NAPAKURAP-kurap ng mga mata si Catherine habang nakatitig siya sa mukha ni Travis. At mayamaya ay mukhang naramdaman nito na nakatitig siya dito dahil nagmulat ito ng mga mata. At ang itim na mga mata na naman nito ay tumitig sa kanya. And Catherine couldn’t take her eyes off him as a glint of happiness flickered in them. "Masakit pa din ang ulo mo?" tanong ni Catherine dito. Saglit namang hindi sumagot si Travis, nanatili ang tingin nito sa kanya. "Yeah," maikling sagot ni Travis sa kanya. Humugot naman siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa tabi nito. “Come on, let’s go upstairs. You need to rest,” wika niya kay Travis. At nang hindi pa ito kumikilos ay inilahad niya ang kamay sa harap nito. Napansin niya ang pagbaba ng

