Caballero Eleven

2671 Words
Kyzo's P.O.V "H-hi," kimi niyang bati at ibinaba ang kaniyang cellphone. Pinanatili ko ang ngiti sa aking labi. "Nakakaistorbo ba ako sa 'yo?" Umiling siya, "Hindi naman," at inipit sa kaniyang tainga ang takas na buhok. "Maupo ka," umusod siya para paupuin ako. Napansin ko ang pagsulyap sa akin ng lalaki na kanina ay prenteng nakaupo sa tabi ng babae. Inilahad ko ang kaliwang kamay ko sa babae. "I'm Kee. And you are..." "Ella." Nagsimula akong makipagkwentuhan kay Ella habang pinapakiramdaman ang lalaki sa tabi. Habang tinitignan ko ang bawat galaw nilang dalawa kanina, napansin ko ang tila pakikinig ng lalaki sa babae at maya't-maya ang pagsulyap sa bawat taong lumalabas at pumapasok sa elevator. Napansin ko rin na hindi komportable si Ella sa lalaki kaya't si Ella ang nilapitan ko. It's like killing two birds in one stone. "Guest ka ba rito sa hotel?" Napalingon ako kay Ella nang magsalita siya. Agad na ngumiti ako sa kaniya. "Nope. Sinamahan ko lang mag-check in dito sa hotel ang kaibigan ko. How about you? Bakit mag-isa ka lang dito?" "May kasama ako," mula sa kaniyang pagngiti ay napalitan ito ng inis, "kaya lang iyong damuhong kong kasama, iniwan ako sa kwarto matapos kunin ang pera sa wallet ko! Hayop na iyon! Mapapatay ko talaga siya pag nakita ko siya!" Nagulat ako sa biglang pagtaas niya ng boses, maging ang lalaking katabi ko ay gulat na napatingin sa babae. Nasundan ko nang tingin ang lalaki nang tumayo siya at umalis sa kaniyang kinauupuan. Nakita ko ang paglapit ng lalaki sa isa sa bellman at bakas ang kaniyang inis habang kinakausap ito. Nang mapatingin ako sa nameplate ng bellman ay unti-unti itong nagbago ng kulay. Napangisi ako. Tama ang hula ko na isa siya sa players ng Brotherhood. Madali ko siyang nahalata kanina dahil sa pagtingin niya sa gawi kung saan ang elevator. Lahat ng guests at players na naka-check-in dito at bababa sa first floor ay maaaring gamitin ang apat na elevators, maliban sa ikalimang elevator na exclusive lamang sa Brotherhood at makikita ito sa exit. Tanging Auxiliars lamang ang puwedeng mag-operate niyon at hindi namin ito p'wedeng gamitin na walang Auxiliar na kasama. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tumayo. Alangan na ngumiti ako kay Ella. "Ella, I am sorry but I have to go. Nakalimutan kong may appointment pala ako sa dentist ko ngayon. Nice to meet you," pagdadahilan ko. "Sandali, Kee," pigil niya sa akin, "P'wede bang makuha ang number mo?" Inabot niya ang cellphone niya. "I'm sorry, but I can't. Magagalit ang asawa ko and she's my dentist," I shook my shoulders and left her with amusement in her eyes. Sobrang gasgas na ang alibi kong ito. Tuwing may babae na hihingi ng number ko ay lagi kong idinadahilan na may asawa na ako at dentist siya. Kapag hindi naniwala sa alibi ko ang babae, I always seek help from Aina and ask her to come to where I am and ask her to bring her lab coat because she's a dentist. Agad na hinanap ng mga mata ko ang direksyon ng lalaki. Nakita ko siyang naglalakad papunta sa common elevator. Sumabay ako sa mga guest na papasok din sa common elevator. Pumwesto ako malapit sa elevator button. Bawat bukas at sara ng pinto ay animo'y gusto ring lumabas ng puso ko. I am freaking nervous. Napupuno ang utak ko ng mga ideya kung ano ang susunod kong gagawin kapag narating na namin ang floor kung saan sya nag-i-stay, ngunit ni isang ideya ay wala akong mapili. First time ko itong gagawin, kaya dapat lang na maging malinis ang kilos ko para hindi mahalata ng lalaki na isa akong player at siya ang target ko na nakawan. Umaasa ako na kahit nakita na niya ang mukha ko ay hindi niya nahalata na may hidden agenda ako sa paglapit ko kay Ella kanina. Sa pagbukas ng pinto sa 28th floor, lumabas ang lalaki. Lihim na sinundan ko siya. Maingat akong naglakad at nagtago sa palikong daan kung saan makikita ang mga pinto ng kwarto. Mula sa aking kinatatayuan ko, nilabas ko ang cellphone ko. Umupo ako at pinuwesto ang cellphone ko sa sahig at ginamit ang camera nito para makita kung aling pinto ang kaniyang bubuksan. Agad na kinuhaan ko siya ng litrato nang buksan niya ang pang-anim na pinto mula sa kanang bahagi ng mga kwarto. Mabilis na binulsa ko ang cellphone ko at umalis. Ginamit ko ang hagdan sa exit papunta sa kwarto ko. Napabuga ako nang hininga nang makapasok. First step palang ang nagagawa ko sa plano pero abot-abot na ang kabang nararamdaman ko. Next step, I need to change my clothes and wear a cap. Kung hindi ako magpapalit ng damit ay siguradong makikilala niya ako at magkakaroon siya ng ideya kung anong status ko rito sa hotel. Pumasok ako sa kwarto at naglabas ng panibagong damit. Inihanda ko ang black fitted long sleeves, black pants at black football cap at ipinatong ang mga ito sa kama. Mamayang gabi ako babalik sa 28th floor. Hindi magandang halimbawa ang gagawin ko pero dahil hinihingi ng pagkakataon ay kailangan ko itong gawin para makuha ang chess pieces na kailangan ko para sa laro. Napalingon ako sa cellphone ko nang marinig itong tumunog. "Hello." sagot ko. "Hey, bro!" masayang bungad niya. "Shift, what's up?" Shift is one of my photographers in KYS Photography, he's a trustworthy friend. I met him when I visited an exhibition in Cebu. That day, my eyes were captivated by two pictures on the wall. Then I found out that he was the one who captured those wonderful pieces. I bought it and invited him to join in my company. Currently, I am his boss but I don't like him calling me sir or boss, same with the other employees in my studio. I want them to feel comfortable when talking to me. Para hindi silang mailang kapag may ideas or input sila sa ikagaganda ng studio. "Bro, the car you made and gave me? It's so cool! My siblings envied me for having that amazing car! I feel proud! Naisuntok ko sa pagmumukha ng mga siraulo kong mga kapatid na walang-wala sila sa kotse ko! Haha! Even Dad loves the design. He wants to buy one after his retirement. Thanks, Bro!" "That's great! I am glad to hear that you like it. Tell Uncle Barry I'll make him one for his retirement." Before coming here in Ahedres hotel, I informed him na ma-de-delay ng three days ang pag-deliver ng mga kotse dahil kinailangan na masigurong high quality ito at walang magiging aberya. "By the way, kaya ako napatawag ay dahil kay Miss Aina." "What about her?" Naglakad ako sa papunta sa vault at kinuha roon ang Tablero de ahedres ko. "Pumayag ka bang gamitin ni Miss Aina ang kotse mo? Nakita ko kasi kaninang naka-park sa clinic niya noong nag-pa-pasta ako ng ngipin." "Yes. I gave it to her." "Oh. I see." Binuksan ko ang Tablero de ahedres at tinignan ang chess pieces na nabawas sa set ko. Four chess pieces ang wala sa akin: two pawns, one knight and one rook. "I didn't know na panlalaki pala ang style ni Miss Aina pagdating sa kotse. Kahapon kasi nakita niya sa office ang isa sa kotse na bigay mo sa akin. Tinanong niya kung galing sa KArS ang kotse. I told her that you made and gave it to me as a gift. Biniro ko pa na i-seduce ka para gawan mo siya ng kotse. I think she took my advice," then he laughed. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Pumunta si Aina sa office? When?" "Sinamahan niya ang friend niya para mag-apply na model sa studio kahapon." Napatango-tango ako sa narinig. "Where are you, anyway?" tanong ni Shift. Napangisi ako, "Its a secret, bro. I can't tell you." "Dang it! Kyzo, bro, huwag mong gagamitin sa masama ang pangalan ko, ha? Kapag nalaman ko na may illegal kang ginagawa gamit ang pangalan ko, bubugbugin kita kahit five percent chance lang ang probability na manalo ako sa'yo dahil sa laki ng katawan mo." He is three years older than me and he is a little bit skinny. Kaya lagi rin siyang binu-bully ng mga kapatid niya na malalaki ang katawan. I chuckled, "Chill, bro. Your name is clean and safe. Don't worry." "If it's not because of the famous KArS manufacturing with the high quality costumized cars at sa magagandang designs na gawa mo, hindi ko talaga tatanggapin itong mga kotse. The next time na may favor kang hihingin sa akin, ihanda mo na ang hundred millions mo." Natatawang tumango-tango ako kahit hindi niya nakikita, "Yeah, yeah." Maybe after I became one of the Diesicies, ibibigay ko ang gusto niya as a token of appreciation. We talked for an hour about the incoming projects for next month, maging ang pagpili sa mga model na nag-a-apply ngayon sa studio. "Shift, please don't tell Aina that I am using your name right now." "Sure! No problem." "Thanks, bro." After talking to Shift, binalik ko sa vault ang Tablero de ahedres at pumasok sa kwarto para magpalit ng damit. Then I picked up my phone on the sofa and typed a message for Aina. 'Are you busy?' After five minutes, I received a reply. 'No. Why?' She replied. 'Can you visit me on Saturday morning in my hotel room?' Naghintay ako ng reply pero inabot na ng isang oras ay wala akong natanggap. Pasalampak na umupo ako sa sofa at tumingin sa kisame. Every time Aina and I doing a random games, we always have a bet. She got my car because she won in playing chess with me. But, why do I feel betrayed? Nang walang makuhang sagot sa naguguluhan kong isip ay naiinis na bumangon ako at umalis sa kwarto. I took a deep breath before pushing the exit door and stepped out to begin my mission. I am freaking nervous. The beat of my heart starts to sound like what I always hear in a thriller movies. I tried to control it but it just tightens my chest and stops me from breathing. Ang plano ko ay kunin ang atensyon ng lalaki sa pamamagitan ng housekeeping upang makapasok ako sa kwarto niya. But by doing that, I need to pour a bottles of fish sauce infront of his door. Bumili na ako kanina ng patis sa convenience store bago ako pumunta rito. Nagpalinga-linga ako at pinakiramdaman kung may tao sa paligid. Nang masigurong walang tao sa paligid ay maingat na naglakad ako sa hallway at sinimulang buksan ang mga bote saka binuhos ang laman nito sa carpeted na sahig. Dinamay ko na rin ang mga kasunod na rooms para magmukhang aksidente lang ang pagkakabuhos sa sahig. Agad na nanuot sa ilong ko ang masangsang na amoy ng patis at napatakip ng ilong. Nang maubos ang laman ng mga bote ay agad na bumaba ako sa first floor at nilapitan ang male front desk. "Excuse me." Rumehistro agad ang ngiti sa kaniyang labi, "Good afternoon, Sir. How may I help you?" "Can you send housekeepers to 28th floor? There's a foul smell on the floor." "Sorry for the inconvenience, Sir. Don't worry, I'll send the housekeepers right away." "Thank you." I felt sorry for the housekeepers because of what I did. But I have no choice, I need them to execute my plan. Maybe later, I'll compensate them for helping me. Tinapon ko sa basurahan ang mga bote ng patis at sandaling dumaan sa convenience store para bumili ng isang junk food bilang props at black mask. I don't eat junk food because of my diet. Muling sumakay ako sa elevator at bumaba sa 28th floor. Sinuot ko ang biniling mask habang palabas ng elevator. Sumilip ako sa palikong daan ng hallway at nakita ang mga housekeeper na sinisimulang linisin ang duming ginawa ko. Napatingin ako sa bulsa ko nang maramdaman ang pag-vibrate nito. Kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko at binasa ang natanggap na message. 'Sorry, late reply. Sige, pupunta ako diyan Saturday morning. May gusto ka bang ipabili sa akin?' Text ni Aina. Nagsimula akong magtipa ng reply. 'Just you and my baby.' Tukoy ko sa kotse na binigay ko sa kaniya. "Anong nangyayari rito?" Nahinto ako sa pagtipa dahil sa boses na narinig. Bahagyang sumilip ako habang binabalik sa bulsa ang cellphone ko. "Bakit nag–oh sh*t! Ano'ng amoy iyon? Ang baho! Amoy p*ke," Agad na napatakip ng ilong ang lalaki. "Pasensya na po sa abala, Sir," hinging paumanhin ng lalaking housekeeper, "Nililinis na po namin para hindi kumalat ang amoy sa hallway at sa mga kwarto po ninyo." Mula sa kwarto ng lalaki ay may guest na nagbukas ng pinto at nalukot ang mukha dahil sa amoy ngunit bumalik din ito sa loob nang makita ang paglilinis ng isa sa dalawang housekeepers malapit sa pinto nito. "Kung ganoon, isama niyo na rin ang kwarto ko sa lilinisin. Kaya pala ang baho-baho eh." "Masusunod po." Malapad na binuksan ng lalaki ang pinto at lumabas ng kwarto. "Siguraduhin ninyong malinis at mabango ang kwarto ko. Ayokong bumaho ang mga gamit ko. Babalik ako after five minutes dahil hindi ko masikmura ang baho," bilin niya at umalis. Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang boses ng dalawang batang lalaki. Sa tingin ko ay pabalik sila sa kanilang kwarto. Agad na nilapitan ko sila at umaktong kasama nila saka binuksan ang dalang junk food. Inalok ko sa kanila ang dala kong pagkain at tuwang dumukot. Nang tumapat ako sa pinto ay nagpaalam ako sa dalawang bata. Nang mapansin na abala sa paglilinis ang isang housekeeper sa hallway, maingat at malalaki ang bawat hakbang ko papasok sa kwarto. Pinakinggan ko ang ingay na ginagawa ng lalaking housekeeper sa loob ng kwarto. He's in the bathroom. Same interior din ito ng room ko kaya agad na nakita ko ang vault sa sala. Now, I have to get the access code for his vault. Nang pumunta ako sa reception area kanina, nakita ko na iisa lang ang kulay ng key cards ng guests at players. Ang pinagkaiba lang ay may codes na naka-imprint sa key cards naming mga player ng Brotherhood. And I need to find it. Pumasok ako sa kwarto. However, I am shocked when I saw how filthy it was. Am I in a garbage room? How am I supposed to find it here in a bunch of junk foods and his used clothes? Wala akong nagawa at tinignan sa mga posibleng kalat na naroon ang key card. Halos magmukha na akong basurero sa paghahalukay. Pigil ang bibig na hindi ako mapamura hanggang sa nakapa ko ang key card sa bulsa ng gamit na boxer short. Dang it! Sinubukan kong kabisaduhin ang codes sa kabila ng inis at diri ko. Agad na tinungo ko ang vault upang buksan. Fortunately, he has red set of chess pieces. I only got the chess pieces that I needed and put it inside the junk food. I closed the vault and left like no one was inside the room. Never in my wildest dream that I'll be stealing from someone, but I need to do it in order to win my next game. Kaya dapat lang na mas maging maingat at maipanalo ko ang mga susunod kong laro para hindi ko ulit kailanganin na magnakaw ng chess pieces. But on the other side, I can't hide the fact that it was thrilling and exciting. In five hours, magsisimula na muli ang laro. Pagbalik ko sa kwarto ay pasalampak na umupo ako sa sofa. Walang buhay na kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa para i-send ang naudlot kong reply kay Aina kanina. Ngunit parang tinusok ako sa pwet at napatayo nang makitang nai-send ang aking reply nang hindi ko nalalaman. I almost had a heart attack when I saw only one word from my text. At hindi ang buong text ko! 'Baby' "What the!" gulat na bulalas ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD