NAPATINGIN si Catherine sa cellphone nang hawak ng tumunog ang ringtone niyon. Kinagat nga din niya ang ibabang labi nang makita kung sino ang tumatawag sa kanya ng sandaling iyon. Si Travis. Sa halip naman na sagutin ang tawag nito ay hinayaan lang niya iyon ng tumunong na tumunog hanggang sa kusang tumigil iyon sa pagtunog. Pero ilang segundo lang ng muling tumunog na naman ang cellphone niya. At gaya kanina ay hindi niya iyon sinagot. Hinayaan lang niya iyon sa pagtunog hanggang sa kusang tumigil na naman. And after a while, the cellphone rang again, but this time it was the message alert tone. Travis had texted her. Where are you, Catherine? Basa ni Catherine sa text message nito. Sa halip naman na sagutin niya ang message nito sa kanya ay ibinaba niya ang kamay na may hawak na

