Kyzo's P.O.V
"Sigurado ka bang sa akin na ito?" tanong ni Aina habang hindi makapaniwala sa kaniyang hawak.
"Yes."
After taking a few minutes break, we decided to continue our game and that was a tough break! I excused myself to buy snacks at the convenience store kahit marami pa akong stock sa kitchen cabinet, ngunit hindi talaga iyon ang reason ko, dahil kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. The heat was too intense for me. Lumaklak na rin ako ng malamig na tubig at pagsabay sa bilang ng oras para lang kumalma ang dapat kumalma. Thankfully, it calmed down.
"Wala nang bawian ha?"
Tumango ako at tinaas ang kanang kamay. "I promise."
"Yes!" Tuwang-tuwa na nagtatalon siya sa ibabaw ng kama ko.
Well... Ito ang napagkasunduan namin kaya dapat lang na ibigay ko sa kaniya ang bet na gusto niya kahit labag sa kalooban ko.
Iyon ay ang latest costumized car na gamit ko papunta rito sa hotel at ako mismo ang gumawa ng design niyon. It was a navy blue car with white flames design. Ang dalawang car seats niyon ay kulay itim at may neon white sa gilid para i-highlight ang hugis ng apoy. May car key remote iyon na nangangailangan ng fingerprint ng driver kapag papasok sa kotse o kailangan i-start ang engine dahil ang kotse na iyon ay designed na walang key hole.
I made that design for a month tapos mawawala lang sa akin sa loob ng apat na araw. Pero kung iyon ang makakapagpasaya kay Aina, hindi ako magdadamot para sa kaniya.
Nanlaki ang mga mata ko nang tumalon si Aina mula sa kama at mabilis na kumilos ang katawan ko nang makitang na-out of balance siya.
Umayos siya nang tayo at malapad na ngumiti. "Thank you. Ang bait mo talaga, bes.”
Ramdam ko sa tono ng kaniyang boses kung gaano siya kasaya pero hindi ako natuwa sa tinawag niya sa akin. Maraming beses ko nang naririnig sa kaniya na tinatawag niya akong Bes, but this time, I felt a pinch of pain in my heart.
Dahan-dahan na inalis ko ang mga kamay niya sa leeg ko at seryosong tinignan siya. "Hindi sa lahat ng oras ay mabait ako. I could turn into a dangerous beast if lose my sanity."
Nakita kong unti-unting nabubura ang masaya niyang ekpresyon.
Tumalikod ako at kinuha sa bedside table ang wallet ko. Bumalik ako sa harap niya at nilabas ang sampong libo. "Sagot ko na ang gasoline mo. Just tell me kung wala ka ng budget para mabigyan kita."
"W-wag na. Nakakahiya." Pagtanggi niya.
"Ngayon ka pa nahiya? Matapos mong kunin ang favorite kong kotse?"
"Hindi naman kasi kasama sa bet natin ang free gasoline. Saka may pera naman ako, kahit full tank pa kaya kong bayaran."
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Kaninong kotse ba 'yon? Sa akin, di ba? Kaya dapat ako ang magbabayad ng gasolina."
"Sa'yo nga, three minutes ago. Pero ngayon, sa akin na. Kaya ako na ang magbabayad ng gasolina. Sandali nga, asar ka ba sa akin?"
"Ako, asar? Of course not. Nag-aalala lang ako kung paano ako uuwi na walang kotse kasi kinuha mo."
"Excuse me, hindi ko kinuha. Binigay mo kaya sa akin. Saka mag-commute ka. Problema ko pa ba 'yon?"
Hindi makapaniwala na tinitigan ko siya habang siya ay malapad ang ngiti na pinaikot-ikot sa hintuturo niya ang car key remote ng kotse.
Huminga ako nang malalim at napailing.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina para kunin ang ice cream. Inabot ko ito kay Aina. "Bring this with you. Ipatikim mo kina Tito Gordon at Tita Fay," Tukoy ko sa parents ni Aina, "...o kaya sa kapatid mong si Aram."
Takang tinanggap niya ang container.
"Ayaw mo ba sa lasa?"
"Of course, I liked it. Pero baka hindi ko maubos dahil mag-isa lang akong kakain. Saka para makatikim rin sila ng bagong flavor."
Mas mabuti na ring wala ang presensya ng ice cream sa refrigerator at baka kung ano-ano na ang maisip ko at tuluyan ko nang makalimutan ang lasa ng totoong ice cream. Hindi naman ako ganito mag-isip kapag magkasama kami ni Aina. Normally, I talk to her without malice. Pero ngayon na may physical contact na kami, may mga naglalarong imahe na sa isip ko.
"THANK YOU SA PANG-FULL TANK." Sabi niya at binulsa ang sampong libo na bigay ko.
Nasa parking lot kami at sinamahan ko siya. Pinindot ko ang pangalawang button sa car key remote para buksan ang pinto sa driver's seat. Hinarang ko ang kamay ko sa ulo niya sa pag-upo sa driver's seat para hindi siya mauntog. Sa pag-upo niya sa driver’s seat ay manghang hinaplos niya ang dashboard at manibela. I can see in her facial expression that she likes it and it suits her taste. Pero may parte ng puso ko ang umaasa na sana ay ganoon niya rin ako titigan. Yumuko ako para ikabit ang seat belt niya saka tumayo at namulsa habang tinitignan siya.
"Drive safely and take care, baby.” Tila natural na lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko.
"A-ano?" Gulat niyang tanong.
Damn it! What the heck did I said?
"Ha? I mean, the car. My baby." Natatarantang sabi ko.
"Oh, okay. Siyempre aalagaan ko ito. Don't worry of this baby, because this baby is mine." Sabi niya at hinaplos ang manibela.
Mahinang natawa ako sa sinabi niya at kinagat ang ibabang labi ko.
Why does it so sound sexy? Paano pa kaya kung…
Ipinilig ko ang ulo sa naisip.
Damn it! I am starting to hate that ice cream now dahil hindi na naman tumitino ang utak ko.
"Alis na ako. Baka matunaw itong ice cream."
"Ilagay mo sa ilalim ng passenger's seat. May mini fridge d'yan." Tinuro ko kung nasaan iyon.
"Ang astig naman nito! Mabuti nalang at ito ang nilagay ko sa bet." Rinig ko ang tuwa sa kaniyang sinabi.
Hindi talaga siya nagkamali ng piniling bet dahil nag-iisa lang ang kotseng ito at hindi pa in-introduce sa market.
Kumaway ako habang pinanood ko ang papalayong si Aina tanggay ang kotse ko. Nang mawala na ito sa paningin ko ay pumunta ako sa first floor ng hotel.
Pagdating ko sa first floor ay agad na hinanap ng mga mata ko ang Auxiliar, hanggang sa namataan ko siya na nag-a-assist sa dalawang guests. Hinintay ko na matapos niya ang pag-assist sa dalawa saka ko siya nilapitan.
"Hey." Tawag-pansin ko sa Auxiliar.
I don't know his name dahil kapag malapit ako sa kaniya ay nabubura ang kaniyang pangalan.
Lumingon siya sa direksyon ako at sinabayan ko siya sa paglalakad. "You need something, Sir?"
"Yes." Pasimpleng nagmasid at nakiramdam ako sa paligid. Nang sa tingin ko ay safe kung saan kami patungo, mahina ang boses na nagsalita ako, "I need your help. I need you to steal four chess pieces now."
Ngayon ay kailangan ko nang magnakaw ng chess pieces bago ang laro ko mamayang hating-gabi. Hindi ako pwedeng lumaban na kulang ang chess pieces ko dahil noong huling laro ko ay nahirapan akong maglaro na kulang ng chess pieces.
Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. "I am sorry, Sir. But I am not allowed to do that. Only players, like you, are allowed to steal a chess piece."
Gulat na tinignan ko siya.
Ano? Ako ang gagawa niyon?
"But how? I don't know to steal. In this big hotel, it will take me months to steal it from someone who is also a player like me. Another thing is, I don't have any idea of who are the players here."
Baka mamaya maling tao ang mapagkamalan ko at magkaproblema pa.
Dahil sa rules na kailangan naming mag-mask bago magsimula ang laro, walang chance na makilala ko ang mga nakalaban ko o ang ibang players. Kalahati lang ng mga mukha nila ang nakikita ko.
Maliban nalang kay Raqueen, the woman that I met on the first day of the game. Narinig ko na ang boses niya ngunit hindi ganoon kalinaw ang natatandaan kong mukha niya dahil sa ilaw sa game room. Pero kung maririnig kong muli ang boses niya, baka makilala ko siya.
Ngunit paano? Sa daming guests ng hotel ay maliit ang chance ko na makita siya.
"I am really sorry. I can't help you to distinguish of who are the players here. It is confidential and we have to protect their identity and whereabouts."
"Then how am I suppose to steal if I don't know them?"
Wala man lang hint kung sinu-sino ang players ng Brotherhood?
Ngayong nasa sitwasyon ako kung saan nakasalalay ang buhay at laro ko sa chess pieces, ang hirap mag-isip at kumilos. Maging ang palad ko ay nanlalamig at ang katawan ko ay hindi mapakali. Hindi ko dapat hinayaan na malawan ako ng chess pieces dahil ilang araw pa lamang mula nang magsimula ang laro. Kapag nagtuloy-tuloy ito ay mahihirapan akong bumalik sa laro.
Tumabi sa kinatatayuan ko ang Auxiliar at tinanaw ang mga taong naglalakad sa first floor.
"Look around here, Sir. You can see every guests of Ahedres Hotel but you will notice the difference between a guests who are taking their leisure time inside the hotel and a player like you whose looking for a prey."
Sinundan ko kung saan siya nakatingin.
Mula sa pwesto namin ay kitang-kita ko ang galaw ng mga taong naglilibot at nag-e-enjoy sa loob ng hotel. Ang mga kabataan na masayang nag-pi-picture habang nakaupo sa apat na dices na hanggang hita ang taas. May mga pamilyang malalapad ang ngiti na lumabas mula sa restaurant na tila busog na busog at nasiyahan sa kanilang kinain. But not all of them have an accompany, some of them prefer to be alone to freely enjoy their leisure time.
Hanggang sa may napansin akong isang lalaki na prenteng nakaupo sa isa sa apat na dices at isang babae na may kausap sa cellphone pero ang mga mata ay tila nagmamasid sa paligid. I think they are in their mid thirties.
"Looks like you saw a target, Sir."
Napatingin ako sa Auxiliar. He gave me a smile but his eyes are telling me that I found my victim and I should take that chance before anybody would grab it.
Napangisi ako. "Thank you."
"You're welcome and goodluck, Sir." Nag-bow siya at umalis para mag-asista sa panibagong guests na pumapasok sa hotel.
Bumalik ang tingin ko sa taong pupuntiryahin ko. Nanatili pa rin siya sa kaniyang puwesto. Hindi ko alam na magagamit ko pala sa larong ito ang isang katangian ko na gustong-gusto ng mga taong nakakakilala sa akin.
I heaved a deep breath. Hinanda ko ang ngiti sa aking mga labi bago nagsimulang humakbang sa direksyon niya. Nang huminto ako sa harapan niya ay umangat ang kaniyang tingin.
"Hi!" Masayang bati ko sa babaeng kunwaring may kausap sa cellphone.