LUMABAS ng kwarto si Catherine para magtungo sa guestroom na dating tinutuluyan. Balak kasi niyang linisan iyon bilang paghahanda kung sakaling palipatin na siya ni Travis ngayong umalis na si Tita Grace sa mansion. Sa totoo lang ay may bahagi ng puso niya na nakakaramdam ng kirot sa isiping baka palipatin na siya ni Travis ng kwarto. Gusto pa kasi niyang manatili sa kwarto nito. Gusto niya iyong pakiramdam na kasama niya ito, katabi. Iyong tipong bago niya ipikit ang mga mata ay ito ang makikita niya. At sa paggising naman niya ay ito na naman ang makikita niya. At hindi lang iyon, gusto din ni Catherine iyong pakiramdam na nasa bisig siya nito. Iyong ramdam niya ang init ng katawan nito. Pero kahit na gusto niya ay wala na din siyang magagawa kung papalipatin siya nito. Kailangan din

