NAGMULAT ng mga mata si Catherine ng magising siya kinabukasan. Inaasahan niya na pagmulat ng kanyang mga mata ay ang unang makikita niya ay si Travis. Sa kanilang dalawa ay siya lagi ang nauunang nagigising kaya minsan ay nagkakaroon siya ng pagkakataon para pagmasdan ito. Simula kasi no'ng nabuntis si Catherine ay nasanay na siya na maagang nagigising dahil madalas ay nagsusuka siya ng madaling araw. At hindi na siya nakakabalik mula sa pagkakatulog at mukhang na-adapt na niya iyon ng tumira siya sa mansion ni Travis. Tuluyan naman ng bumangon mula sa pagkakahiga niya si Catherine sa kama. Kailangan na din kasi niyang bumangon para maghanda ng almusal at ang babaunin ni Travis sa pagpasok nito sa opisina. Sinabi ni Catherine sa sarili na hindi na siya mag-e-effort para kay Travis d

