PAGGISING ni Catherine kinabukasan ay expected na niya na ang mukha ni Travis ang unang makikita niya, nakayakap ito ng mahigpit sa kanya gaya na lang ng madalas na nangyayari kapag nagigising siya. Pero ganoon na lang ang pagkadismaya na naramdaman ni Catherine ng pagmulat ng kanyang mga mata ay wala na si Travis sa tabi niya. Mukhang nauna na naman itong nagising kaysa sa kanya. Nagpakawala naman si Catherine nang malalim na buntong-hininga. Tumaas nga din ang isang kamay niya para haplusin ang may kalakihan na tiyan. Ilang sandali pa nga siyang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa dahan-dahang bumangon. Akmang tatayo siya nang mapatuon ang tingin niya sa alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng bedside table ng mapansin niya ang post it note na nakadikit doon. And it's Travis pe

