Caballero Fourteen

1916 Words
Blaine's P.O.V Naalimpungatan ako nang maramdaman ang mainit na kamay na humahaplos sa aking t'yan. Hindi pa nakuntento ang kamay nito sa paghaplos, pinasok nito ang kamay sa loob ng nightgown ko at minasahe ang dibdib ko. Hindi ko napigilan ang pagkawala ng ungol. "Honey." bulong niya sa tainga ko at marahang kinagat ito. Naramdaman ko ang pagragasa ng sakit at kiliti sa kaniyang ginawa. "Adler..." tila naging bulong ang pagsambit ko sa kaniyang pangalan. Gumalaw ako at umayos sa pagkakahiga. Nagmulat ako ng mga mata at nakita ang pagkilos ng asawa ko at pumaibabaw sa akin. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. Maraming taon na ang lumipas pero nananatili pa ring mabilis ang t***k ng puso ko para sa kaniya. Ang taong pinakasalan ko at ama ng mga anak ko. "Galing ka ba sa hotel?" Tanong ko. "Yes." Sagot niya at dinampian ako ng halik sa labi. Hinawakan niya ang mga binti ko at pinaghiwalay ito. Lumuhod siya sa pagitan ko at isa-isang tinanggal ang butones ng kaniyang long sleeves habang nakatingin sa akin. Napalunok ako sa aking nakikita. "Hindi ka ba pagod?" Tanong ko. Hinagis niya ang kaniyang long sleeves. Hinawakan ang laylayan ng nightgown ko at tinaas ito para hubarin sa akin. "I don't know that word especially when I'm this hungry for you, honey." Sabi niya habang nakatingin sa nakalantad kong dibdib. "A-Adler..." Kahit na maraming beses na namin itong ginagawa ay hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng hiya. Idagdag pa ang mga mapang-angkin na salita ni Adler na talagang nagpapainit ng aking katawan. Hindi ko rin siya masisisi. Kahit ako ay gusto rin ang kaniyang naiisipan na gawin. I want him too. Isang gabi na hindi ko siya kasama sa pagtulog dahil sa commitment niya sa brotherhood. Isang gabi na hindi ko ramdam ang init ng katawan ng aking asawa. TINIGNAN ko ang orasan sa bedside table. Alas onse na pala ng umaga. Napangiti ako nang maramdaman ang mahigpit na yakap ni Adler mula sa aking likuran. Balot ng makapal na kumot ang hubad naming mga katawan. "I'm sorry if you can't come to the Orchidarium today. I made you tired." Sabi ni Adler habang dinadampian ng halik ang balikat ko. Humarap ako sa kaniya. Niyakap ko siya at binaon sa malapad niyang dibdib ang mukha ko upang itago ang pamumula nito. Nag-iinit ang mukha ko dahil sa alaala ng mainit naming pinagsaluhan kanina. Tila hindi siya pagod mula sa opisina at sa brotherhood. "Aagahan ko nalang bukas ang pagpunta sa Orchidarium." Sabi ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Adler sa baba ko at iniangat ito upang magtagpo ang aming tingin. May ngiti sa kaniyang mga labi. "I'll come with you then." Sabi niya at dinampian ako ng halik sa labi. Mapalad ako na may asawa akong mapagmahal at maalalahanin. Sa edad naming ito, napanatili ni Adler na mainit pa rin ang aming pagsasama at hindi siya nagsasawa na sabihin sa akin na mahal niya ako. "Kamusta na kaya ang anak natin na si Kyzo?" Tanong ko nang maalala na ilang araw nang hindi nag-te-text o tumatawag si Kyzo mula sa outing nila. "He didn't call or text today?" Umiling ako. "Limang araw na." "Are you worried?" Tumango ako. "Tuwing may outing siya, ina-update niya ko." First time itong nangyari na walang text o tawag si Kyzo sa akin. Madalas ay nag-a-update siya kapag nasa outing. Hindi ko maiwasan na mag-alala. "Honey, you don't need to worry about our son, okay? Maybe he's just enjoying his vacation. He's a grown-up man now. He can handle himself. Trust him." Alo sa akin ni Adler. Huminga ako nang malalim at pinakatitigan ang gwapong mukha ng asawa ko. Mabuting asawa at ama si Adler. Pantay ang pagmamahal niya sa dalawa naming anak. Ngunit hindi rin maiwasan ang pagiging protective niya lalo na sa bunso naming anak na babae na si Kyla. "Loving the view, gorgeous?" Napakurap-kurap ako ng mga mata nang magsalita si Adler. Hindi ko namalayan na napatagal pala ang pagtitig ko sa mukha niya. Agad na umiwas ako nang tingin sa kaniya at yumakap na lamang. "Mahal na mahal kita, Blaine." Bulong ni Adler habang yakap ako. Napangiti ako at gumanti ng yakap sa kaniya. "Mahal din kita, Adler." Ilang minuto na magkayakap kami ni Adler, pinapakiramdaman ang pagkakadikit ng hubad naming mga katawan. Nang tumingala ako para tignan ang mukha niya ay nakapikit na ang kaniyang mga mata at mahimbing na ang pagkakatulog. Napangiti ako. Dahan-dahan na inalis ko ang braso niya sa baywang ko. Walang ingay na umalis ako sa kama at dumiretso sa shower. Matapos kong makaligo ay pumasok ako sa walk-in closet at nagbihis. Bago lumabas ng kwarto ay tumingin ako sa kama kung saan ay mahimbing pa rin ang tulog ni Adler. Halatang pagod na pagod siya. Sa aking pagbaba sa sala ay siya namang pagpasok ni Kyla kasama ang kababata ni Kyzo na si Aina. Dumako ang tingin ni Aina sa akin at ngumiti. "Good afternoon po, Tita." Bati niya. "Good afternoon, Hija." Ganting bati ko na may ngiti sa mga labi. Si Aina ay anak ng kaibigan kong si Fay at kababata ni Kyzo. Mula nang maliit pa lamang sina Kyzo at Aina ay hindi sila napaghiwalay at magkasama palagi. Kaya't tinuturing naming pamilya si Aina. "Mama." Bati ni Kyla at humalik sa pisngi ko. "Hindi ka yata sumama sa outing, Aina?" baling-pansin ko kay Aina. "Outing po?" Gulat niyang tanong. "Outing ng mga kaibigan ninyo ni Kyzo." "H-Hindi po, Tita. S-saka mukhang boys outing po yon." Sagot niya na may pilit na ngiti. "Ganoon ba?" Nakapagtataka dahil laging sinasama ni Kyzo si Aina sa outing nilang magkakaibigan. "Nga pala, saan kayo galing?" Tanong ko. Napansin ko ang mga dala nilang paper bags. Siguradong hinila na naman ni Kyla si Aina na samahan ito sa pag-shopping. "Mama, naalala mo po iyong sinabi ko sa iyo na international boutique? Pinuntahan po namin ni Ate Aina kanina sa Ahedres Hotel. Look, Mama! Ang gaganda po ng mga design at quality." Sagot ni Kyla at naglabas ng isang Kettle Brim hat. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kyla. Hindi ko na masyadong maintidihan ang ibang sinasabi ni Kyla. Tila tumigil sa pagtibok ang puso ko nang marinig ang pangalan ng hotel na sinabi niya. Tama ba ang dinig ko? Ang binanggit ni Kyla na hotel ay kung saan ang headquarters ng brotherhood nila Adler? Napalunok ako. "K-Kyla, ano'ng sabi mo? G-Galing kayo sa Ahedres Hotel?" Utal kong tanong. "Opo. Ang layo nga po ng hotel na iyon. Pero worth it naman po puntahan kasi maganda yong hotel. Parang masaya nga po roon mag-stay. Punta po tayo roon next week, Mama." Jusko! Tama nga ang kutob ko! Bakit sa dinami-rami ng lugar, bakit doon pa? Bakit sa lugar na ayaw kong matuklasan ng mga anak ko? "Anong oras kayo umalis dito?" Seryoso kong tanong. Dumako ang tingin ko sa anak kong bunso. "2:00 AM po dahil magbubukas po ang boutique ng 10:00 AM. Inagahan po namin ang pag-alis dahil sa byahe." "Anong oras kayo umalis sa hotel?" "11:00 AM po, Tita. Hindi po ba nagpaalam sa inyo si Kyla?" Sagot ni Aina. "Nagpaalam po ako kay Mama na aalis po tayo ng maaga, Ate Aina. Di ba po Mama?" Pinipigil ko ang emosyon na gustong kumawala sa loob ko. Tinignan ko ang wristwatch ko. Kung 2:00 AM sila umalis, 7:00 AM ay dumating sila sa hotel. Umalis sila sa Ahedres Hotel ng 11:00 AM at dumating ngayon sa bahay ng 4:05 PM. Ibig sabihin ay nanatili sila sa hotel ng apat na oras. Binalewala ko ang tingin ni Kyla at tumingin ng diretso kay Aina. "Shopping lang ba ang ginawa ninyo roon?" "Opo, Tita. Umalis din po kami agad pagkatapos makapag-shopping ni Kyla dahil iniiwasan ko po na abutin kami ng gabi sa daan lalo na po at sabado ngayon." Sagot ni Aina. Paano nangyari ito? "Tita, alis na po ako. Nagpapasundo na po kasi si Mama sa palengke." Paalam ni Aina at humalik sa aking pisngi. Pilit na ngumiti ako. "Sige, Hija. Salamat sa paghatid kay Kyla. Mag-ingat ka." "No worries po, Tita." "Thank you po sa pagsama sa akin, Ate Aina." Nakangiting sabi ni Kyla. "No problem. Basta ikaw." Nakangiting sabi ni Aina. Nasundan ko nang tingin si Aina sa kaniyang paglalakad nang mapansin ang nakatuping papel nahulog mula sa kaniya bulsa. "Ate Aina, sandali!" Tawag-pansin ni Kyla. Huminto at lumingon si Aina. Agad na dinampot ni Kyla ang papel na nasa sahig at ibinigay ito sa kaniya. "Thank you." Pasasalamat niya. Nang makaalis si Aina ay binalingan ko ang bunso kong anak. "Bakit hindi mo sa akin sinabi na sa Ahedres hotel ang boutique na sinasabi mo? Pinagbawalan kitang pumunta sa hotel na iyon, di ba?" Yumuko si Kyla. "Opo. Alam ko po kasi na hindi niyo po ako papayagan na pumunta roon kapag sinabi ko po sa inyo na doon ang branch ng boutique. Kaya nagpasama nalang po ako kay Ate Aina." Binitawan ni Kyla ang paper bag na bitbit at agad na yumakap sa akin. "I'm sorry po, Mama." Huminga ako nang malalim. "Umakyat ka na sa kwarto mo." Sinunod ni Kyla ang sinabi ko. Nanatili ako sa sala. Balisa at takot ang nararamdaman ko sa nalaman. Umakyat ako sa kwarto namin ni Adler. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa paningin ko ang topless na si Adler na tila palabas ng kwarto. Agad na niyakap ko siya at humagulgol. "Blaine, honey, what happened?" Bakas ang pag-aalala sa tanong niya. "S-si Kyla." "Why? What happened to our daughter?" Tumingala ako at tinignan ang nag-aalalang mukha niya. "Si Kyla. Galing sa Ahedres Hotel." Umiiyak na sumbong ko. Humiwalay nang yakap sa akin si Adler at gulat na tumingin sa akin. "What?!" Gulat na bulalas ni Adler. "Kauuwi niya lang kasama si Aina galing sila sa Ahedres Hotel." "Bakit daw siya pumunta roon?" "Pinuntahan nila ang isang international boutique doon." "Damn it!" Matapos ang first wedding namin noon ni Adler, nilahad sa akin ni Adler ang tungkol sa kanilang brotherhood, ang game at player's rules, ang pagiging top player niya at kaniyang codename. Sinabi rin sa akin ni Adler kung saan ito makikita, at iyon ay sa Ahedres Hotel. Limang oras ang byahe nito mula sa aming bahay papunta sa hotel. "Adler, paano kung sumali siya sa brotherhood?" Muli akong niyakap ni Adler at hinaplos ang aking likod. Walang ampat sa pag-agos ang aking luha. Takot ako sa maaaring mangyari. Takot akong mawalan ng anak. Ayoko. Hindi ko kakayanin. "As long as hindi siya kinausap ng isa sa Auxiliar, she's fine. But let's wait 48 hours to see if she will receive an invitation. Kapag wala siyang na-receive, we don't need to worry." "Paano kung may matanggap siyang invitation?" Nag-aalala kong tanong. Sandaling tumahimik si Adler. Tila may pag-aalangan sa kaniyang isip. "Adler, sabihin mo sa akin." Pagmamakaawa ko. Bumuntong hininga siya at tumingin sa sahig. "She needs to play the game." Hindi ko napigilan ang paghagulgol at yumakap sa kaniya. Hindi p'wede. Hindi ako papayag na maglaro kahit isa sa mga anak ko. Ayaw kong maranasan nila ang parusa para sa talunang manlalaro. "Adler, mangako ka na hindi mo hahayaan na makapasok sa brotherhood ang mga anak natin. Hindi ako papayag." Pagsusumamo ko. "Yes, Blaine. As long as I am alive and still one of the top players of Diecesies, I won't let them join the brotherhood. I promise." Sabi ni Adler at naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD