bc

Married to the Cold Billionaire

book_age18+
9.5K
FOLLOW
170.5K
READ
billionaire
contract marriage
family
opposites attract
arranged marriage
arrogant
heir/heiress
drama
bxg
serious
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa isang pagkakamali ay nagulo ang buhay ni Catherine. Buntis siya at ang ama ng pinagbubuntis ay walang iba kundi si Travis Azarcon--ang may-ari ng Azarcon Airlines. At ang problema ni Catherine ay engaged si Travis sa pinsan niyang si Lianne. At nang malaman ng pamilya na buntis siya at si Travis ang ama, they forced Travis to marrying her instead. Dahil sa nangyari ay umalis si Lianne, nagalit naman sa kanya si Travis. The forced wedding pushed through but Travis never treated her like a wife. Despite his cold treatment, Catherine couldn't help but fall even more in love with him. At kung kailangan nagbago si Travis, at kung kailangan niya naramdaman na mahal na din siya nito ay doon din naman bumalik si Lianne, dala-dala ang balitang nagpaguho sa pag-asa sa puso ni Catherine...

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NAPAUPO si Catherine pabalik sa gilid ng kama ng bigla na lang siyang nakaramdam ng pagkahilo. Ipinikit niya ang mga mata habang pinapakiramdam niya ang sarili. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng hilo. Noong una ay akala niya ay simpleng pagkahilo lang ang nararamdaman dahil minsan ay nagpupuyat siya pero nang mapadalas ang pagkahilo ay nakaramdam na siya ng pagkaalarma. Kaya nagpunta siya sa ospital para magpa-check up. Naisip niyang baka may sakit na siya. Pero ganoon na lang ang gulat ni Catherine ng malaman ang resulta ng test niya. Hindi siya nahihilo dahil may malalang sakit siya, nahihilo siya dahil buntis siya. She was four weeks pregnant. Masaya naman siya dahil buntis siya. Because baby is a blessing. Pero hindi niya maiwasan ang makaramdam ng kaba dahil isang malaking problema ang mangyayari kapag nalaman ng pamilya niya kung sino ang ama ng pinagbubuntis niya. Si Travis Azarcon--the young and formidable billionaire. The owner of Azarcon Airlines. At kaya niya nasabi na malaking problema iyon ay dahil hindi niya boyfriend ang lalaki. And Travis is commited to someone else. May fiancee ang lalaki. At ang fiancee nito ay walang iba kundi ang pinsan niyang si Lianne. The incident between her and Travis was simply a mistake, they were both drunk when it happened. Pareho nga silang nagulat na dalawa ni Travis nang magising sila kinaumagahan na nasa iisang kama at parehong walang saplot sa katawan. At base sa pananakit ng katawan at sa ibabang bahagi ng katawan niya ay sigurado siyang may nangyari sa kanilang dalawa. At nang tingnan niya ang katawan ay punong-puno iyon ng marka. Patunay din ang bakas ng dugo na naiwan sa bedsheet. Travis was her first. Yes. May naging boyfriend naman si Catherine pero hanggang halik lang ang kaya niyang ibigay sa mga ito. Hindi naman siya conservative. Alam lang niya ang limitasyon niya. At gaya ng sinabi niya ay isang pagkakamali lang ang nangyari sa kanilang dalawa ni Travis. Kinausap nga din siya ng lalaki na kung pwede ay ilihim nila ang nangyari, lalo na kay Lianne. Ayaw ni Travis na malaman ni Lianne ang tungkol sa nangyari dahil ayaw nitong masaktan ang babae, ayaw nitong maghiwalay ang dalawa kapag nalaman ni Lianne ang nangyari sa kanila. At sa totoo lang ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng sakit, lalo na ang puso sa sinabi ni Travis sa kanya. Bakit? Dahil may lihim siyang nararamdaman para kay Travis. Simula pa lang noong una niya itong nakita ay nagustuhan na niya ito. Pero ang pinsan niyang si Lianne ang gusto nito kaya wala na siyang nagawa kundi mahalin lang ito ng sekreto. All this time, she was loving him secretly. Iyon lang naman ang pwede niyang gawin sa nararamdaman niya para kay Travis. Hindi naman niyang pwedeng sabihin iyon dito dahil alam niyang wala namang kahihitnatnatan iyon. Siya lang din ang kawawa. Pero sa totoo lang ay hindi din niya napigilan ang masaktan kapag nakikita niya si Travis at Lianne na magkasama. Lalo na kapag nakikita niyang sweet ang mga ito sa isa't isa. Kaya hanggang maari ay ayaw niyang makita ang mga ito na magkasama. Pumayag din si Catherine sa gustong mangyari ni Travis dahil ayaw din niyang magkasira ang relasyon ng dalawa. Alam kasi niyang mahal na mahal ng dalawa ang isa't isa. Pero hindi naman niya inaasahan na magbubunga ang nangyari sa kanila ni Travis. Wala pa nga siyang pinagsasabihan tungkol sa kondisyon niya. Hindi pa niya nasasabi sa pamilya ang tungkol sa pagbubuntis dahil hindi niya alam ang sasabihin at ayaw din niya ng gulo. Naisip nga din ni Catherine na magpakalayo-layo na lang muna siya para itago ang pagbubuntis niya. Babalik na lang siguro siya kapag nanganak na siya. Iyon ang plano ni Catherine, nitong nakaraang araw nga ay naghahanap na siya ng lugar na pwede niyang tirahan. Iyong malayo sa mga ito para hindi mag-krus ang landas nila habang hindi pa siya nanganganak. May ipon na din naman siya at naisip din niyang gamitin ang ipon para magpatayo ng maliit na business para magkaroon siya ng source of income na gagamitin niya sa pagpapalaki ng anak. Humugot na lang siya ng malalim na buntong-hininga. At nang medyo um-okay ang pakiramdam ay tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama. Humakbang na si Catherine palabas ng kwarto, pababa ng hagdan at dumiretso patungo sa dining area para kumain. Bigla kasi siyang nagutom pagkatapos niyang sumuka. At kailangan niyang kumain para maging healthy ang baby niya. Pero natigilan siya sa paglalakad nang nakita niya kung sino ang kasama ng magulang na nasa harap ng mesa. It was Lianne. At kasama nito ang fiancee nitong si Travis. Doon kasi pansamantala tumutuloy si Lianne sa bahay nila dahil wala ang mga magulang nito. Sa sandaling iyon ay hindi niya maiwasan ang pagbilis ng t***k ng puso. At sa halip na magpatuloy siya sa paglalakad ay bumwelo siya para tumalikod. Hanggang maari ay ayaw muna niyang makaharap ang dalawa dahil sa mga nangyari. At hindi niya kayang pakiharapan si Lianne dahil kinakain siya ng konsensiya niya. Lianne was good to her, pero ano ginawa niya? Pero hindi niya pa nagagawang tumalikod nang mapansin na ang presensiya niya. "Oh, Catherine. Halika na," tawag sa kanya ng ina na si Cathleya. "Akala namin mamaya ka pa magigising kaya hindi ka na namin tinawag," dagdag pa na wika ng ina. Nitong makalipas na araw kasi ay late na siya nagigising kaya hindi na siya nakakasabay na mag-breakfast sa mga ito. Binasa ni Catherine ang ibabang labi gamit ang dila nang lumingon din sa dereksiyon niya si Lianne. Si Travis naman ay nanatili ang tingin sa harap ng mesa. Napansin niya na blanko ang ekspresyon ng mukha nito pero kita naman niya ang pagsasalubong ng kilay nito. "Halika ka, Cath," tawag naman sa kanya ni Lianne na may ngiti sa labi. Hindi naman niya magawang makapagsalita, nagi-guilty kasi siya sa pinsan. Nagi-guilty siya sa nangyari sa kanilang dalawa ni Travis. Sa sandaling iyon ay hindi niya alam ang gagawin. Gusto niyang umalis pero hindi niya magawa. Kaya no choice siya kundi manatili. In that moment, she didn't know what to do. She wanted to leave, but she couldn't. So she had no choice but to stay. Hindi na natuloy ang pag-atras niya. Umabante na lang siya sa paglalakad palapit sa mga ito. Pero hindi pa siya tuluyang nakakalapit ng bigla niyang takpan ang ilong ng may maamoy siyang hindi niya gusto. "May mabaho," hindi niya napigilan na ibulalas habang takip pa ang ilong, nalukot nga din ang mukha niya. Nakita naman ni Catherine ang pagkunot ng noo ng ina. "Anong mabaho?" tanong nito sa kanya. "May mabaho po," sagot niya ulit. "Wala namang mabaho?" Giit ng ina, pagkatapos ay sumulyap ito sa pinsan. "Lianne, may naamoy ka ba na mabaho?" tanong ng ina sa pinsan. Umiling si Lianne. "Wala naman po, Tita," sagot nito, bakas ang pagtataka sa mukha. Kunot ang noo na tinaggal niya ang pagkakatakip ng ilong para i-check ang naamoy niyang mabaho. Pero mabilis niyang tinakpan ang bibig ng maramdaman niya ang pagkakahakukay ng sikmura ng muli niyang naamoy ang mabaho. Shit! At bago pa siya tuluyang maduwal ay tumakbo na siya palapit sa sink at doon nag-duwal ng nag-duwal. Wala naman siyang maisuka, tanging laway lang. Medyo nakaramdam na naman siya ng pagkahilo ng sandaling iyon kaya nanatili muna siya ng ilang segundo doon. Nakakapit nga din siya sa may sink para doon kumuha ng suporta. At nang medyo um-okay na ang nararamdaman ay nagmumog siya. Ayaw niyang humarap sa mga ito pero wala siyang magagawa. Hindi siya pwedeng tumakas at idinalangin na lang niya na walang sabihin ang mga ito sa kanya. Napansin naman ni Catherine ang paninitig ng mga ito sa kanya. Pero hindi na lang niya iyon binigyan ng pansin. Humakbang siya palapit sa mesa. Pagkatapos ay tahimik lang siyang umupo sa harap nila Lianne. Akmang kukuha siya ng makakain dahil gutom na siya ng mapatigil nang marinig niya ang hindi inaasahan na itatanong ng ina sa kanya. "Buntis ka ba, Catherine?" tanong ng ina sa kanya, halos mag-isang linya ang kilay. Bumuka-sara ang bibig niya sa tanong na iyon. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Hindi pa nga siya nakakasagot ng sumunod na magtanong ang ama sa kanya. "Sino ang ama?" tanong nito sa seryosong boses. Sa halip na sagutin ang ama sa tanong nito sa kanya ay hindi niya maiwasan ang mapatingin sa gawi ni Travis na ngayon ay sobrang pagsasalubong ng mga kilay. Mula sa gilid ng mata at nakita niya ang pagsunod ni Lianne sa dereksiyon ng tiningnan niya. At mukhang nagkaroon ito ng ideya kung sino ang ama ng pinagbubuntis niya ng mahulog nito ang kubyertos na hawak nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.7K
bc

His Obsession

read
103.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.5K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook