NGAYONG gabi gaganapin ang party na tinutukoy ni Tita Grace na dadaluhan nila Catherine. At nang sandaling iyon ay abala ang kinuha ni Tita Grace na make-up artist para ayusan sila ng sandaling iyon. Gusto sana ni Catherine na mag-ayos ng sarili pero naisip niyang huwag na lang, naisip kasi niyang formal party ang a-attend-an nila. Hindi basta-basta ang magiging bisita. Baka hindi maganda ang gagawin niyang pag-a-a-ayos sa sarili at baka mapahiya pa siya sa mga kakilala ni Tita Grace. "Ma'am Catherine, ito po ba ang isusuot niyo?" wika ng isa sa mga nag-aayos sa kanya. Nagmulat ng mga mata si Catherine nang marinig niya ang tanong na iyon sa kanya. Tumingin siya sa gilid at nakita niya ang isa sa mga nag-aayos sa kanya hawak-hawak ang gown na isusuot niya. "Oo," sagot naman niya d

