LUMABAS na ng kwarto si Travis pagkatapos niyang maligo at makapagbihis. At sa halip na tuluyang lumabas ng mansion ay dumiretso muna siya ng kusina para hanapin si Lily para ibigay ang budget para sa mansion. Nabanggit sa kanya ni Lily kagabi na paubos na ang mga stock sa kusina at mag-go-grocery ang mga ito ngayon. Hindi pa nakakapasok si Travis sa kusina nang marinig niya ang boses ni Sophie na kausap si Lily sa may kusina ng mansion "Ate Lily, ano pong gagawin natin dito sa niluto ni Ma'am Catherine?" tanong nito. "Ibibigay po ba natin kay Sir Travis?" Mas lalong kumunot ang noo niya nang marinig niya ang sumunod na sinabi nito. Sa halip na ipaalam ang presensiya niya ay nanatili siya sa kinatatayuan para marinig pa niya ang ibang sasabihin ng mga ito. "Hindi, Sophie. Magagalit

