HINDI napigilan ni Catherine ang mapakunot ng noo nang alisin niya ang laman ng paper na pinamili ay puro maternity dress lang niya ang naroon. Wala na ang long sleeves at polo shirt na binili niya para kay Travis. Ang alam niya ay nasa ibang paperbag iyon dahil iyon ang ni-request niya sa kahera ng mall. Balak kasi ni Catherine na ibigay iyon kay Travis mamaya pag-uwi nito galing trabaho pero wala naman do'n ang pinamili. Naisip naman niya na baka napasama iyon sa mga gamit na binili nila para kay baby. Kaya lumabas siya ng kwarto para hanapin iyon do'n. Nagpunta siya sa guestroom pero wala do'n ang hinahanap kaya napagpasyahan niyang magtanong na lang kina Lily baka kasi alam ng mga ito kung nasaan iyon. Pagkarating nga ni Catherine sa kusina ay agad niyang tinanong si Lily nang ma

