Chapter 59

1079 Words

"TRAVIS, bakit hindi mo yayain ang asawa mo na sumayaw?" Napaawang ang labi ni Catherine nang sulyapan niya si Tita Grace sa kanyang tabi nang marinig niya ang sinabi nitong iyon kay Travis. "Tita, hindi po ako marunong sumayaw," sagot niya. "It's okay, Catherine. Hindi naman kailangan na marunong kang sumayaw. Just sway your body gently to the rhythm of the music," wika sa kanya ni Tita Grace. Pagkatapos niyon ay muli nitong sinulyapan si Travis. "Isayaw muna ang asawa mo, Travis," wika ni Tita Grace. Akala niya ay magpo-protesta si Travis sa gustong mangyari ni Tita Grace, kasi minsan kapag labag sa loob nito ang pinapagawa ng Mama nito ay nagpo-protesta ito. Pero gaya kanina ay hindi na naman niya napigilan ang magulat nang makita niya ang paglahad ni Travis ng isa nitong kamay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD