"BAKIT ako ang tinatawagan mo, Catherine. Dapat ang asawa mo ang tawagan mo para bumili ng gusto mong kainin at nang baby mo."
Napanguso naman si Catherine sa sinabi ng kaibigan niyang si Brad. Tinawagan niya ito dahil gusto niyang magpabili dito ng mango graham. Nagba-browse kasi siya sa social media account niya ng bigla niyang nakita iyon. At bigla na lang siyang nag-crave. Gusto niyang kumain niyon ng sandaling iyon. At gusto niyang kainin lahat ng cravings niya dahil para naman iyon sa baby niya.
At naalala niyang may malapit na store sa kompanyang pinagta-trabahuan ni Brad kaya ito ang tinawagan niya para bumili niyon para sa kanya. Ayaw na sana niya itong istorbohin dahil alam niyang busy ito pero tinatamad siyang lumabas. At naisip niyang istorbohin na lang niya ang lalaki dahil alam niyang hindi naman siya nito matitiis.
What are friends for, right?
"Alam mo naman ang sitwasyon naming dalawa, Brad," wika niya sa kaibigan.
Sa totoo lang ay alam ni Brad ang tungkol sa sitwasyon nilang dalawa ni Travis. Na-ikwento kasi niya iyon dito ng minsang nagkita sila. Tatlo silang magkakaibigan, kasama na doon si Anastacia. At alam ng dalawa ang nangyayari sa buhay niya dahil dito lang naman siya nakakapag-open up.
Sinabi nga sa kanya ni Brad kung bakit hinayaan niyang mangyari iyon, kung bakit siya nagpatali kay Travis, eh, alam naman daw niyang hindi siya nito mahal.
Hindi naman niya nasagot si Brad dahil pati siya ay hindi maintindihan kung bakit pumayag siyang magpakasal silang dalawa ni Travis kahit na alam niyang hindi siya nito mahal, kahit na alam niyang magiging miserable ang buhay niya dito.
Siguro isang dahilan ni Catherine na nagtulak na magpakasal siya kay Travis ay dahil sa batang nasa sinapupunan niya. Gusto niyang magkaroon ng kompletong pamilya ang anak niya. Pero mukhang mali yatang desisyon ang pinili niya. Pero hindi pa din nawawalan ng pag-asa si Catherine na isang araw ay matanggap sila ni Travis, na isang araw ay ituring na din siya nitong asawa nito.
"Sige na, Brad. Bilhan mo na ako. Hindi ka ba naawa sa akin?" wika niya kay Brad.
Sa kabila ng nararamdaman ay hindi pa din napigilan ni Catherine ang pagsilay ng ngiti sa labi ng marinig niya ang pagbuntong-hininga nito mula sa kabilang linya. Iisa lang kasi ang ibig sabihin niyon. Payag na ito sa request. Tama nga siya hindi siya nito matitiis.
"Okay fine," pagpayag nito sa request niya.
"Oh, I love you, Brad," natatawang wika niya dito.
"Tsk," sambit lang naman nito. "Just wait for your manggo graham," dagdag pa na wika nito sa kanya.
"Okay. Call me kung nandito ka na," wika niya kay Brad. "At ingat ka pagpunta dito," bilin pa niya dito.
Nagpaalam naman na sa kanya si Brad. Hinintay naman niya ang tawag nito. At makalipas ng isang oras ay napabangon siya mula sa pagkakahiga niya sa kama ng tumunog ang ringtone ng cellphone.
At nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang makitang si Brad ang tumatawag sa kanya
Mabilis naman niyang sinagot ang tawag nito. "Hello."
"Nasa labas na ako ng bahay niyo," imporma nito sa kanya.
"Okay. I'm coming," excited na sagot niya dito.
"Careful when you go down," bilin ni Brad nang mapansin nito na excited sa boses niya.
"I will," sagot naman niya dito. Hindi na nga din niya ito hinintay na magsalita dahil ibinaba na niya ang tawag. Inilapag niya ang cellphone at saka siya humakbang palabas ng kwarto. At kahit na excited siyang makain ang manggo graham niya ay nagdahan-dahan pa din siya sa pagbaba sa hagdan. Ayaw naman niyang ma-aksidente siya, ayaw niyang may mangayaring masama sa anak niya.
Nang makababa siya sa hagdan ay nagpatuloy sa paglalakad palabas ng bahay. Kinausap niya ang security ni Travis para buksan ang gate.
Agad naman siya nitong sinunod. Pagbukas nga ng gate ay agad niyang nakita ang itim na kotse Brad. Nakangiting nilapitan niya iyon at mukhang nakita na siya nito dahil bago pa siya makalapit ay bumukas na ang pinto sa gawi ng driver seat. Pagkatapos niyon ay bumaba si Brad.
Agad nga din niyang inilahad ang kamay sa harap nito ng tuluyan siyang makalapit.
Iiling naman si Brad nang inabot nito sa kanya ang hawak. Agad naman niya iyong pinagtuunan ng pansin. Tiningnan niya ang laman ng paperbag. At bigla siyang naglaway nang makita niya ang manggo graham niya.
Hindi na nga din siya makapaghintay dahil kumuha siya ng isa at saka na niya nilantakan iyon. Napapikit nga din siya ng mga mata nang manuot ang sarap sa bibig niya ang kinakain.
"Gutom na gutom?"
Nagmulat ng mga mata si Catherine ng marinig niya ang boses na iyon ni Brad. Tinaasan niya ito ng isang kilay nang makita niya ang naglalarong ngiti sa labi nito habang nakatingin ito sa kanya.
Nakasandal na nga din ito sa haligi ng kotse nito, magka-krus nga din ang dalawang braso sa ibabaw ng dibdib nito habang aliw na aliw na nakatingin sa kanya.
Hindi na lang pinansin ni Catherine si Brad at pinagpatuloy na niya ang pagkain sa s'mores niya. At mayamaya ay nag-angat muli siya dito nang maramdaman niya ang pagpunas nito sa gilid ng labi niya.
"Ang kalat mong kumain, Catherine," komento nito sa kanya habang pinupunasan pa din nito ang gilid ng labi niya.
At akmang tatabigin niya ang kamay nito na ng mapatigil siya ng makarinig sila ng malakas ng busina ng sasakyan. Nagulat nga din si Catherine at sa gulat ay nahulog ang manggo graham na hawak niya.
The hell?
Nag-angat siya ng tingin patungo sa sasakyan na bumusina. At hindi niya napigilan ang mapaawang ang labi nang makita ang pamilyar na kotse na nasa harapan nila.
Kotse ni Travis.
Pero bakit ang aga nitong dumating? Hindi ganitong oras kasi itong umuuwi.
Napaigtad siya ng muli itong bumusina. Mayamaya ay may lumapit na security sa kanila.
"Sir, pwedeng itabi nito ang sasakyan niyo? Nakaharang kasi sa daan," utos nito kay Brad, nakaharang kasi sa daan ang kotse nito.
At nang mapatingin siya kay Brad ay napansin niya ang seryosong ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin ito sa kotse ni Travis. At bago nito sundin ang security ay hinawakan siya nito sa likod ng siko para alalayan na gumilid. Pagkatapos niyon ay pumasok ito sa loob ng sasakyan para i-alis ang nakaharang na sasakyan nito.
Nasundan naman ni Catherine ang kotse ni Travis ng pumasok iyon sa loob ng gate hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin niya.
Hindi na din naman niya hinintay na makababa si Brad sa kotse dahil nilapitan niya ito. Kinatok niya ang bintana sa gawi nito.
Ibinaba naman nito ang bintana ng kotse para magkaharap silang dalawa.
"Magkano ang babayaran ko?" tanong niya sabay taas ng hawak niyang paperbag ng magtama ang mata nila.
Napansin naman niya ang pagkunot ng noo nito. "Hindi ako nagpapabayad, Catherine. Thank you is enough," sagot nito.
Ngumiti naman siya. "Okay. Thank you sa manggo graham," wika niya. "Papasok na din ako sa loob. Ingat ka sa pag-uwi, ha?" wika niya sa lalaki.
Saglit namang hindi sumagot si Brad pero mayamaya ay tumango ito. "I will. Ingat nga din. Kapag may kailangan ka, huwag kang mahihiyang tumawag," bilin din nito sa kanya.
Tumango din siya bilang sagot. Nagpaalam na muli siya dito. Gumilid siya para hintayin itong umalis pero mukhang wala itong balak na umalis hanggang sa hindi siya pumapasok sa gate.
Kaya kumaway na lang siya. Pagkatapos ay tumalikod na siya para humakbang papasok sa loob. At hindi pa siya tuluyang nakakapasok sa loob ng bahay ng mapatigil siya ng marinig niya ang malamig na boses ni Travis na tumawag sa pangalan niya.
"Catherine."
Lumingon siya sa pinaggalingan ng boses. At hindi niya napigilan ang pag-awang ng labi nang makita niya ang malamig na ekspresyon ng mukha ni Travis.
Humakbang ito palapit sa kanya habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Hindi naman niya napigilan ang pagbilis ng t***k ng puso ng tuluyan itong nakalapit.
Travis was towering over her. Kinakailangan pa nga niyang mag-angat ng tingin para magpantay ang paningin nila.
Humigpit nga ang pagkakahawak niya sa paperbag na bitbit niya nang magsalubong ang paningin nila, bakas ang kalamigan at galit doon.
"Wala akong pakialam kung manlalaki ka, Catherine. Pero huwag na huwag mong dadalhin sa pamamahay ko," malamig ngunit baritonog wika nito sa kanya, anger is evident in his eyes.
"Si Brad--
"I don't care who he is," he cut her off. "Uulitin ko, huwag mong dadalhin ang lalaki mo sa property ko. Kapag inulit mo, magbalot-balot ka na dahil I drag you outside my house." he warned her.
Travis didn't even give her a chance to explain herself.
He left her dumpfounded.