PINUNTAHAN ni Catherine si Tita Grace sa kwarto nito para magpaalam. May pupuntahan kasi siya ng sandaling iyon. Makikipagkita kasi siya sa mga kaibigan. Nagyayaya na naman kasi sina Brad at Anna na kumain sila sa labas. And usual, siya na naman ang pinagpili ng mga ito kung saan sila kakain. Alam naman kasi ng kaibigan na naging mapili siya sa pagkain simula noong buntis siya kaya kung saan niya gusto kumain ay doon sila. At ang napili niyang kakainan ay sa isang fast food restaurant. Gusto na naman kasi niyang kumain ng spaghetti do'n. Huminto si Catherine sa tapat ng pinto ng kwartong tinutuluyan ni Tita Grace. Pagkatapos niyon ay kumatok siya ng tatlong beses para ipaalam ang presensiya niya. Hindi naman nagtagal pinagbuksan siya nito ng pinto. "Oh, Catherine," wika naman ni Ti

