Caballero Thirteen

1880 Words
Kyzo's P.O.V Saturday, 7:00 AM. That's the day and time that flashed when I checked my phone. Ilang oras palang ang tulog ko mula nang matapos ang laro. I bet I look like a freaking mess at the moment. Ngayon ang nakatakdang araw na sinabi ko kay Aina na pumunta rito sa hotel at kinakabahan ako kung anong nasa isip niya sa huling text ko. Inis na ginulo ko ang buhok ko. I think I need the help of the Auxiliar. "Ano'ng ginagawa mo d'yan? Pwedeng padaan? Nakaharang ka kasi sa harap ng elevator." Iniangat ko ang ulo ko nang marinig ang boses ni Aina. Pakiramdam ko ay may mga nagkakarerahang kabayo sa loob ng dibdib ko at nag-uunahan na lumabas sa puso ko nang magtagpo ang aming tingin. She's wearing light makeup that makes her face look fresh and appealing. It makes my gaze glued to her face. "Kyzo," tawag-pansin niya at kumaway sa mukha ko. Bumalik ako sa huwisyo. Inayos ang buhok ko at umatras para makalabas siya sa elevator. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatayo sa tapat ng elevator. "Kanina ka pa?" tanong ko at sabay kaming naglakad pabalik sa hotel room ko. "Sakto lang. Bakit nga pala nasa harap ka ng elevator? Baba ka ba?" tanong ni Aina. Binuksan ko ang pinto at hinayaan siyang mauna na pumasok sa hotel room ko. "No. Galing ako sa baba kanina. Inayos ko lang ang sintas ng rubber shoes ko bago ako bumalik sa kwarto." I am amazed at how effin' liar I am right now. Ni hindi ako nautal sa pagsisinungaling ko. Ang totoo ay balak kong hanapin at kausapin ang Auxiliar at pansamantalang iwan sa kaniya ang cellphone ko. Babawiin ko nalang sa kaniya mamaya bago ang laro. At kung sakali man na tanungin ako ni Aina sa huling text ko ay sasabihin ko sa kaniyang nawawala ang cellphone ko. Sigurado kasi akong hindi siya maniniwala sa alibi ko at hahanapin sa hotel room ang cellphone ko. Damn it. Ever since I stepped inside this hotel, I started to learn how to lie. Just great! Matapos kong isara ang pinto, nagulat ako nang mapansin ang tiningin ni Aina sa akin. Tila may alinlangan sa kaniyang mga mata. Tumikhim siya bago nagsalita, "Tell me the truth, do you have a girlfriend?" Napakurap-kurap ako ng mga mata. "H-ha?" "Ang tanong ko, may girlfriend ka na ba?" "S'yempre, wala. Paano mo naman naisip na may girlfriend ako? I even confessed to you and you rejected me, remember?" "I-I know! Pero baka may ibang babae ka nang niligawan after I rejected you." "Wow! You think it's easy for me to move on and look for another woman?" The way we talk, it's the same way how I saw couples on the street arguing when the guy was caught cheating. However, I'm not the man who would cheat on her woman. "Then, who is the b-baby you're referring to?" Tila may dumaang maingay na tren sa tainga ko sa lakas nang t***k ng puso ko sa kaniyang tanong, idagdag pa ang kaseryosohan sa ekspresyon ni Aina. Umurong din ang dila ko sa pagsagot. I wish I could turn back the time para mabura ko ang text ko sa kaniya at i-send ang tamang text. Just one simple text, makes everything complicated now. I combed my hair in frustration and looked at her. "It's not what you think, okay?" Her eyebrow arched in disbelief. I bit my lip and took a deep sigh. "First, I don't have a girlfriend, okay? You already know that. The reply you got from me was not the whole message that I was supposed to reply to you with. Hindi ko alam kung anong nangyari pero nagulat nalang ako na nabura ang ibang message at..." I trailed off, and after a few seconds, I continued, "b-baby nalang ang natira at nai-send sa iyo." In the end, sinabi ko ang totoo. There is no point to lie. Tama na ang isang beses na hindi ako nagsabi ng totoo kanina nang makita ko siya sa elevator. "You're lying." "I'm not." "Then, what reply was I supposed to receive?" "Just you and my baby." I saw Aina was taken aback by my answer. I tried to study her blank expression for a while but I failed to see the answer. "Really?" tanong niya nang makabawi. I nodded. She looked away and mumbled some words that I can't hear. "What?" I asked. "Ha? Wala." Nagtaka ako nang mapansin ang pagsimangot ni Aina. Nasundan ko siya nang tingin at binuksan niya ang pinto sa terrace at lumabas. Humawak siya sa railing at tumanaw sa paligid. She closed her eyes while her hair danced with the air. Mula nang tumibok ang puso ko para sa kaniya, hindi na ako tumingin sa ibang babae. I feel content with her, na kahit sa simpleng pag-uusap at maramdaman ko lang ang presensya niya ay nagwawala na ang puso ko. She tends to act like a strong woman but I see her as a fragile woman that must be protected by a man, like me. Kinuha ko ang cardigan ko sa ibabaw ng sofa at lumabas sa terrace. Sinampay ko sa balikat ni Aina ang cardigan. It was seven o'clock in the morning but the morning breeze was still cold. "Bakit mo nga pala ako pinapapunta rito? Bored ka na ba sa pag-chi-chill mo rito sa hotel?" She asked and turned her gaze at me. Umangat ang kanang kamay ko at hinawi ang buhok na humaharang sa kaniyang magandang mukha. "I heard from Shift na pumunta ka raw sa KYS kasama ang kaibigan mo." Pag-iiba ko ng usapan. "Yes, galing nga kami roon." "Babae o lalake?" "Ha?" "Iyong kaibigan mo, babae o lalake?" "Lalake." Nagsalubong ang kilay ko sa narinig. "Is he a kid? Bakit kailangan mo pa siyang samahan sa KYS?" Sa kaalamang lalake ang kaibigan na kasama ni Aina sa pagpunta sa KYS, agad na uminit ang ulo ko. "Hindi niya kasi kabisado ang pasikot-sikot sa BGC at isa rin siya sa inaalagaan kong patient ng clinic ko." "Reasons." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya. She tapped my shoulder, "Teka, bakit ikaw naman ang mainit ang ulo ngayon?" Hindi ko pinansin ang sinabi ni Aina at tumanaw sa mga berdeng puno't halaman at mga nakakahalinang tanawin sa labas ng hotel. It was a lonely week for me since I stayed here at Ahedres Hotel. I did feel the excitement and the liveliness inside the hotel but it was not enough. Kaya sa tuwing pumupunta at nakakasama ko si Aina rito, pakiramdam ko ay kaya kong manatili sa loob ng hotel habangbuhay. Basta kasama ko lang siya. If it is not for the Brotherhood's rule, I will imprison Aina with me and I will not let any other man get near her. Nang sabihin ni Shift sa akin na sinamahan ni Aina ang kaibigan nito sa KYS, tila isang paparating na bagyo na dinagundong ako ng inis dahil alam kong lalaki ang kasama ni Aina. But, am I allowed feeling this way? Dahil kung oo, marami na akong mabubulag na kalalakihan for setting their eyes on my queen. "Paano kaya kung subukan kong maging model?" Aina said. Sa narinig, agad na napalingon ako sa kaniya. She teasingly wiggled her eyebrows. "You want to be a model?" takang tanong ko. Nagkibit-balikat siya. "Try lang." I started scanning her face down to her feet. Matangkad, fierce eyes and morena beauty, that is her advantage in becoming a model in KYS. However, her physic. Damn it! I would kill someone who would dare to stare at her. Agad na iniwas ko ang mata ko sa katawan niya. "You can be a model in KYS, but you are off-limits." "Off-limits? P'wede ba 'yon? May ganoon ba kayong rule sa KYS?" taka niyang tanong. Umayos ako nang tayo at namulsa. May kaseryosohan ang binigay kong tingin sa kaniyang mga mata. "Yes. You can't be anybody's model because you're exclusively for my eyes only." Nakita ko ang pagrehistro ng gulat sa mga mata ni Aina. The feelings I have for Aina right now make me possessive of her. Lahat nang gagawin niya o mga ginagawa niya ay kailangan kong malaman agad, even the tiny details. I didn't feel this before, maging ang pagdilim nang paningin ko sa mga bagay na naiisip ko tuwing may kasamang lalaki si Aina. O baka dahil nakakulong ako rito sa Ahedres hotel kaya ganito ang nararamdaman ko? Nabasag ang katahimikan sa pagitan namin ni Aina nang tumunog ang cellphone niya. May pagmamadali na dinukot niya sa bulsa ang cellphone at inilagay sa tainga niya. Nanatili ako sa harap niya nang sagutin niya ang tawag. "H-hello, Grace." Nakahinga ako nang maluwang na ang assistant niya sa clinic ang tumawag. Umalis ako sa terrace at pumasok sa loob ng kwarto ko. "Did I scare her with my words?" Mahinang usal ko habang nakasandal sa nakasarang pinto. Huminga ako nang malalim at lumakad palapit sa kama. Kinuha ko ang sketch pad at lapis na nakapatong sa bedside table at bumalik sa terrace. Kausap pa rin ni Aina ang assistant niya sa cellphone. Sumandal ako sa railings ng terrace at pinagpatuloy ang naudlot kong sketch kahapon. Konti nalang at matatapos ko na itong gawin. I didn't pack my other tools kaya't sketch pad at pencil lang ang dinala ko papunta rito sa hotel. "Tulip?" Tanong ni Aina. "Yeah." sagot ko habang pinagpapatuloy ang ginagawa. "Ngayon lang kita nakita na nag-draw ng bulaklak." "I know." When I saw the guest holding a bouquet yesterday, I suddenly got inspired to draw. And I came up with a tulip. "Do you know the meaning of tulips?" I asked while looking at my draw and smiled. "Nope." Pinilas ko mula sa sketch pad ang inukit kong tulip at tinupi ito. Kinuha ko ang kaliwang kamay ni Aina, pinatong ang nakatuping papel sa kaniyang palad. Umangat ang tingin ko sa kaniya. "If someone gives you a tulip, it means you are perfect for him and he's deeply in love with you." Kahit binasted niya ako noong gabing magtapat ako sa kaniya, hindi iyon magiging rason para tumigil at magpursige ako na maging akin siya. "Kyzo..." "I know it was not the right moment when I made a sudden confession to you. Nadala ako ng emosyon ko at ng alak. That's why I asked you to come today because I want to do it right and say it to you properly. Hindi kita minamadali na tanggapin ang nararamdaman ko para sa'yo. I just want to show and tell you how much I love you." Because I am a Sullivan. From the moment our heart starts to beat for one woman, it lasts forever. "Aina Ynez, will you allow me to court you?" I wholeheartedly asked. Umangat ang kamay ni Aina hinaplos ang pisngi ko. Pumikit ako at ninamnam ang init ng kaniyang palad. Nang magmulat ako ng aking mga mata, malamlam niyang tingin ang bumungad. "Pumapayag ako." sagot ni Aina. Abot hanggang langit ang saya ko nang marinig ang kaniyang sagot at agad na niyakap ko siya nang mahigpit. "Thank you, Aina. Thank you. You don't know how much you made me happy today." Naramdaman ko ang pagganti ni Aina ng yakap sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD