Chapter 6

1518 Words
NAGSALUBONG ang mga kilay ni Travis nang inalis niya ang tingin sa harap ng computer at inilipat niya ang atensiyon sa intercom ng tumunog iyon. Saglit siya doon na nakatitig hanggang sa inangat niya ang intercom para sagutin ang tawag sa kanya. "What?" malamig ang boses ni Travis na wika niya sa kabilang linya. "Sir, pasensiya na," narinig niyang wika ng secretary niyang si Chris mula sa kabilang linya. "But Sir Adam is outside your office. He wants to see you," imporma nito sa kanya. Mas lalo namang kumunot ang noo niya sa narinig na sinabi ni Chris sa kanya. Anong ginagawa ni Adam sa opisina niya? Ang pagkakaalam niya ay nagbabakasyon ito sa probinsiya, hindi pala nagbabakasyon, nasa probinsiya ito dahil sinusuyo nito ang girlfriend nitong nakipaghiwalay dito. Kaklase niya si Adam sa isang prestigious university dito sa Manila. Naging matalik din niya itong kaibigan at kahit na may kanya-kanya na silang pinagkakaabalahan sa buhay ay hindi pa din nila nalilimot ang isa't isa. They still hang out when they're both not busy. "Papasukin ko ba, Sir?" mayamaya ay untag nito sa kanya. "Okay. Let him in," mayamaya ay wika niya dito. Hindi na nga din niya hinintay na magsalita ito dahil ibinaba na niya ang intercom. Mayamaya ay nakarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa labas ng opisina niya. Nakita niya ang pagpihit ng seradura at ang pagbukas niyon. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang ngiti sa labi ni Adam ng magtama ang mga mata nila. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya dito sa malamig pa ding boses. "Well, as your friend. I need to congratulate you," wika nito sa kanya. His expression still remained. "Congratulate me for what?" tanong niya. "Sa pagpapakasal mo," sagot nito. "I heard you're married now." Sa narinig ay hindi niya napigilan ang mapakuyom ng mga kamay. Hindi nga din niya napigilan ang pagtatagis ng bagang. At nang makita ni Adam ang ekspresyon ng mukha ay napansin niya ang pag-angat ng dulo ng labi nito tanda ng pag-ngisi. "Oh, my bad man. Hindi pala congrats ang sinabi ko. Condolence," wika nito sa natatawang boses. His lips pursed. At sa halip na magbigay komento sa sinabi nito ay tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa swivel chair. Humakbang siya palapit sa counter kung saan nakalagay ang mga mamahaling alak na nasa loob ng opisina niya. Kumuha nga siya ng dalawang kopita at nilagyan niya iyon ng alak. Bitbit niya iyon ng lumapit siya kay Adam. Inabot niya ang isa at agad naman nitong tinanggap. Sumandal nga din siya ng pader. Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha ng dalhin niya ang kopita sa labi niya. "What happened, Travis? Why you married, Lianne cousin?" tanong nito sa kanya. "I got Catherine pregnant," tiim-bagang na sagot niya. "By mistake," dagdag pa na wika niya. Lasing sila pareho ni Catherine nang may nangyari sa kanila. Alam niyang may ka-s*x siya noong gabing iyon. Pero ang inakala niya ay si Lianne iyon. Pero nang magising siya ay laking gulat niya nang makitang hindi si Lianne ang katabi niya. It was Catherine--Lianne cousin. And they were both naked. At nang mawala ang kalasingan sa isip niya ay isa-isang pumasok sa isip niya ang nangyari. The way he devoured her, claimed her lips, and touched and tasted her body. At patunay ang ilang pasa at kissmark sa buong katawan nito sa nangyari sa kanila. And she couldn't believe that she is f*****g virgin! At sa totoo lang ay iyon ang unang pagkakataon ni Travis na may naikama siyang virgin. "Oh," sambit naman nito. "You're going to be a father?" Humigpit lang ang pagkakahawak niya sa kopitang hawak. Hindi din nga din siya nagbigay komento sa sinabi nito. At mukhang napansin ni Adam na ayaw niyang magbigay komento sa sinabi nito dahil may follow up question muli ito. "Where's Lianne, by the way?" mayamaya ay tanong nito kung nasaan si Lianne. "Umalis siya ng malaman niyang pumayag akong magpakasal kay Catherine," sagot niya. "At hindi ko alam kung saan siya nagpunta." Travis tried to find Lianne after she left, but he couldn't see her. Hindi din niya ito ma-contact dahil nakapatay ang cellphone nito. Sinubukan nga din niyang tanungin ang mga kaibigan nitong kilala niya pero wala din ang mga itong alam tungkol sa whereabout ng babae. She's nowhere to be found. Travis was supposed marry Lianne next year. But because of one mistake, iyong plano nila ay hindi natuloy. At sa halip na si Lianne ang pakasalan niya ay ang pinsan nitong si Catherine ang pinakasalan niya dahil nabuntis niya ito. Sa totoo lang ay wala siyang balak na pakasalan si Catherine. Yes, he was certain he was the father when he learned she was pregnant. At gaya ng sinabi niya ay wala siyang balak na pakasalan ito, he can support her and the baby. But marrying her? Na-ah. He didn't love her. Yes, Catherine was beautiful, he'd admit that. She had an innocent face, long lashes, beautiful eyes that sparkled when you looked at them. Her cheeks and lips naturally flushed, like they were touched up with blush and makeup. She also had a great body, with perfect curves in all the right places. But that's just it. Lianne was the woman he loved. Isang force ang pagpapakasal nila ni Catherine. Pinilit siya ng ama nito na panagutan niya ang bata. At gusto nitong pakasalan niya ang anak nito. Tumutol siya pero sinabi ng ama nito na kapag hindi niya papakasalan si Catherine ay kakausapin nito ang magulang niya. At kilala ni Travis ang mga magulang niya, lalo na ang ama. Ayaw nito na mabahidan ng eskandalo ang apilyido nila dahil miyembro ng House of representatives ang ama. So, he have no choice but to marry Catherine even if he doesnt love her. Travis think that Lianne was perfect wife material. Mabait, maalaga at higit sa lahat marunong magluto. Lagi siya nitong dinadalhan ng masarap na pagkain. At simula noong matikman niya ang luto nito ay lagi na lang niyang hinahanap-hanap. Simula noong matikman niya ang luto nito ay parang ang luto na na lang nito ang gusto niyang kainin. Doon yata nagsimula kung bakit siya nahulog dito. Guess the old saying is right - the way to a man's heart is through his stomach. He even praised Lianne the first time he tasted her cooking. She would smile and say that she cooked with love, which is why her dishes were so delicious. Kapag dumadalaw nga ito sa opisina niya ay may dala-dala itong palaging pagkain na paborito niya. Gaya na lang ng adobo at iba pa. Mayamaya ay napatigil ang pag-iisip ni Travis ng makarinig siya ng katok na nanggaling sa labas ng pinto ng opisina niya. "Come in," wika niya sa baritonong boses. Bumukas iyon at pumasok doon si Chris. Agad nang tumuon ang tingin niya sa pamilyar na paperbag na hawak-hawak nito. At nang makita iyon ay nagsalubong ang mga kilay niya. "Good morning, Sir," bati nito sa kanya. "Sir, naiwan niyo daw ang lunch niyo sa bahay," imporma nito sa kanya sabay taas ng hawak. "Inabot po ni Ma'am Catherine sa akin." "Throw it," wika niya sa matigas na boses. Hindi naman kasi niya iyon iniwan dahil sinadya talaga niya. Alam kasi niya kung sino ang nagluto niyon. Si Catherine. Wala kasing nagawa si Lily kundi aminin kung sino ang nagluto niyon ng tanungin niya ito ng i-abot nito iyon sa kanya kanina. Sinabihan nga din niya si Lily na ayaw na niyang maulit pa iyon. He doesn't want to eat the food Catherine cooked. Ang luto lang ni Lianne ang gusto niyang kainin. "S-sir?" "Do you hear me? I said, throw it. And don't repeat what I said," mariin ang boses na wika niya. "I'm.. sorry, Sir," sagot nito. Akmang lalabas na ito ng opisina para sundin ang pinag-uutos niya ng mapatigil ito ng tawagin ito ni Adam. "Chris, wait." "Sir?" "Huwag mong itapon. Sayang," wika ni Adam dahilan para magtagis ang bagang niya. "What the f**k?" "Well, nagugutom ako, Travis. When I heard you were married, I came here right away without even having breakfast," sagot nito sa kanya. "Akin na, Chris," wika ni Adam sa secretary niya. Chris hesitated but still handed what he was holding to Adam. "Thanks." Kunot ang noo niya ng sundan niya ito ng tingin ng maglakad ito patungo sa sofa na naroon. Nakita niyang inilabas nito ang container sa loob ng paper bag. At nang buksan nito iyon ay agad niyang nalanghap ang pamilyar na aroma ng adobo. "Hmm..mukhang masarap," komento ni Adam ng amuyin pa nito ang pasta. "And it's your favorite, Travis." Nagsimula na itong kumain. At nangislap ang mga mata nito pagkatapos nitong tikman iyon. "God! This is the best adobo I ever taste," bulalas nito. "Are you sure na ayaw mong tikman ang luto ng asawa mo?" tanong nito, binigyan diin pa ang salitang asawa, mukhang iniinis siya. Travis scoffed in annoyance. "Lianne's cooking is still better," sagot niya dito pero ang tingin ay nanatili sa hawak nitong container na may lamang paborito niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD