Aina kapag pinagtatangol niya ako sa nang-aasar sa akin noon. I am the guy. I should be the one who will protect her, not the other way around. 'Oo.' Lihim na sabi ko sa aking isip. "Ako? Magseselos? Hindi, ah." Kaila ko at inakbayan siya papunta sa maliit na living room. Pinaupo ko siya sa sofa at binuksan ang TV saka pumasok sa kwarto ko para kumuha ng jacket at kumot. Dumaan din ako sa kusina para kumuha ng snacks. Bumalik ako sa living room at nilapag sa center table ang snacks at isinuot sa kaniya ang jacket at tinakpan ang legs niya ng kumot bago ako naupo sa tabi niya. "Ano nga pala ang ginagawa mo rito? May business meeting ka ba?" Tanong niya habang ngumunguya ng snacks at nakatingin sa akin. Itinuon ko ang tingin sa TV at uminom ng soda. "Wala. Just chilling." Tipid kong sagot. Hindi ko puwedeng sabihin sa kaniya kung bakit ako nandito sa hotel because I know Aina, siguradong sasabihin niya sa parents ko kung nasaan ako. Masisira ang plano ko kapag nagkataon. "Where's Tita Blaine and Tito Adler? Kasama mo ba sila? Si Kyla?" Sunod-sunod niyang tanong. Umiling ako. "Just me." Napaigik ako sa sakit ng hampasin niya ako sa braso. Nilingon ko siya habang hinihimas ang braso ko. "What was that?" "Ang tipid mo sumagot." "Why? Gaano ba kahaba na sagot ang gusto mong marinig?" "Ang boring kasi ng sagot mo. Parang ayaw mo akong kausap. Nakaistorbo yata ako sa 'chilling' mo." She emphasized the word chilling. "Aalis na nga lang ako." Akmang tatayo siya nang pigilan ko siya sa kamay. Napabuntong hininga ako. "Sorry." Tinitigan niya ako nang matagal bago bumalik sa upuan. "Tell me the truth. Chilling lang ba talaga ang pinunta mo rito sa hotel?" Seryoso niyang sabi. Hindi ko pinansin ang tanong niya at kinuha ang soda ngunit pinigilan niya ang kamay ko. "I know you since we were young. Kaya wag kang maglilihim sa akin, Kyzo. You know that I don't like a lying friend." Yes, I know that. She doesn't like people who are lying to her. Kaya ako lang ang tumagal na kaibigan niya dahil lahat ng kababata namin ay nagsinungaling sa kaniya noon. Nanatili akong totoo sa kaniya at hindi nagsinungaling. Maliban na lang sa matagal ko nang nararamdaman para sa kaniya. She's my childhood crush. Ngunit habang lumalaki kami ay naging malalim ang nararamdaman ko para sa kaniya. I won't tell her that I love her because I am afraid and she'll be distant once she knows it. I held her hand and looked at it. "I'm just chilling here," inangat ko ang tingin sa kaniya. "I decided to take a break from work to relieve my stress. Alam mo naman na hindi ako inspired to draw and take pictures kapag marami akong iniisip." Hindi pa rin inaalis ni Aina ang tingin sa akin na tila inaarok kung nagsasabi ako ng totoo. And now, I hate myself for lying to her. Pero sisiguraduhin ko na hindi niya malalaman ang dahilan ko sa pag-stay sa hotel. Hindi niya malalaman. Ngumiti ako at inipit ang kaniyang pisngi. "Ang pangit mo." Pang-aasar ko. Inis na tinanggal niya ang kamay ko at kinurot ang pisngi ko. "Aray! Stop!" Sigaw ko dahil napakasakit niya mangurot. Mas masakit pa sa kurot ni Mama at alimango. Pilit na tinatanggal ko ang kamay niya sa pisngi ko. "Ikaw ang pangit! Simula nang pumayat ka, hindi ka na gwapo." Binuhos ko lahat ng lakas ko para lang matanggal ang kamay niya sa pisngi ko. Agad na minasahe ko ang pisngi ko at sinamaan siya ng tingin. "You will regret what you did to my cheeks." Banta ko at tangkang kikilitiin siya nang makarinig ako ng tatlong katok. "Housekeeping." Nahinto ako at napakunot-noo, maging si Aina ay nagtaka. "Housekeeping? Nagpatawag ka ba ng hoosekeeper?" Taka niyang tanong. "No." Sabi ko at tumayo para puntahan ang pinto. I was expecting a housekeeper pero ang bumulaga nang buksan ko ang pinto ay ang lalaking bellman na umasiste sa akin ng dumating ako sa hotel. "Yes?" Nakita ko ang pagtagos ng kaniyang tingin sa loob ng kwarto ko at binalik ang tingin sa akin at ngumiti. Iniabot niya ang isang tablet. "Please read the rules before the game begins at midnight." Tila naging bulong ang sinabi niya. "This midnight?" Gulat na tanong ko. "Yes, Sir." I didn't expect na ganito kabilis ang magiging unang laro ko, idagdag pa na hating-gabi ito mangyayari. Sanay naman ako sa puyatan dahil sa trabaho ko sa KYS Photography at sa KArS Manufacturing. Nakaramdam ako ng kaba nang maalalang muli ang sinabi niya kanina. "O-okay. Thank you for this." Sabi ko at inangat ang tablet. "You're welcome, Sir." He bowed. After I closed the door, bumalik ako sa living room at naupo muli sa tabi ni Aina. "Uwi na ako." Sabi niya at nagsimulang tanggalin ang kumot at jacket sa katawan. Pinigilan ko siya sa kamay. "Wait. Can you stay here tonight?" Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na sabihin iyon sa kaniya pero nangangamba ako na baka ito na ang huling pagkakataon na makikita ko siya. I want to be with her tonight, just for this night. Sandaling tinitigan niya ako ng seryoso bago sumilay ang kaniyang magandang ngiti. "Ayoko nga. Baka mamaya may binabalak kang masama sa akin. Ang ganda-ganda ko pa naman ngayong gabi." Sabi niya at maarteng hinawi ang mahaba niyang buhok. Sa kabila nang takot at kaba na nararamdaman ko ay napangiti ako. I can't promise to behave myself but I am contented to be with her, to see her, and to love her. Magawa ko lang ang mga bagay na iyon, panatag na ako. Wala na akong hihilingin pa. "You think I would do that?" Tanong ko habang tumatayo. "Bakit? Hindi ba?" "Gusto mo ba?" Balik tanong ko. Napansin ko ang pamumula ng kaniyang pisngi. Natatawang ginulo ko ang kaniyang buhok. "I am just kidding." Inis na pinalo niya ako sa braso. Napaaray ako sa sakit ng palo niya. "Let's go. Ihahatid na kita sa baba. Baka magkapasa pa ako sa palo mo." "Okay." Lumabas kami sa kwarto at sumakay sa elevator. Habang nasa loob kami ng elevator, napansin ko ang pagtingin ng isang lalaki sa repleksyon ni Aina sa elevator. Pasimpleng pumwesto ako sa harapan ni Aina at tinitigan ang lalaki sa repleksyon nito sa elevator. Kita ko ang inis niya sa ginawa ko. Nang bumukas ang elevator ay hinawakan ko sa kamay si Aina. Hindi naman siya pumalag. Napalingon ako nang huminto si Aina sa paglalakad. "Bumalik ka na sa kwarto mo. Kaya ko na ang sarili ko." "Are you sure?" "Yeah. Saka hindi naman ako kasing hina ng suot ko na nakikita ng mga taong nakatingin sa akin. Amazona kaya 'to." Tinapik niya pa ang balikat niya sa huling sinabi. Natawa ako sa sinabi niya. No one would think that she's a lady dahil sa likod ng kaniyang porma ngayon ay ang matapang na Aina Ynez. "Can you visit me here?" I asked. Pakiramdam ko ay isa akong preso na umaasang bibisitahin ng kaniyang mahal sa buhay mula sa labas ng kulungan. Tumango siya. Nakahinga ako nang maluwag sa sagot niya kaya hindi ko napigilan ang sarili na yakapin siya nang mahigpit at damhin ang kaniyang katawan. I will miss her that’s for sure. I don't know what will happen in my game but I need to do my best para makalabas at malayang makasama ang mga mahal ko sa buhay. Humiwalay ako ng yakap sa kaniya at hinubad ang suot kong cardigan at isinuot sa kaniya. "Take my cardigan. Huwag kang lalabas na ganiyan ang suot mo. Baka ikulong kita." Hindi makapaniwala na tinignan niya ako. "Bakit ako ang ikukulong mo? Wala ba kaming karapatang mga babae na magsuot ng gusto naming damit?" "We both know na hindi ka mahilig sa ganiyang porma. Huwag kang mandamay ng ibang babae, iba ka. Tibo ka at walang tibo na nagsusuot na kita ang balat." Boyish kasi ang tipo niyang porma kaya kahit sino na kakilala namin na makakita sa porma niya ngayon ay siguradong magugulat. "You're pissing me off, Sullivan." Inis niyang turan. "Then be it, Ynez." Pang-aasar ko sa kaniya at in-emphasize ang kaniyang apelyido. Inis na hinampas niya ako sa braso at lumabas ng hotel. Naghintay muna ako ng ilang minuto bago ako nagpasya na bumalik sa aking kwarto na may ngiti sa mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD